webnovel

KABANATA FIFTEEN

Naisipan nila Kogure at Akagi dalawin ang team ng SHOHOKU para na rin makita si coach Anzai. Pagdating nila nakita nila si Sakuragi na naglalaro habang si Rukawa naman natutulog. "Hanggang ngayon pala nagsasanay ka parin ng shooting Sakuragi." ngiting bungad ni Kogure.

"Boy labo at Gori aba anong ginagawa nyo rito. Namiss nyo ba ang henyo wahahaha." natatawang sabe ni Sakuragi.

"Nasaan sila Ryota at Mitsui?" tanong ni Akagi kay Sakuragi.

"Si Mitchi nag retiro na si kulot naman ayaw na daw nya maging captain kaya ako na ang bagong captain ng SHOHOKU." sabe ni Sakuragi at nagising naman si Rukawa.

"Kailan pa nangyare yun." sabe ni Rukawa sabay hikab.

"Akagi." tawag ni coach Anzai.

Natutuwa si coach Anzai ng makita ulit si Akagi at Kogure. "Coach magandang umaga po." masayang bati ni Kogure at Akagi.

"Kamusta na kayo? Naglalaro parin ba kayo?" tanong ni coach Anzai.

"Opo coach. Alam nyo coach yung team namin ngayon nakikita ko yung team natin dati." sabe ni Kogure at ngumiti naman si coach Anzai.

"Talaga labo? Kung ganun masaya pala ang team na pinasukan nyo." sabe ni Sakuragi na nakikinig sa usapan.

"Oo Sakuragi yung isa nga dun parang ikaw hehehe." ngiting sabe ni Kogure.

"Kung ganun pareho pala silang gung gong." nang aasar na sabe ni Rukawa na nakikinig rin sa usapan.

"Ito yung namiss ko." sabe ni Kogure sabay ngiti kay Rukawa at Sakuragi.

"Nandito na ako...

Dumating si Mitsui kasama si Ryota. "Akagi anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Mitsui.

"Bakit late kayong dalawa? Nauna pang dumating sa inyo si Sakuragi at Rukawa hindi ba kayo nahihiya." sabe ni Akagi sa dalawa.

"Sige nga Gori pagalitan mo yang dalawang yan lage nga ako nauunang dumating palage rin akong naglilinis ng gym... sabe ko naman kasi sayo ako nalang gawin mong captain." sabe ni Sakuragi sabay tawa.

"Hoy Hanamichi kaya kami nalate dahil ginawa namin yang homework mo. Tapos ako pa kumausap sa teacher nyo ni Rukawa na dapat hindi ko ginagawa." naiinis na paliwanag ni Ryota.

"Hahaha ganun ba... Gori kalimutan mo nalang na nalate sila napakabait na captain nyang si kulot." sabe ni Sakuragi at inakbayan si Ryota.

"Plastic." bulong ni Rukawa sabay tingin kay Sakuragi.

"Kogure kamusta na?" tanong ni Mitsui at nilapitan si Kogure.

"Ayos naman. May gusto sana akong sabihin sayo kung matutulungan mo ko." sabe ni Kogure.

"Tulong? Anong tulong? basta wag pera wala ako nun eh hahaha." natatawang sabe ni Mitsui.

"Meron kasi akong crush kaya lang hindi ko alam kung paano aaminin sa kanya na gusto ko sya." saad ni Kogure at nilapitan ng team si Kogure.

"Madali lang yan boy labo sino ba ang lucky girl?" tanong ni Sakuragi at napangiti sila Ryota at Mitsui.

"Si Liezel." sagot ni Kogure.

"Liezel gandang pangalan. Saan mo naman nakilala to?" tanong naman ni Mitsui.

"Ka schoolmate ko sya. Matutulungan nyo ba ako?" tanong ni Kogure sa team.

"Bakit kaba sa mga yan humihinge ng tulong." sabe ni Akagi kay Kogure.

"Bakit hindi Akagi baka mamaya samin ka rin huminge ng tulong kapag nagkaproblema kayo ni....

"Sino nga ulit yun si Shasha." sabe ni Sakuragi at binatukan sya ni Ryota.

"Misha yun hindi Shasha." pagtatama ni Ryota.

"Nakita na nila si Misha?" takang tanong ni Kogure kay Akagi.

"Oo." tipid na sagot ni Akagi.

"Wala na palang problema kung sakali pupunta kayo sa school dahil kilala nyo na pala si Misha." natutuwang sabe ni Kogure.

"Pero si Liezel dipa namin kilala." sabe ni Rukawa sabay simangot ni Kogure.

"Ganito nalang Kogure sasama kami sayo sa school nyo para naman makilala namin si Liezel pakilala mo na rin kami sa team nyo." ngiting sabe ni Mitsui.

"Sige bukas pwede ba kayo?" tanong ni Kogure.

"Dun din ba nag aaral yung Kiko?" tanong ni Rukawa.

"Oo." sagot ni Kogure.

"Hindi pala ako pwede." sabe ni Rukawa sabay alis.

"Hindi rin pala ako pwede marami akong homework pati homework ng kapitbahay namin gagawin ko kaya busy ako." sabe naman ni Ryota.

"Panget nyo naman ka bonding minsan lang naman huminge ng tulong satin si boy labo hindi nyo pa mapag bigyan. Sige labo tutulungan kita." sabe ni Sakuragi at natuwa naman si Kogure.

"Ako rin tutulungan kita at sisiguraduhin kong mapapasagot mo sya." nakangiting sabe ni Mitsui.

"Sige na nga tutulong na rin ako." sabe ni Rukawa.

"Kasi naman allergic talaga ako sa bakla eh pero sige pikit mata nalang." sabe naman ni Ryota at nagtawanan sila.

Napangiti si Akagi dahil hindi nagbago ang team na nakilala nya mula noon hanggang ngayon.