webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Eleven

Angelica pov.

Nagising nalang ako sa maliit na kwarto na halos isang bumbilyang malapit ng mapundi na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto.

Nakatali ako sa maliit na upuan, nakagapos ang mga kamay at paa ko. Tanging bibig ko nalang ngayon ang maaari kong magamit.

Kinapa ko ang ulo ko at nararamdaman ko parin ang kirot, ang naaalala ko lang ay may humampas sakin sa ulo na matigas na bagay.

"Pakawalan nyo ako, sino kayo!" Ang sigaw ko ngunit wala manlang kahit anino ang nagpakita saakin.

Pumikit ako saglit ng maramdaman ko nanaman na kumirot ang ulo ko

"Gising na angelica" mahinahon ngunit mala demonyong wika saakin ng nasa likod ko, agad ko naman itong nabosesan.

"Gail" bulong ko

"Nagustuhan mo ba ang munti kong surpresa?" Sabi nya ng nakangiti ng nakakaloko

"Anong kailangan mo?" Mahinahon kong tanong

"I want you dead" wika nya na walang emosyong mababakas sa mga mata nya.

Unti unti nyang kinuha ang baril sa bulsa nya at itinapat sa ulo ko

"Any last word honey?" Ang sabi nya

Hindi ako natatakot mamatay, ang ikinakatakot ko lang kung sino ang mag aalaga sa kapatid ko, pero ngayon mukhang hindi ko pa oras.

"Go ahead bitch" ang sabi ko

"Hindi ka natatakot?" Bulong nya saakin ng nakangiti habang pinapadulas ang baril nya sa ulo ko pababa sa lalamunan ko.

"Hindi, kasi ikaw ang mauunang mamatay" bulong ko sakanya na may halong ngiti na pang asar

"What do you mean?" Tanong nya na may halong pagtatakha at kaba.

"Any last word?" Bulong ko sakanya at tsaka tumingin sa likod nya.

Pag talikod nya upang tumingin sa tinitignan ko ay nakarining nako ng sunod sunod na putok, ipinikit ko na lamang ang mata ko upang hindi masaksihan ang nangyayari.

Pag dilat ko ay nakita ko na lamang ang katawan ni gail na nakahalandusay sa sahig na puro dugo ang katawan, tinignan ko ang kanina ko pang pinagmamasdan.

"Rey" bulong ko at tsaka sya tumakbo papalapit sakin na puro mantsa ng talsik ng dugo ang damit nya.

"Fuck sorry im late baby, may masakit ba sayo?" Aligaga nyang tanong saakin habang sinusuri isa isa ang bawat parte ng katawan ko.

"I have somethin to tell you" sabay naming bigkas dalawa at nagkatitigan na para bang binabasa ang isip ng isat isa.