webnovel

KABANATA SIXTEEN

Maagang pumunta sa gym sila Akagi at Kogure para puntahan ang team ng SHOHOKU. "Aba Kogure ayos sa pormahan hah." ngiting sabe ni Miyagi ng makita si Kogure na naka formal.

"Kinakabahan ako baka mabasted ako." sabe ni Kogure at natawa naman si Mitsui.

"Ano kaba naman labo hindi ka mababasted nyan akong bahala." sabe ni Sakuragi sabay tawa.

Sabay sabay na umalis ang team para pumunta sa school nila Akagi. Pagdating sa school halos pag tingin sila Rukawa, Sakuragi at Mitsui. "Grabe ang gwapo naman nila." sabe ng mga babae ng makita si Rukawa at Mitsui.

"Ang tangkad at ang gwapo...

"Ano kayang pangalan nila...

Hindi pinansin nila Sakuragi Mitsui at Rukawa ang mga babaeng nagpapacute sa kanila. "Pwede bang punta muna tayo sa gym magpapakita lang kami kay coach." sabe ni Kogure at pumayag naman sila Sakuragi na pumunta muna sa gym.

Pagdating sa gym laking gulat ni Lem ng makita si Mitsui. "Si Mitsui ba yun?" tanong ni Lem kay Bruto.

"Ito pala ang gym nila malaki hah." sabe ni Miyagi.

"Maliit ka lang kaya mukhang malaki." nang aasar na sabe ni Mitsui.

"Hello...

Nagulat si Mitsui ng may lumapit sa kanyang lalaki. "Hindi ako nakikipag kaibigan." masungit na sabe ni Mitsui kay Lem.

"Alam ko. Ako nga pala si Lem pwede ba tayong maglaro." sabe ni Lem at napatingin si Sakuragi at Rukawa.

"Sino kaba para pumayag ako." inis na sabe ni Mitsui.

"Teka nga Mitchi wala naman masama kung makikipag laro ka sa kanya. Basketball player ka rin ba pogi?" tanong ni Sakuragi at napangiti naman si Lem.

"Oo." ngiting sagot ni Lem.

"Kung ganun maglaro tayo team mo vs team ko pero wag nyo na isama si Gori wahahaha." natatawang sabe ni Sakuragi.

"Ano nanaman kayang kalokohan ang gagawin nito." bulong ni Rukawa habang nakatingin kay Sakuragi.

"OMG nandito sila." tiling sabe ni Kiko ng makita sila Rukawa.

"Naku naman." mahinang sabe ni Miyagi sabay tago kay Mitsui.

"Hello anong ginagawa nyo rito?" tanong ni Misha kay Rukawa.

"Hindi ko alam." sagot ni Rukawa.

"Hi Rukawa ang gwapo mo." nagpapacute na sabe ni Kiko.

"Thanks." tipid na sagot ni Rukawa.

"Kumain kana ba? Alam mo Rukawa break na kami ng boyfriend ko." maiyak iyak na kwento ni Kiko.

"Condolence." sabe ni Rukawa..

Hindi maiwasan ni Misha na matawa kay Rukawa. Samantalang si Sakuragi naman nakipag kwentuhan na sa palyer nila Lem. "Ano ba Miyagi wag kang magtago sakin." naiinis na sabe ni Mitsui.

"Umuwi na tayo wala naman atang Liezel dito." bulong ni Miyagi habang nagtatago.

"Hinahanap mo ko?" bungad ni Liezel sabay ngiti kay Ryota.

"Ang ganda." bulong ng dalawa ng makita si Liezel.

"Hello. Hinahanap nyo ko?" ulit na tanong ni Liezel.

"Ah ano kasi hindi. May gusto sana sabihin sayo si Kogure." nauutal na sabe ni Mitsui.

"Talaga tungkol saan?" tanong naman ni Liezel.

"Crush ka ni Kogure." diretsang sabe ni Rukawa.

"Rukawa naman bakit dineretso mo. Pag nagalit satin si Kogure nyan." sabe ni Miyagi at hindi napigilan ni Liezel na matawa.

"Wala naman masama sa sinabe ko." seryosong sabe ni Rukawa.

Nagulat si Miyagi maging si Mitsui at Misha ng dumakdak ng bola si Sakuragi. "Ang taas tumalon." sabe ni Lem.

"Oh sabe ko sa inyo ako ang hari ng rebound ng SHOHOKU eh." mayabang na sabe ni Sakuragi sabay tawa.

"Sino yan?" tanong ni coach Mehiko ng makita si Sakuragi na nakalambitin sa ring.

"Hay naku naman." bulong ni Akagi ng makita si Sakuragi.

"Coach pasensya na po mga kaibigan po namin sila." nahihiyang sabe ni Kogure.

"Coach okay lang ba maglaro kami na kasama sila." sabe ni Lem sabay tingin kay Sakuragi at Mitsui.

"Hinahamon mo ko hah." bulong ni Mitsui na masama ang tingin kay Lem.

"Anong pangalan mo?" tanong ng coach kay Sakuragi.

"Ako ba ako lang naman ang henyo sa basketball na si Hanamichi Sakuragi." mayabang na sabe ni Sakuragi at inumbagan sya ni Akagi.

"Pasensya na po kayo." nahihiyang paumanhin ni Akagi.

"Sige maglaro nga kayo. Gusto kong makita kung gaano kagaling ang henyo sa basketball." ngiting sabe ni coach Mehiko na natutuwa kay Sakuragi.

"Narinig mo Gori gusto nya makita ang laro ko. Tara na Mitchi Rukawa at kulot ipakita natin sa mga to na kahit high school tayo kaya natin sila." seryosong sabe ni Sakuragi at natuwa sila Lem at Trig.

"Gusto ko sya hehehe." ngiting sabe ni Trig.

"Ang yabang nya." inis na sabe ni Bruto.

Inis na inis si Akagi pero natutuwa naman si Kogure na makitang maglalaro ang team ng SHOHOKU laban kanila Lem. "Laro na mga kolokoy." sabe ni Sakuragi.

"Ayos sa tawag hehehe." ngiting sabe ni Lem at pumusisyon para bantayan si Mitsui.