webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

8: Friend or Enemy?

HER POV.

"You're beautiful when you're smiling." Sabi ni Mamang inglisero na ikinagulat ko.

Ano na naman bang trip nito sa buhay?

"I-I just said t-that because.." natawa naman ako sa pagmu-mukha nya. Pft! Mukha syang ewan. Parang hindi alam kung anong sasabihin eh.

"Oo na, nauutal ka pa dyan eh. Ang gusto mong sabihin ay gusto mo 'ko?" Tanong ko.

"What? Hell no!"

"Sows, oo na nga. Ilibre mo na lang ako ng ice cream, " Sabi ko saka ko sya hinila dun sa ice cream vendor. Maaga pa naman kaya okay nang mamaya pa ako umuwi.

"Kuya, dalawa nga pong ice cream.Cookies and cream tsaka.." tumingin ako kay mamang inglisero. ".. ikaw? Anong gusto mong flavor?" Tanong ko.

"Same." Maikli nyang sagot saka lumayo ng onti. May tatawagan ata.

"Iha, bagay kayo ng boyfriend mo. Gwapo sya at maganda ka, sana ay mag-tagal kayo." Sabi ni mamang sorbitero. Ay? Shumu-showbiz si mamang sorbitero? Haha.

"Nako, kuya, hindi ko po boyfriend 'yan." Sabi ko. Napakunot-noo naman si kuya.

"Ganon ba? Eh, akala ko kayo dahil ang tamis n'yong tingnan kanina eh." Hala! Nakita nya 'yong nag-sorry si mamang inglisero?

"Ay, may ginawa po kasing kasalanan 'yun sakin kaya nag-sorry."

"Napaka-bait na bata naman nyan. Nako, iha, kung ako ang masusunod, gusto ko na s'ya ang maging boyfriend mo. O sya, eto na ang ice cream n'yong dalawa." Sabi nya saka binigay sakin ang dalawang ice cream.

"Salamat po."

"Walang anuman, iha. Sana sa pag-balik nyo dito ay kayo na."

"Malay nyo po." Sabi ko at natawa ako ng bahagya. Kami ni mamang inglisero magiging couple? Ewan ko lang. Imposible.

HIS POV.

Lumayo ako ng kaunti kay Clarisse dahil kanina pa ako tinatawagan nila Patrick kaya tinawagan ko na lang ulit sila

[Jack,nasan ka na ba? Kanina ka pa namin tinatawagan ah?] si Karl.

"May emergency kasi eh kaya hindi muna matutuloy 'yung gang fight."

[Sabihin ko na ba sa white tigers na hindi tuloy?] Si Patrick.

"Oo, kapag umangal, bugbugin nyo. Kaya nyo naman 'yan eh. Sige na, bye." At saka binabaan ko na sila ng telepono.

"Here's your ice cream." Sabi ni Clarisse nung humarap na ako.

"Thanks." Ang tanging nasagot ko na lang.

"Tara, do'n tayo sa may swing." Pag-aaya nya sakin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Mamaya pa. Tara na." Sabi nya at hinila na naman ako papunta dun sa swing. Sa kabilang parte kasi ng park na 'to may playground.

Tiningnan ko 'yung kamay naming magka-hawak. Parang.. parang may kuryente? Basta, ang weird ng nararamdaman ko.

Nang makarating na kami dun sa swing ay umupo kami dun.

"Dito rin pala sa subdivision na 'to ikaw nakatira 'no?" Tanong nya.

"Hindi ba obvious?" Tanong ko.

"Psh!" Sabi nya. Tinitigan ko sya. Mukha syang anghel kapag nakain pero kapag nasa school na, para syang amazona. Meron syang maputing balat, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong at mapula ang kanyang labi. May mahaba syang buhok na naka-tali naman. Bumagay talaga sa kanya 'yung uniform ng L.U.

"Huy! Matunaw ako nyan, ha?" At doon ako nabalik sa realidad. Ano bang nangyayari sakin? Ang weird ko talaga ngayon!

"Bat ka naman matutunaw?" Tanong ko saka kumain ng ice cream.

"Makatitig ka kasi sakin wagas eh." Sagot nya. Hindi ko na lang sya sinagot.

"Umamin ka nga sakin. Gusto mo ba ako? 'Yung totoo?" Tanong nya bigla dahilan para mabalik ang paningin ko sa kanya.

"Assumera ka talaga." Sabi ko na lang.

"Seryoso, may gusto ka ba sakin?" Tanong nya ulit. Tiningnan ko sya sa mata.

"Wala.W-A-L-A." Sagot ko.

"Ahh, 'yon naman pala eh,ang dami mo pang pasikot-sikot. Haha." sabi nya saka tumawa. Hindi talaga ako magkaka-gusto sa kanya. Baliw sya eh. At di ko pinangarap na magkaroon ng girlfriend na baliw.