webnovel

The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame)

Serenader 18: BILLY WILLIAMS

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
112 Chs

Kabanata 16

[LOUISE'S POV]

"Hubby ko. Gusto kong sumama please." pagmamakaawa ko kay Billy.

Eh kasi naman hindi niya ako isasama sa taping ngayon kaya nagmamakaawa ako sa harap niya na isama ako.

"Hindi nga pwede wifey ko." aniya.

"Bakit mo kasi akong ayaw isama? Nagsasawa ka na ba sa akin?" bigla kong tanong.

Ewan ko ba kung bakit bigla ko 'yon natanong. Masyado na yata akong sensitive.

"Hindi wifey ko. Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa'yo." sagot niya sa 'kin.

"Eh bakit ayaw mo akong isama?" tanong ko.

Gusto ko talagang sumama sa kanya. Huhuhu!

"Gusto lang kitang ingatan lalo na't buntis ka. Baka mapaano ang baby natin." dahilan niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Pero kahit na. Gusto ko pa ring sumama.

"Iingatan ko naman ang sarili ko. Isama mo na ako please." sabi ko with puppy eyes.

Nakita ko namang nagdadalawang-isip siya. Mukhang papayag na siya.

"Ganito na lang. Hindi ka sasama..."

Napasimangot ako bigla. Akala ko tatalab sa kanya ang puppy eyes ko. Nakaka...

"...pero pag-uwi ko ay dadalhan kita ng ice cream."

Bigla namang lumiwanag ang mga mata ko sa sinabi ni Billy.

"Talaga? Dadalhan mo ako ng ice cream?" masayang tanong ko.

"Oo, basta't aalagaan mo ang sarili mo rito." sagot niya.

"Sige, sige." masayang tugon ko.

Basta ice cream talaga ay gagawin ko ang lahat. Simula nang mabuntis ako ay lagi akong nacracrave sa ice cream.

"Sige, aalis na ako. Sabihan mo na lang sina Fredison kung may kailangan ka." sabi niya sa 'kin.

Tumango lang ako.

Hanggang sa nakaalis na ang asawa ko.

- FAST FORWARD -

Medyo na-bored ako sa boarding house dahil mag-isa lang ako dito. Sina Kate at James ay may pinuntahan. Si Fredison naman ay biglang nawala. Kaya naiwan akong mag-isa.

Dahil nga bored ako ay napag-isip kong lumabas muna ng boarding house at mamasyal mag-isa.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong dalawang babaeng estudyante. Mukhang high school sila.

"Teka, ikaw ba ang asawa ni Billy Williams?" tanong sa 'kin ng isang estudyante na ang pangalan ay Jen. 'Yon kasi ang nakalagay sa ID niya.

"Ha? Ako ba ang kinakausap mo?" nagtatakang tanong ko.

"Ay hindi, yung lupa ang kinakausap ko. Common sense nga." sagot sa 'kin nung Jen.

Aba't namimilosopo 'tong babaeng 'to ah.

"Oo, ako nga ang asawa niya. May problema ba tayo?" mataray kong sabi.

"Meron." sagot sa 'kin ng kasama ni Jen na ang pangalan ay Liz. 'Yon din ang nakalagay sa ID niya.

"At ano namang problema yan?" mataray ko pa ring tanong.

"Hindi kayo bagay ni Billy." sagot sa 'kin nung Jen.

"Truth. Dahil mas bahay si Sam kay Billy kaysa sa'yo. SamLy forever." sabi nung Liz.

Nakaramdam naman ako ng inis dahil narinig ko ang pangalan ng babaeng kinaiinisan ko. So mga fan pala 'to ng SamLy Wannabe.

*pak*

Nagulat ako nang bigla may sumampal sa akin. Biglang lumabas ang kaluluwa ko do'n ah.

"Bagay lang yan sa 'yo." sabi sa 'kin nung Jen, which is yung sumampal sa akin.

At mas lalo pa akong nagulat nang bigla nila akong sugurin at sinabunutan nila ako.

Yung baby ko.

"A-araaaayyyy!" bigla kong sigaw nang bigla akong makaramdam ng sakit sa tiyan.

Sinubukan kong lumaban pero masyado silang malakas dahil dalawa sila. Parang gusto ko nang maiyak.

"Hoy! Tama na 'yan!" may biglang sumigaw na isang lalaki kaya napatigil yung dalawa sa pagsabunot sa akin.

"Jameshin Faulkerson." gulat na sabi nung dalawa habang nakatulalang nakatingin sa lalaking sumigaw.

Napatingin naman ako sa lalaking sumigaw at napatulala ako dahil nakita ko na naman siya.

Yung lalaking nakabangga ko sa mall dati na masama ang ugali.

Nagulat naman ako nang bigla akong inalayan ng lalaking 'to. Wow! Pa-gentleman 'tong mokong 'to.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin nitong Jameshin na 'to. Hindi ko alam kung sincere ba 'to o hindi?

Napatingin naman siya sa dalawang babaeng sumabunot sa akin.

"Mag-sorry kayong dalawa sa kanya kung ayaw niyong patulan ko kayo." pagbabanta nung Jameshin sa dalawang babae. Wow! Feeling superhero.

"Sorry Miss Louise." sabi nilang dalawa at agad silang umalis. Halatang plastik ang pagsosorry nila.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa 'kin ng lalaking 'to.

"Oo. Salamat sa pagligtas sa akin." sagot ko sa lalaking 'to.

Kahit na naiinis ako sa Jameshin na 'to ay nagpasalamat pa rin ako sa pagligtas niya sa akin sa dalawang baliw na babaeng 'yon.

"May kapalit ang pagligtas ko sa 'yo." sabi niya sa 'kin na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha? May kapalit? Sana hindi mo na lang ako niligtas." sabi ko sa kanya.

"It's too late to say that pero madali lang naman 'to." sabi niya sa 'kin.

"Ano namang kapalit 'yan?" tanong ko.

Siguro naman ay tatanggapin ko ang kapalit na 'yan bilang pagtanaw ng loob ko sa pagligtas niya sa akin. Pero sana naman madali lang talaga yan.

Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Be my date." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"HA???" napasigaw ako bigla.

Anong sabi niya? Nasa katinuan ba 'tong lalaking 'to?