webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Ten

Angelica pov.

From: Nerve

This is your third challenge.

Burn someone's house for 1 million pesos.

Accept or Decline

Agad kong inaccept ito, kung tutuusin ay mas madali ito kesa sa pag patay.

Ang laki ng naitulong sakin ng nerve, nabayaran ko ang tuition namin ni agaser at hindi na namin kailangan pang mamroblema pa kung saan kukuha ng pagkain.

Pinagiisipan kona kung kaninong bahay ang susunugin ko, kahit sino naman e.

"Ah alam kona" bulong ko sa sarili ko.

Sa bahay ng kabit ng papa ko, tutal simula nung mawala si mama ay inabando nya narin kami at pinagpalit sa malanding asawa nya ngayon, alam nyang may sakit sa puso si agaser pero kahit na piso ay wala syang ibinigay samin.

"Magsaya na kayo ngayon" bulong ko at tsaka ngumiti ng palihim.

_____

Nandito nako ngayon sa harap ng bahay nila, nag iisip kung saan magandang ibuhos itong gasolina. Sakto naman at nag babakasyon sila, ang swerte nila dahil hindi sila masasamang maging abo sa loob ng bahay nila.

Balot na balot ang katawan ko at mukha para lamang walang makakilala saakin at makakita.

Ibinuhos kona ang gasolina sa paligid ng bahay nila, at tsaka nilabas ang lighter na gagamitin ko para masunog na ng tuluyan ang bahay nila.

Alam kong masama ang gagawin ko pero mas masama ang ginawa nilang pag abando saamin ng kapatid ko.

Unti unti ko ng binuksan ang lighter at lumayo ako upang makatakbo agad at tsaka binato ito.

"Maghanap na kayo ng bahay, tapos na ang kasiyahan nyo" bulong ko at tsaka tumakbo ng malayo ng makita kong unti unti ng kinakain ng apoy ang buong bahay nila.

Pag uwi ko ay ang laptop ko agad ang tinignan ko at hindi na pinansin ang nasa paligid ko dahil sa kasiyahan kong makuha ang premyo.

From: Nerve

Congratulation again! You completed the challenge. Your prize in on your way now.

Isasara kona sana ang laptop ng biglang may pumalo ng malakas sa ulo ko, hanggang sa magdilim na ang paningin ko.