webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

5: Tutor

HER POV.

Naglalakad ako ngayon papunta sa school, tulog na naman si Kuya eh, parang ewan. Tsk, ano ba kasing ginagawa no'n at parang laging puyat? Hindi kaya..? Hindi kaya may babae sa kwarto nya?

Napailing ako dahil sa naisip kong 'yon. Ano ka ba naman,Clarisse! Hindi ganon ang kuya mo, okay? Tsaka masama ang mambintang! Erase. Erase.

'Wag kang mag-isip-isip ng kung ano-ano, Clarisse. Baka makalimutan mo pa 'yong mga ni-review mo para sa quiz n'yo mamaya, eh.

"Tama! " Ay? Napalakas ata 'yung pagkakasabi ko. Nakita kong napatingin sakin 'yong mga tao na nakakasabay ko. Ngumiti na lang ako sa kanila. Argh! Nakakahiya!

"You're not just stupid, you're also crazy, " 

"Ay, mamang kalabaw!" Ano ba 'to!

Tiningnan ko kung sino 'yung nag-salita sa tabi ko at literal na lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.

0_0 <------ ako

-__- <------- sya.

Tatakbo na sana ako kaso nahawakan nya kaagad 'yung bag ko.Waaaaaaaaa! Quadriple dead! Mama! Tulooooooong! Rape! Rape! Ay? Ambisyosa ako masyado.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko nga sya uurungan diba?

"Where do you think you're going, stupid? " Tanong nya. Tss.

"Naka-uniform ako ng L.U diba? Malamang sa University, idiot!" Sabi ko sa kanya.

"Pilosopo, " Bulong n'ya na narinig ko naman.

"Hoy, mamang inglisero! Hindi ako pilosopo, okay? I'm just telling the truth. Psh! "

"Whatever, " At nakita ko syang umirap. What?! Umirap sya?! Don't tell me..?

"Are you gay?! " Tanong ko.

O.O -Sya.

O.O- ako.

Hala! Nasa University na pala kami! Tapos napalakas pa 'yung pag-kakasabi ko!

"What did you just said?! " Iritado nyang tanong.

'Patay na talaga sya.'

'Ang lakas ng loob n'yang banggain ang isang Jackson Laerin.'

'Yeah, tsk. I pity her.'

Bulungan na naman ng kababaihan sa paligid ko.

"Bingi? Paulit-ulit? " Tanong ko saka sya inirapan.Nagulat ako ng ilapit nya 'yung mukha nya sakin.

"I. Am. Not. Gay, " dahan-dahan nyang sabi.

"Edi hindi.'Yon lang naman ang kailangan ko eh, 'yong sagot mo!" Sabi ko at nauna ng mag-lakad sa kanya pero sinusundan nya pa rin ako.

'Close na ba sila?'

'Is he courting that girl?'

Bulungan everywhere. Hindi ko naman alam na nag-papapasok pala sila ng bubuyog dito. Tch.

"Stop following me, " Sabi ko habang nag-lalakad kami.

"'Wag kang assuming, hindi kita sinusundan, nasa building din na 'to ang room ko." Sabi nya. Engk! Pahiya.com aketch.

"Edi lumayo ka sakin, sabihin pa ng mga tao, nililigawan mo 'ko at close tayo!"

"Psh!" Nang makarating na ako sa room ko ay agad na nag-tilian ang mga babae. May artista ba akong kasama? Nilinga-linga ko ang paligid ko pero wala naman si James Reid o kaya si Daniel Padilla dito. Si mamang inglisero lang ang nandito.

"Stupid, ako 'yung tinitilian." Sabi nya sakin.

"Ikaw? Di nga? Tinitilian nila ang idiot na kagaya mo? Hah!" Sabi ko na lang saka pumasok sa room. Ang sama naman ng tingin sakin ng mga kababaihan. Ano na naman bang ginawa ko?

"Bakit kayo mag-kasama ni Prince? " Tanong ni Rara.

"Inakit mo sya 'no? " Si Fe.

"Halata naman eh,mukha ka kasing witch! " Sabi naman ni Lorna.

Sayang walang Aida sa kanila, kakanta na sana ako eh, hahaha.

"Hindi ko sya inakit, okay? Tsaka, ba't ko sya aakitin? Eh, mukhang kayo lang ata 'yung may kakayahan na gumawa no'n, " Sabi ko saka dumiretso sa upuan ko at umupo. Alangan namang tumayo ako sa upuan ko.

"How dare you?! " Inis na tanong ni Rara.

"How truth you?!"  Tanong ko rin.Kasi sabi nya dare eh, edi sabi ko truth. Para truth or dare. Hehe.

"What? Argh! Siguro, tama nga si Prince, you're stupid!" Sabi naman ni Lorna.

"If I'm stupid, ano na lang tawag sayo? Stupidiest?" Tanong ko kahit wala namang word na stupidiest. Hahaha.

"Bobo talaga!" Sabi naman ni Fe.

"Wow ha? Nahiya naman ako sayo, " Ganda lang kasi panama n'yang babaeng 'yan eh.

"Argh! You're annoying!" Sabay nilang sabi.

"All of you too." Sabi ko saka ngumiti. Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan dahil dumating na din si Sir Arman. Teacher namin sa A.P.

Binigay na ni Sir 'yung sasagutan namin. Mag-sasagot na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Sir.

"Miss Grahams? " Tumingin ako kay Sir.

"Yes, Sir?" Tanong ko.

"Hindi ka na magte-take ng quiz, exempted ka na,"

"Po? Bakit naman po, Sir? " sayang naman 'yong pagrereview ko.

"Mag-usap tayo sa labas, " tumango lang ako saka sumunod sa kanya sa labas ng room.

Nang makarating na kami sa labas ay nagtanong ako kaagad.

"Sir? Ba't po ako exempted? "

"You're exempted, because I will give you a task, " hala! Parang mas okay pang mag-quiz kesa sa task na 'yon. Huhu.

"Ano pong task, Sir? "

"I want you to be the tutor of Mister Laerin, " sagot ni Sir na nakapagpalaki sa mata ko.

"Mister Laerin, Sir? As in 'yong anak ng may-ari ng school na 'to? "

"Yes, none other than the son of the owner of this school, " nakangiting sambit n'ya. I was about to say no, but he tapped my shoulders and said, "I know you can do it, Miss Grahams. Malaki ang expectation ko sa'yo, " sabi nito saka ako iniwan sa labas ng room.

IS THIS REAL?!!