webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

37: Thank You (?)

HER POV.

Nandito ako ngayon sa bahay. Iniisip ang kahihiyan na nangyari kanina.

*Flashback*

"Hindi mo ba ako naaalala? " tanong ni boy skateboard.

"Paano kita maaalala, eh hindi nga kita kilala. " sabi ko sa kanya. Lumapit ang mukha nya banda sa tenga ko. Rinig ko na ang hininga nya sa tenga ko. Buset! Ang bango!

"Pwede bang manahimik ka? Makisakay ka na lang, okay? I'm here to save you, airhead. " sabi nya sakin. Naningkit naman ang mga mata ko sa tinawag nya sakin.

"Hoy ikaw! Kung lalaitin mo lang ako----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag-salita na sya.

"You have a red stain on your skirt, airhead. " sabi nya dahilan para makaramdam ako ng sobrang pagka-hiya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? " tanong ko ngunit mahina lang.

"Ang ingay mo eh. " eh? Anong connect?

"Waaaaaaaaah! Dalhin mo na ako sa CR parang awa mo na. " sabi ko sa kanya.

"Just wait okay? This is my plan, kakargahin kita para di makita 'yung red stain, is that okay with you? " tanong nya. Tumango na lang ako.

"Okay. Get ready. " sabi nya. Maya-maya pa ay binuhat nya ako ng pa-bridal style.

*End of flashback*

See? Nakakahiya diba? Lalaki pa ang nakakita ng tagos ko! Bwiset! Bakit kasi ngayon paaaa? Bakeeeet?!

Nakaharap ako ngayon sa laptop ko.

Scroll down. Like. Comment. Share.

Then, maya-maya ay may nag-add sakin.

'Fred Lux sent you a friend request. '

Should I accept it or should I decline it?

'Accept it para makapag-thank you ka na sa kanya. ' bulong ng isang mahinang boses sa kanang tenga ko.

'Decline it, hayaan mo nga yan. ' sabi naman ng isa sa kaliwang tenga ko. Parang angel at devil lang. Hahaha.

Pero, tama si angel, I should accept it so I can say thank you to him.

Pumikit muna ako bago ko i-accept ang friend request nya and tenen! He's now my friend on fb.

Should I say thank you to him through messenger or should I thank him personally? What if, pareho ko na lang gawin?

Tama!

To: Fred Lux

Ahm, hi, Lux. I just want to say thank you dahil sa ginawa mo kanina and sorry kasi nasungitan kita. Thankyou ulit!

At message sent! Maya-maya ay nakita kong sineen na nya.

Fred Lux:

Typing..

Typing..

Typing..

Typing lang ng typing hanggang sa nakita kong active 2 minutes ago sya. Tsk, pero okay na rin na hindi sya nag-reply. Ang mahalaga ay nakapag-pasalamat ako sa ginawa nya. Makatulog na nga.