webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Twelve

Angelica pov.

Halos ilang oras na akong nakatulala dito sa kwarto, pilit iniintindi ang mga sinabi nya saakin kahapon.

Kaya wala naman si agaser sa pag kidnap ni gail ay umalis pala ito kasama nung batang lalaki, at ang laki ng pasasalamat ko dun dahil hindi na sila nadamay pa.

Hindi kona sinabi kay agaser ang nangyari dahil ayoko ng mag alala sya, pero kinukulit nya ko ng kinukulit tungkol sa sugat ko sa ulo na ang idinahilan ko naman ay nauntog lamang ng malakas, nag sawa na sya kakatanong kaya naman hindi na nya ko kinulit pa tungkol doon.

Tungkol naman sa sinabi ni rey kahapon ay hindi parin ako makapaniwala.

Flashback

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko ng makarating kami sa hospital.

"Titignan muna yang ulo mo, mamaya kona sasabihin" ang sagot nya saakin.

Maya maya lang ay dinala na ako sa xray room para tignan kung may masama bang nangyari sa ulo ko.

Maya maya lang ay cinonfine ako sa isang malaking kwarto, hindi na ako magtatagal pa dito bago mag gabi dahil baka hanapin ako ni agaser, ayokong malaman nya pa toh.

"So ano na nga yung sasabihin mo" derestsyo kong tanong sakanya ng makahiga ako galing sa cr.

"Kasali ako sa nerve" deretsyong sagot nya na nagpatigil saakin.

"Kasali din si gail sa nerve, ang iniutos sakanya ay patayin ka" dugtong nya

"Pero bat mo sya pinatay, utos rin ba sayo yun?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Oo, inuutos saakin na patayin si gail" ang sabi nya habang malayo ang tingin.

End of flashback

Pero mas hindi ko masikmura ang ibinigay na challenge saakin ng nerve ngayon.

Ang patayin si rey.

At kapag hindi ko nagawa yun ay sila mismo daw ang papatay saakin, kapalit ng challenge na yun ay limang daang milyong piso.

Hindi kona alam ang gagawin ko, sa ngayon ay wala na akong pake sa pera na iyon.

Sa halos tagal na namin ni rey ay hindi ko maikakaila na may nararamdaman pa ako sakanya, pero sino na lamang ang mag aalaga sa kapatid ko kapag nawala na ako.

Sinabunutan ko na lamang ang sarili ko dahil hindi ako maaaring sumigaw dahil baka marining ako ng kapatid ko.

Binigyan ako ng isang linggo ng nerve upang magawa iyon, at kung hindi buhay kona ang nakataya.

"Good morning" ang unang bungad saakin ng sagutin ko ang tumawag sa phone ko.

"Morning" walang ganang sagot ko.

"Anong nangyari?"

"Ay puta!" Sigaw ko ng may biglang nagsalita sa tenga ko

"Pano ka nakapasok dito!" Singhal ko ng makita kong nakaupo na sya sa kama ko.

"Bati na kami ng kapatid mo e HAHAHA" ang sabi nya.

Inirapan ko na lamang sya at itinuloy ang pag tingin sa bintana.

"Ano ba yang iniisip mo" tanong nya saakin

"Wala toh" tipid na sagot ko.

Unti unti syang lumapit saakin at inihiga ako sa kama, at natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahalikan na sya.