webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Thirteen

Angelica pov.

Tatlong araw narin ang nakalipas at nag kakabutihan na kami ng loob ni rey, araw araw syang pumupunta dito upang bisitahin kami. At masasabi kong bumabalik na ang pagmamahal ko sa kanya.

Na hindi dapat.

Dahil mamaya o sa susunod ay buhay nya o ang buhay nya ang mawawala, depende sa desisyon ko.

Apat na araw nalang ang natitira sakin at hindi ko pa naiisip kung kaninong buhay ang mawawala.

"I love you" bulong nya saakin at pumulupot sa bewang ko

Nandito kami ngayon sa kitchen para maghanda para sa birthday mamaya ni agser.

Labing limang taon na sya, masyado pang bata. Kapag nawala ako ay wala na syang mapupuntahan pa.

Mahal ko si rey pero mas mahal ko ang kapatid ko.

"Ano nanaman ba yang iniisip mo" bulong nya sa tenga ko habang nakapulupot parin sya sa bewang ko.

"Sus, ikaw kaya dyan ata may problema e" ang sabi ko, dahil madalas ay napapansin ko syang nakatulala na para bang may malalim na iniisip, minsan nahuhuli ko rin na panay ang buntong hininga nya.

"Stress lang ako sa school" ang sagot nya pero hindi ako naniniwala, imbis na makipag talo ay tinuloy ko nalang ang pagluluto.

"Cake nalang ang kulang and tapos na" ang sabi ko

"Hindi naman ako marunong mag bake, bili nalang tayo" ang sabi nya kaya naman ay umakyat nako sa kwarto upang mag palit ng damit ko.

___

Nandito kami ngayon sa bilihin ng cake, ang gusto ko sana ay chocolate flavor pero sya pilit ng pilit na caramel daw.

"Ano ba ikaw ba yung may birthday" ang sabi ko sabay irap sakanya

"Ikaw rin ba yung may birthday" ang sagot nya kaya lalo akong napairap.

"Bilhin nalang natin yang dalawa" ang sabi ko kaya naman ay lumiwanag ang mukha nya.

"Basta ikaw ang magbabayad" pahabol ko at tsama sinamaan nya ako ng tingin

"Oo na, pasalamat ka mahal kita" banat nya kaya naman umiwas ako ng tingin dahil baka namumula na ang pisnge ko.

"Ayie kinikilig sya oh" tukso nya saakin habang sinusundot sundot ang pisnge ko

Tinapik ko nalang ang kamay nya para tigilan nya na ako.

"Alam mo parang panaginip lang toh lahat, kasi imposibleng magkaroon ng nerve sa totoong mundo alam mo yun" wala sa sariling banggit nya kaya naman ay natigilan ako

"Totoo toh, tsaka pasalamat nalang tayo at may pera na tayo hahaha" pagbibiro ko para matigil na sya sa kung ano man ang iniisip nya.

"Sana nga, kasi hindi rin ako nananaginip e" ang sabi nya upang matigilan ulit ako.

Dahil ako rin ay may ibang pakiramdam dito, imposibleng panaginip lahat ng ito pero alam kong may hindi tama sa lahat ng ito.