webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

38: Lunch

HER POV.

Kasalukuyan akong nandito sa isang fast food chain malapit sa school namin. Hinihintay ko kasi si Jen eh, sabay daw kaming mag-lunch. Ngayon ay mag-isa lang ako dito sa table at binabantayan ang mga pagkaing in-order ko.

Maya-maya ay nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Si Jen, tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Uy, Jen, nasan ka na? " tanong ko sa kanya.

{Ah, hermana, hindi muna ako makakasabay sayong kumain ha? May ginagawa pa kasi ako eh. Sorry ha? Sorry talaga. }

"Ganon ba? O sige, ayos lang. Kaso, marami na kasi ang na-order kong pagkain. Sino ng kakain nito? " tanong ko sa kanya.

{Ibigay mo na lang sa mga batang nanlilimos dyan, sige na, hermana, tumawag lang talaga ako para ipaalam na hindi ako makakasabay sayong kumain. Bye. }

At pinatay nya na ang tawag. Sayang naman 'tong mga pagkain. Nag-simula na akong kumain dahil gutom na rin ako.

"Ah, hi miss, can I sit here? " tanong ng isang lalaki. Hindi ko makita kung sino sya kasi nakain pa rin ako eh.

"Sige lang. " sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Ang bait mo naman pala. " sabi nya at naramdaman kong umupo na sya at nilapag ang order nya. Tumingin ako sa side nya para makita kung anong itsura nya at nabilaukan ako dahil sa nakita kong mukha.

"*cough* t-tubig *cough*" sabi ko sa kanya. Inabot naman nya sakin 'yung tubig na nasa harapan ko saka binigay sakin.

"Are you okay? " tanong nya.

"Sa tingin mo, okay lang ako?! Nabilaukan ako diba?! " pag-tataray ko kay Fred. Oo, si Fred 'tong nakiupo sakin.

"You're so loud as always. " sabi nya saka umirap. Bakit ba nakikita ko sa kanya si Jackson?

"'Di wow! " sabi ko na lang saka kumain. Naramdaman ko namang nakatitig sya sakin.

"Don't stare at me. I can't eat properly. " sabi ko sa kanya. Nakita ko namang umiwas sya ng tingin.

"I'm not staring at your ugly face. And, why would I? " pagsisinungaling nya.

"Psh! Reasons. Reasons. " nasabi ko na lang.

"Tss. " sabi nya. Kumain na lang ako.

"Kaya mo bang ubusin 'yan lahat? " tanong nya. Tiningnan ko naman sya.

"Bakit? Gusto mong hati tayo? Mabait naman ako, bibigyan kita. " sabi ko sa kanya.

"No, that's not what I mean, ang ibig kong sabihin ay baka sumakit lang ang tyan mo dyan. " lah? Concern?

"Concern ka? " tanong ko.

"What? Me? No! " tanggi nya.

"'Wag masyadong defensive. " sabi ko sa kanya at saka kumain.

"Kumain ka na nga lang. " kumainna rin naman sya. Dahil marami nga akong in-order ay hindi ko rin 'to naubos. Pina-take out ko 'to sa waiter dahil ibibigay ko nga sa mga batang namamalimos.

Sya naman ang tinitigan ko. Gwapo talaga sya. Kung titingnan mo sya, parang sya na ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo. Sa unang tingin, akala mo jolly person sya but no. Nababago noon ng mga mata nya. 'Yung napaka-misteryosong mata. Yung matang walang ekspresyon. Yung matang hindi mo mabasa. Yung matang mas malamig pa sa yelo.

"Matunaw ako. " sabi nya dahilan para mapapitlag ako at agad inayos ang sarili.

"Bakit ka matutunaw? Yelo ka ba? " pamimilosopo ko sa kanya.

"Tsk. " sabi nya. Maya-maya ay dumating na din ang pina-take-out kong pagkain. Lumabas na ako sa fast food chain na 'yun at naramdaman ko namang sumunod sya.

Habang papunta na kami sa school ay may nakita akong batang pulubi kasama ang mga kapatid nya ata. Lumapit ako dun at sumunod naman sakin 'tong si Lux.

"Hello, bata. Anong pangalan mo? " tanong ko sa kanya.

"Henry po. " sagot nya.

"Ah, Henry, para sa inyo nga pala oh. Hati-hati kayo ha? " sabi ko sa kanila. Nakita ko namang nag-liwanag ang mga mukha nilang tatlo.

"Maraming salamat po, ate! " Pinat ko naman ang ulo ng mga batang pulubi.

"Walang anuman. Merry christmas. " sabi ko sa kanila.

"Merry christmas din po, ate. Pakatatag po kayo ni kuya, ha? " sabi nya saka tumingin kay Lux.

"Ha? " tanong ko.

"Nobyo nyo po sya diba? " tanong nung isang bata.

"Ha? Hindi. Kaklase ko lang sya. " sabi ko saka ngumiti.

"Sana po ay maging kayo balang-araw. " sabi naman nung isa. Jusko! Ke-bata-bata pa, alam na ang mga 'yan.

"Hahaha, malay natin. Sige na, bye. " sabi ko saka umalis na.