webnovel

The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame)

Serenader 18: BILLY WILLIAMS

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
112 Chs

Kabanata 15

[LOUISE'S POV]

Nandito kami ngayon sa NAIA. Kasama ko sina Fredison, Kate, James at Kuya Stevie with his wife Ate Nika.

"Parating na siya." sabi sa 'min ni James.

Excited kaming nag-abang sa pagbabalik ng asawa ko. Namimiss ko na siya. Tapos may goodnews pa ako sa kanya.

Pero nawala ang ngiti ko nang may nakita akong hindi kanais-nais.

Kasabay lang naman ng asawa ko si Samantha. Nainis ako bigla.

"Bro, welcome back." salubong ni Fredison sa asawa ko at nag-bro hug pa sila.

"Hello Louise. Long time no see." narinig kong sabi ni Samantha.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Halatang plastik. Bitter na kung bitter.

"Hello din Samantha." Binigyan ko rin siya ng plastik na ngiti. "Kumusta ka na?"

"I'm doing great. Sobrang saya ng trip namin ni Billy sa Thailand. Namasyal kami, kumain kami sa isang restaurant, at higit sa lahat ay nag-bar kami." - Samantha

Naalala ko bigla ang nakita kong picture nila ni Billy palabas ng bar sa TV. So totoo pala 'yon at hindi edited.

"Talaga?" biglang sabat ni Kate at masama ang tingin niya kay Samantha.

"And who are you?" tanong ni Samantha kay Kate.

"Ako lang naman ang kaibigan ng asawa ni Billy. Kateleen Keet-Charles." pagpapakilala ni Kate.

"Kateleen Keet-Charles? So kapatid ka ng kaibigan ni Billy na si James Charles?" - Samantha

"Oh my god! Ako? Kapatid ni James Charles?" hindi makapaniwalang sabi ni Kate.

"Eh sa pareho kayo ng surname kaya I assume na magkapatid kayo." - Samantha

"Well let me introduce again. I'm Kateleen Keet-Charles and..." - Kate

Hindi natuloy ang pagsasalita ni Kate nang magsalita si James.

"She's my wife." inakbayan pa ni James si Kate.

"Oh!" ang nasabi lang ni Samantha. Hindi niya siguro ineexpect 'yon.

May bigla namang yumakap sa 'kin.

Si Billy.

"Namiss kita wifey ko." sabi sa 'kin ni Billy at hinalikan niya ako sa may buhok.

"Namiss din kita." tugon ko sa kanya.

Nahagilap ko naman si Samantha na masama ang tingin sa akin.

Nga pala, sasabihin ko na ang goodnews sa kanila and I'm sure mas lalo pang maiinis si Samantha.

"Oo nga pala, mayroon akong announcement na sasabihin sa inyo." panimula ko.

Napatingin naman sila sa akin.

"Anong announcement 'yan wifey ko?" tanong sa 'kin ni Billy.

"Sasabihin ko pagkarating sa boarding house." sagot ko.

"Dito na lang wifey ko." sabi sa 'kin ni Billy. Excited much?

"Sige na nga. Ito na."

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Kahapon pumunta ako sa hospital. Nakaramdam kasi ako ng pagkahilo at pagsusuka for the past few days. Akala ko nga may sakit ako pero nang magpa-check up ako ay..."

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang magsalita si Kate. "OMG! Buntis ka ba bes?"

Tae!

Bigla akong nauhan ni Kate.

Marahan akong tumango.

Natahimik naman silang lahat lalo na si Billy.

"Waaaaa! I'm so happy that you're pregnant. At bakit parang ang tahimik niyo yata?" - Kate

"Woah! Buntis ka?" parang natauhang sabi ni Fredison.

Humarap naman sa akin si Billy at biglang lumuhod sa harap ko. Tapos dinikit pa niya ang tenga niya sa tiyan ko.

"Nandyan ka ba sa loob baby ko?" - Billy

Natawa naman ako sa inakto ng asawa ko. Mostly kasi kapag nalaman ng lalaki na buntis ang asawa nila ay tatalon at sisigaw sila sa tuwa. Pero si Billy, ang epic. He's really one of a kind.

That's why I love him so much.

[SAMANTHA'S POV]

Arrrrgggghhh! Bakit kasi naunahan pa ako ni Louise. Plan B failed.

Pero akala niyo ay wala akong Plan C. Well well well. Meron noh. Kahit Plan D meron ako. Pinaghandaan ko kaya 'to.

Tinawagan ko si Ate Nikki.

"Hello Ate Nikki. Nakumpleto mo na ba ang ingredients?" tanong ko sa kanya mula sa phone.

("Yes Sis. Sa wakas ay mapapasaakin na rin si William at mapapasa 'yo naman si Billy.") sagot ni Ate Nikki na ikinangiti ko.

Mapapasaakin na rin si Billy and I'll make sure it won't failed.