webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

36: Jelly Jackson

HIS POV.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nag-babasa ng libro. Actually, hindi naman talaga ako mahilig mag-basa ng libro, nahilig lang ako simula nung malaman kong mahilig si stupid girl mag-basa ng libro.

Kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Sina Patrick and Karl. Hindi naman sila nag-babasa ng libro eh, nag-iinternet lang sila.

"Kayong dalawa, kung pumunta lang kayo dito para maki-wifi, umalis na kayo. " pag-susungit ko sa kanila.

"Teka lang kasi boss. May tinitingnan pa kami oh. " sabi ni Karl. Napataas naman ang isang kilay ko.

"At ano naman 'yan? Mas importante pa sa pag-aaral nyo? " tanong ko.

"Siguro. Baka. Pwede. " sagot ni Patrick na ginaya pa sa movie na 'Must be love'.

"Ano ba yan? " tanong ko ulit dahilnaku-curious na rin ako.

"Lumapit ka kaya dito 'no? " sabi ni Karl kaya lumapit nga ako sa kanila. Nasa sofa kasi sila nitong kwarto ko eh.

"Sino 'yan? " tanong ko. Inii-stalk kasi nila 'yung 'Fred Lux' eh.

"'Yung new student, pare. " sagot ni Patrick.

"Oh? Anong meron sa new student na 'yan? " tanong ko.

"Teka lang, easy boss. " sabi nya. In-exit na nya 'yung wall ni Fred at pumunta naman sa wall ni Clarisse. Nakita kong may pictures at video na naka-tag sa kanya.

"Tingnan mo. " sabi ulit ni Karl. Kinlick nya 'yung mga pictures. 10 picture 'yun eh.

Parang nilagyan ng asin 'yung mga mata ko. Shit! Ang sakit sa mata!

Merong picture na kasama ni Fred si Clarisse. Merong picture na nakasunod sya kay Clarisse. Merong picture na sinalo ni Fred si Clarisse. Merong picture na mag-kasama sila kanina sa canteen. Merong picture na hinawakan ni Fred 'yung kamay ni Clarisse. At merong picture niyakap ni Fred si Clarisse patalikod. What the hell?!

''Pre, ito 'yung video nung niyakap ni Fred 'yang si Clarisse. " sabi ni Patrick. He click the play button at pinanood na namin 'yun.

'Can you please get your hands off on mine? '

Hindi nya sinagot si Clarisse pero niyakap nya ito. The eff?!

'Hindi mo ba ako naaalala? '

Nakita kong nag-taka si stupid girl at doon na natapos ang video.

"Ano, boss? Bugbugin na ba natin? " tanong ni Karl. Tiningnan ko sya ng masama.

"Gusto mong ikaw ang bugbugin ko? " tanong ko sa kanya.

"Woah! Chillax, boss. Masyado kang hot eh. HAHAHAHA! " psh!

"Nangangamoy jelly~" pagkanta naman ni Patrick.

"Hoy! Di ako nagseselos ah! " pag-tanggi ko.

"Lah? May sinabi ba akong nagseselos ka? Sabi ko nangangamoy jelly eh. " sabi nya.

"Ewan ko sa'yo! " sabi ko saka bumalik sa kama ko at nag-basa ng libro.

Letse! Mas gwapo naman ako sa Fred na 'yun! Pinaka-gwapo sa pinakagwapo. Walang-wala 'yun sakin 'no! Hah! Ako ata ang gangster prince. Ang tinitilian lagi ng mga kababaihan! Tsaka, makayakap sya kay Clarisse ah, close sila? Eh, kakalipat pa nga lang nun dito eh. Argh! Ang sarap nyang sapakin.

"Hoy, 'yung libro nasisira na. " biglang sabi ni Patrick. Tiningnan ko ang libro at what the hell?! Lukot-lukot na! Patay! Hiniram ko pa lang naman 'to sa library. Tsk.

"Psh! " sabi ko na lang.

"Ano bang ginagawa mo, bossing? " tanong ni Karl.

"Ano bang pake mo? " tanong ko rin.

"Baliktad kasi 'yung pag-hawak mo! " sabay nilang sabi ni Patrick. Tiningnan ko ulit ang libro at wengya! Baliktad nga!

"Sinusubok ko lang kasi 'yung utak ko kung kaya ko bang mag-basa ng baliktad na words. " pagdadahilan ko.

"Sus. " sambit ni Karl. Binato ko naman sya ng unan.

"Oo nga! " pag-pipilit ko pa rin.

"Nag-seselos ka lang bossing eh. " sabi nya ulit dahilan para batuhin ko ulit sya ng unan sa mukha at beng! Natamaan sya.

"Ako? Magseselos? Hah! Never! " sabi ko saka nag-basa na lang ulit but this time, hindi na baliktad 'yung libro.

"Okay. 'Wag mo sanang kainin ang sinabi mong 'yan. " sabi ni Patrick saka ngumisi.

Psh! Ano bang sinasabi nila? Ako? Magseselos? Eh, di hamak naman na mas gwapo ako dun, mas bata lang sya pero mas gwapo pa rin ako! Tsaka, mukhang unggoy 'yun. Ang panget-panget.