webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

9: Hero

HER POV.

"Uy, uwi na ako." Pagpa-paalam ko kay mamang inglisero. Anong oras na rin kasi eh.

"Ahh, sige." Sagot nya. Aba't--! Hindi man lang ako inayang ihatid.

"Okay." Sabi ko saka ako umalis dun sa park. San ba banda 'to? Alam kong nasa subdivision na ako, ang kaso, hindi ko alam ang pasikot-sikot dito, hindi naman kasi ako naglalalabas.

Liko doon. Liko dyan. Lakad. Diretso. Liko.

Hanggang sa mapunta na ako sa isang madilim na lugar. Sira pa 'yung ilaw dun sa may poste. Waaaaaaah! Naliligaw ata ako! Huhuhu, mama, kuyaaaaa!

Pero hindi, 'wag kang matakot, Clarisse. Isipin mo na lang na malapit ka na sa bahay nyo. Kaya mo 'yan! Malaki ka na!

"AJA!" Sigaw ko. Naglakad ulit ako at ramdam ko na may sumusunod na sakin. Lalo kong binilisan ang lakad ko hanggang sa tumatakbo na ako. Lumiko ako sa isang eskinita.

'Ang tanga mo talaga,Clarisse.Sa eskenita ka pa pumunta,eh madilim din dyan!'

Waaaaaaah! Nakita ko 'yung lalaki na papalapit na sakin. Ang laki ng katawan nya. Para syang bouncer sa mga bar. Woop! Hindi pa ako nakakapasok ng bar, okay? Napapanood ko lang sa mga movies.

Waaaaaaaaah! Ayan na sya! Isang metro na lang ang layo nya sakin.

Bat pa kasi ako sumama-sama dun sa lalaking inglisero eh! Nag-sign of the cross na ako.

"Lord, parang awa nyo na,'wag nyo po akong kunin. Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend eh. Pero kung ito na talaga ang katapusan ko, pakisabi po sa mga kamag-anak ko na patay na ako at mahal ko sila. Lord, please, ikaw na ang bahala sakin. Amen!" Bulong ko with matching tingin sa taas pa 'yan.

"Walang magagawa 'yang pag-dadasal mo, humanda ka sakin. Bwahahahahaha!" Ay? May saltik ba 'to? Pero, tangiris! Sobrang lapit na nya. Pumikit ako dahil isang hakbang na lang nya, mahahawakan nya na ako. Ilang segundo ang lumipas pero walang humawak sakin. Nagulat ako ng may yumakap sakin sabay sabing..

"Calm down, stupid. I'm here, you're safe now."

Parang awtomatikong gumalaw ang katawan ko at niyakap ko rin sya.

"S-salamat, J-Jackson." Sambit ko at tuluyan ng umiyak. Ewan ko ba pero naging kampante ako sa kanya.

*dug dug dug dug*

Waaaaaaah! Bat ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko? Kinakabahan siguro talaga ako.

"Sana kasi nag-pahatid ka na lang sakin, stupid!" Sabi nya. Agad naman akong bumitaw sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Wow ha? Ako pa talaga mag-sasabi? Palibhasa kasi napaka-gentleman mo!" Sarcastic kong sabi.

"Ihahatid na kita. Just tell me where's your house." Sabi nya at naunang nag-lakad. Tiningnan ko muna 'yung lalaking sumunod sakin kanina, putok ang labi nya at parang binugbog ng sampung tao.

Si mamang inglisero kaya ang bumugbog dito? Weh, kaya nya 'tong lalaking 'to eh ang laki-laki nito. Eh, si mamang inglisero lang naman kasi 'yung tao dito eh. Alangan namang multo bumugbog dyan.

"Faster, stupid!" Tawag sakin ni mamang inglisero.

"Eto na, idiot!" Sigaw ko rin at saka sumunod sa kanya.