webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

39: Mad Jack

HIS POV.

Nandito ako ngayon sa isang fastfood chain malapit sa school namin. Pinapunta kasi ako ng kakambal ko dito eh. Nandito daw kasi si Clarisse. Hinanap ko kung nasaan na ang stupid girl na 'yun. Maya-maya pa ay nakita ko na sya. Lalapitan ko na sana si Clarisse kaso nakita kong nilapitan sya ni Fred chicken. Lah? Epal talaga ang lalaking 'yan.

Nag-sumbrero na lang ako at umupo sa likuran nila, dahilan para marinig ko ang mga pinag-uusapan nila.

"Don't stare at me. I can't eat properly. " sabi ni stupid girl kay Fred chicken. Ibig sabihin tinititigan sya ni Fred? The hell?!

Pinakinggan ko pa sila at maya-maya lang ay lumabas na rin sila, lumabas na lang din ako. Hala! Di pa pala ako nakakapag-lunch. Hayaan mo na nga. Sinundan ko sila hanggang sa tumigil silang dalawa sa tatlong batang pulubi at binigyan nila ng pagkain. Nag-tago naman ako sa may puno malapit sa kanila.

"Merry christmas din ate, pakatatag po kayo ni kuya ha? " sabi ng isang bata.

"Ha? " tanong ni Clarisse.

"Nobyo nyo po sya diba? " tanong ulit ng mga bata. Aba--t!

"Ha? Hindi. Kaklase ko lang sya. " sabi naman ni Clarisse.

"Sana po ay maging kayo balang-araw. " sabi naman nung isa. Letche 'tong mga batang 'to! Nako! Kapag nakilala ako ng mga 'to baka ako na ang mas bagay kay Clarisse.

"Hahaha. Malay natin. Sige na, bye. " sabi ni Clarisse saka umalis.

What the eff?! Malay natin?! Anong malay natin?! Ibig sabihin may chance talaga na maging sila?! No waaaaaay!

Nang tuluyan na silang makaalis ay pumunta ako dun sa mga batang pulubi. Tiningnan ko sila ng masama.

"Sinong mas gwapo? Ako o 'yung lalaking kasama nung payat na babae kanina? " tanong ko.

"Kayo po, kuya. " sabi nila. Ngumiti naman ako saka nag-labas ng isang libo sa wallet ko at binigay 'yun sa kanila.

"Very good. Hindi talaga nag-sisinungaling ang mga bata. " sabi ko. Aalis na sana ako ngunit agad din akong napabalik sa kanila.

"Eh, sinong mas bagay dun sa babaeng payat? Ako o 'yung lalaki kanina? " tanong ko ulit.

"'Yung lalaki po kanina. " ngiting-ngiting sabi ng bata.

"Ano?! " mas gwapo ako pero mas bagay pa rin 'yung dalawang 'yun? Makaalis na nga!

Tsk. Mukhang pro-Fred chicken ata 'yung mga bata eh.