webnovel

KABANATA FOURTEEN

Natutuwa si Misha na malaman na gusto rin sya ng lalaking gusto nya. "Bakit ka nakangiti?" seryosong tanong ni Akagi kay Misha.

"Masaya lang ako kasi nalaman kong gusto mo rin pala ako." ngiting sabe ni Misha.

"Gusto mo bang bawiin ko yung sinabe ko." birong sabe ni Akagi at tumawa lang si Misha sabay hawak sa kamay ni Akagi.

Pumunta ang dalawa sa bahay ni Misha at pinakilala ni Misha sa mga magulang nya si Akagi. "Mommy and Daddy sya po si Takenori Akagi sya yung dahilan ko kung bakit hindi ako tumuloy papuntang america." sabe ni Misha at tinignan ng magulang nya si Akagi.

"Napaka tangkad mo iho basketball player kaba?" tanong ng daddy ni Misha.

"Opo." sagot ni Akagi.

"Kaya pala. Maiba tayo ikaw ba nanliligaw dito sa anak ko?" tanong ulit ng daddy ni Misha.

"Opo." magalang na sagot ni Akagi

Nagtaka si Akagi ng iwan sila ng magulang ni Misha. "Bakit sila umalis ayaw ba nila sakin?" tanong ni Akagi kay Misha.

"Hindi ko alam." sagot naman ni Misha.

"Misha dito muna pakainin yang si Akagi. Iho feel at home ikaw na bahala sa anak namin aalis na kami...

Natuwa si Akagi na pinagkatiwalaan sya agad ng mga magulang ni Misha. Umalis na ang mga magulang ni Misha papuntang america at naiwan ang dalawa.

"Okay lang ba kung ako na magluluto para sayo." sabe ni Akagi at napangiti si Misha.

"Wag kang ngumiti nakakapanghina." sabe ni Akagi saka tumalikod.

Nagluto si Akagi at nakatingin naman sa kanya si Misha. "Marunong ka pala magluto. May kapatid kaba Akagi?" tanong ni Misha.

"Oo may kapatid ako babae tulad mo sweet din sya." sabe ni Akagi at namula naman ang mukha ni Misha.

"Bakit sweet ba ako?" tanong ni Misha.

"Sasabihin ko ba yun kundi yun ang nakikita ko." seryosong sabe ni Akagi.

"Bakit ang seryoso mo naman." nakangusong sabe ni Misha.

"Ano gusto mo ngumiti ako habang nagluluto? O ngumiti ako kasi nakangiti ka." sabe ni Akagi.

"Sige na nga magluto kana baka mamaya di pa yan masarap sisihin mo pa ako." saad ni Misha.

Hindi na sumagot si Akagi at nakangiti nalang sya hanggang sa natapos na nga syang magluto. "I'm done kain na." sabe ni Akagi at pinag sandok si Misha ng ulam at kanin.

"Thank you napaka gentleman mo pala." ngiting sabe ni Misha.

"Hindi naman....

"Akagi may gusto sana akong itanong sayo. Naging kayo ba ni Kiko?" tanong ni Misha at nasamid si Akagi.

"Sa tingin mo papatulan ko yun hindi ako pumapatol sa bakla." inis na sabe ni Akagi.

"Eh bakit ka naiinis nag tatanong lang naman ako. Never kaba nagkaroon ng crush sa school?" tanong ulit ni Misha.

"Ayokong maattached sa babae dahil kilala ko sarili ko kapag nagkagusto ako kaya ng makita kita pinalayo kita kasi ayokong magustuhan mo ang isang katulad ko pero di ko pala kaya dahil gusto kong lage kang nakikita." seryosong sabe ni Akagi.

"Ang sweet mo hehehe...

"Kumain kana wag mo kong ngitian baka di ako matunawan." sabe ni Akagi at natawa nalang si Misha.

_________

Excited pumasok si Misha para makita si Akagi kaya dumiretso muna sya sa gym. "Tanghali na wala pa sya." sabe ni Misha sa sarili.

"Good morning....

Nagulat si Misha ng makita si Akagi sa likod nya kasama si Kogure. "Hi Misha." ngiting bati ni Kogure.

"Good morning din. Ahhm Akagi pasok na ako." sabe ni Misha saka akmang aalis na ng hawakan sya ni Akagi.

"Sige sunduin kita mamaya." sabe ni Akagi saka pumasok sa gym.

Natawa si Kogure dahil ngayon lang nya nakita na sweet si Akagi sa babae. "Kaya ka pala tinanghali dahil kay Misha hehehe." ngiting sabe ni Kogure.

"Hindi di lang talaga ako makatulog..

"Dahil kay Misha.. iniisip mo sya noh ikaw hah." nang aasar na sabe ni Kogure.

"Tumigil ka walang ganun." inis na sabe ni Akagi.

"Aminin mo na kasi Akagi alam ko naman gusto mo sya. May gusto rin pala akong sabihin sayo balak kong ligawan si Liezel kaya lang di ko alam kung paano mag tatapat." mahinang sabe ni Kogure.

"Sorry Kogure hindi ko rin alam paano manligaw... sa basketball mo lang ako maaasahan magpaturo ka kay Mitsui." sabe ni Akagi at napakamot nalang si Kogure.

Halos manlaki ang mata ng dalawa ng makita si Lem na may kahalikan. "Araw araw iba ibang babae kahalikan nya buti hindi sya nagkakasakit." sabe ni Kogure ng makita si Lem.

"Buhay nya yan." sabe ni Akagi saka hindi na pinansin si Lem.

"Kung si Misha ba may kahalikan na lalaki masasabe mo pa kayang buhay nya yan hehehe." natatawang sabe ni Kogure.

"Bakit ba si Misha ang tinatopic mo. Kung si Liezel kaya makita mo na may kahalikan ano gagawin mo?" tanong ni Akagi.

"Ikaw naman di mabiro syempre magseselos ako gusto ko si Liezel eh." sagot ni Kogure.

"Kung makikita ko si Misha na may kahalikan na iba hindi ako magseselos dahil hindi nya gagawin saktan ako kung mahal nya ako." seryosong sabe ni Akagi.

"Ibig mong sabihin mahal mo na si Misha?" ngiting tanong ni Kogure.

"Kailan kapa naging tsismoso Kogure." inis na sabe ni Akagi at natawa nalang si Kogure.