webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

7: Sorry

HIS POV.

Huminto ako sa waiting shed dahil hinihintay ko sila Karl at Patrick, may gang fight ngayon eh. Nang maramdaman ko ng may sumakay ay pinaandar ko na. Hindi na ako nag-abalang tumingin sa likod dahil alam ko namang sila Patrick at Karl 'yon pero, bat parang ang tahimik nila? I mean, lagi naman kasi silang maingay este si Karl lang pala. Mag-sasalita palang sana ako ng biglang may nag-salitang babae.

"Alam mo, Kuya? Nakakainis kamo 'yung schoolmate ko, akala mo ang gwapo, gwapo nga bastos naman! Nakakainis talaga! Bwiset sya! Sana mawala na sya sa buhay ko. Dahil sa kanya pinag-piyestahan na ako ng buong school. Kilala na ako sa bawat parte ng L.U at dahil 'yun sa bastos na 'yun! Tangiris sya! Argh! " Pagki-kwento nya. Psh! Alam kong ako ang tinutukoy nya pero bakit sya nandito sa kotse ko? Stupid talaga! Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang park. Nakita ko sa rear mirror na medyo nag-taka sya.

"Kuya, ba't tayo nandito? " Sinadya ko talagang itigil ang kotse ko sa park. Ewan ko ba kung bakit? Haha.

"I'm not your brother, stupid!" Nakita ko kung paano sya nagulat.

"Mamang inglisero?!" Tanong nya. Seriously? 'Yan pa rin ang tawag nya sakin?

"Labas, " Utos ko sa kanya.

"O-okay, " Sabi nya saka lumabas. Lumabas din ako.

"So, narinig mo lahat ng sinabi ko?" Tanong nya.

"I'm not deaf, stupid, " Sabi ko sa kanya.

"Yes, of course. You're not deaf because you're an idiot!" Sabi nya at saka nag-lakad papunta sa isang bench. I followed her.

"Whatever." Sabi ko na lang.

Ilang minutong katahimikan hanggang sa tumayo sya at akmang aalis pero hinawakan ko ang kamay nya.

What the hell are you doing, Jack?

Nakatingin lang sya sa kamay naming mag-kahawak.

"Sabi na nga ba eh, may gusto ko sakin." Assuming.

"Ay, oo nga pala. Hindi mo pala ako magugustuhan kasi wala akong boobs, wala akong pwet at walang kurba ang katawan ko." Sabi nya at pinipilit nyang tanggalin ang kamay nya mula sa pagkaka-hawak ko dun.

I looked straight on her eyes. Maganda pala 'yong mata nya 'no? At maganda rin sya. Ha? The hell, Jackson! What are you talking about?

"I'm sorry." Sincere kong sabi. Kahit naman gangster ako ay marunong pa rin naman akong mag-sorry.

"Anong sabi mo? " Kailangan ko pa bang ulitin?

"You heard it, Clarisse. So, stop acting like you don't. Tss." sabi ko.

"Okay, " Sabi nya at pinipilit na namang alisin ang kamay nya sakin.

"I'm sorry. I'm sorry, Clarisse." Ulit ko. Bakit ko ba 'to ginagawa? Nakaka-bading amp!

"Apology accepted pero pwede mo na bang bitiwan 'yung kamay ko? Nasarapan ka ata eh?" Sabi nya at nakita ko syang ngumisi. Agad kong binitawan ang kamay nya at umiwas ng tingin.

"I-I'll go ahead." Sabi ko at akmang aalis na pero hinarang nya ako.

"Libre mo 'kong ice cream." Sabi nya. Nagpapa-cute ba sya? Pwes! Hindi sya cute.

"What? Ayoko nga!"

"Dali na, pleaseeeeee."

"Argh! Okay!" Sabi ko.

"Yehey! Thank you,mamang inglisero!" Sabi nya saka ngumiti ng pagka-laki-laki.

"You're beautiful when you're smiling." What the hell did I just said?!