webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

6: WAR

HER POV.

Papunta ako sa canteen ngayon. Nang makarating na ako ay bumili ako ng fries tsaka shake. My babies. Hihi.

"Bat 'yan lagi ang binibili mo? "

"Ay lalaking mukhang pwet! "  Ano ba 'yan! Kanina pa ako ginugulat ng mga tao ah! Sino naman ba 'to?!

Tumingala ko at nakita ko si mamang inglisero.

"Woah! Mukha ka palang pwet, pare eh! " Sabi ng kasama nyang isa. Maliit at hindi kaputian ang lalaking 'to.

"Hahaha, nakahanap ka na ng katapat mo, dre!" Sabi naman nung isa. Maputi at matangkad 'to.

Wow! Three idiots? Hahahahaha.

"Shut-up, Patrick and Karl! " Saway ni Mamang inglisero. Aalis na sana ako kaso bigla akong hinarang nitong ingliserong 'to. Lumipat ako sa side pero hinarang pa rin nya ako. Para kaming nagpapatintero dahil sa ginagawa nya.

Tumigil ako at tumigil din sya. Tiningnan ko sya sa mata.

"Hoy, mamang inglisero, may gusto ka ba sakin? " Tanong ko. Hindi sa assumera ako ha? Kailangan ko lang sabihin 'yon para padaanin nya ako.Nagulat ako ng biglang nag-tawanan 'yong tao sa paligid ko. Pati silang three idiots. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ako? Magkaka-gusto sa'yo? Eh wala ngang curve 'yang katawan mo eh, tapos ang liit pa ng pwet mo. Tapos wala ka pang boobs! Paano ako magkaka-gust---" hindi ko na sya pinatapos sa pag-sasalita dahil sinampal ko na s'ya. Natahimik ang lahat dahil sa ginawa ko sa kanya. Dapat lang 'yan sa mga bastos na katulad n'ya.

"Alam mo? Dapat lang talaga kitang tawaging idiot, dahil bukod sa pagi-english at pag-yayabang mo ay wala ka ng alam kundi puro kabastusan! Oo, hindi ako sexy pero may panlaban ako. May pinag-aralan ako, hindi kagaya mo na puro kabastusan lang ang nasa utak! Hindi ko naman alam na 'yan pala ang tinuturo sayo ng magulang mo, ang swerte ko dahil hindi ganyan ang magulang ko. Nakakaawa ka, alam mo kung bakit? Wala man lang nag-turo sayo ng magandang asal. Paki-sabi sa tatay mo na may-ari ng school na 'to na nag-babayad ako hindi para mabastos ng kagaya mo, nag-babayad ako dito para matuto. Para makapag-aral nang maayos!" Sabi ko sa kanya saka umalis. Naiwan naman syang tulala at walang masabi. Bwiset! Nakakahigh-blood talaga ang lalaking 'yon!

Pumunta na lang ako sa room ko at tahimik na kumain. Pupuntahan ko na lang si Sir Arman mamaya para sabihin na hindi ko na itu-tutor 'yung bastos na 'yun!

Maya-maya ay dumating na 'yong Math teacher namin.

Lutang ako ngayon dahil naiinis talaga ako sa lalaking 'yon! Ang kapal ng mukha nyang sabihin 'yon sakin!

"Good bye, class, " 'Yan na lang ang huling narinig ko at uwian na. Hala! Tatlong subject akong lutang? Seryoso? Hayaan mo na nga, ang mahalaga ay importante.

Pumunta na ako sa waiting shed. Sabay daw kami ni kuya uuwi eh. Buti naman at naisip n'ya. Kaso, baka may makakita samin. Waaaaaaah! Hindi nila pwedeng malaman na ako at si Joshua Grahams ay mag-kapatid.

Maya-maya ay may humintong pulang sasakyan sa harapan ko. Eto na ba 'yung bagong sasakyan ni Kuya?

Pumasok na lang ako at naramdaman ko namang umandar na rin 'yung sasakyan.

"Alam mo kuya? Nakakainis kamo 'yung schoolmate ko, akala mo ang gwapo. Gwapo nga bastos naman! Nakakainis talaga! Bwiset s'ya! Sana mawala na sya sa buhay ko. Dahil sa kanya, pinag-piyestahan ako ng buong school. Kilala na ako sa bawat parte ng L.U at dahil 'yon sa bastos na 'yun! Tangiris sya! Argh! " Pagki-kwento ko kay Kuya. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan. Teka, wala pa naman kami sa bahay ah? Bat kami huminto sa park?

"Kuya, bat tayo nandito?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ayaw ni Kuya sa mga bata, eh andaming bata ngayon dito sa park kaya nagtaka ako.

"I'm not your brother, stupid, " Teka,kilala ko 'yung boses na 'yun ah? Don't you ever tell me that..

"Mamang inglisero?!"