webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

35: Fred Lux (Part II)

HER POV.

Recess na ngayon kaya inayos ko na ang mga gamit ko para makapunta na ako sa canteen.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay lumabas na ako at nag-lakad na papunta sa canteen kaso parang may iba? Kanina pa kasi ako pinag-titinginan ng mga babae at mga bakla na madadaanan ko eh. Hindi ko naman kasama si idiot at wala naman akong dumi sa mukha.

'Bakit nya sinusundan si stupid girl? '

'I don't know. '

'Baka ginayuma din nya si Papa Lux? '

'Siguro nga. Grabe naman sya, ang landi. '

'Kaya nga eh. Una, si prince tapos ngayon si Papa Lux. Hayys, flirt everywhere. '

Mga bulungan ng mga kababaihan at kabaklaan sa paligid ko. Ano na naman bang ginawa ko? Wala naman diba?

Teka, parang wala 'yung wallet ko sa bulsa. Lah? Nasa bag ata eh. Bumalik ako pero halos matumba ako dahil nakita ko si boy skateboard na nasa harapan ko. Teka, bakit parang ang tagal kong bumagsak sa sahig? Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Boy skateboard sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Dahan-dahan nya akong tinayo. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"N-nakakagulat ka naman. " nasabi ko na lang.

"Sinundan kita kasi naiwan mo 'to. " sabi nya sabay abot ng wallet ko.

"Naiwan mo 'to sa desk kaya hinabol ko sayo. " sabi nya na wala man lang ekspresyon ang mukha.

"Ah, ganon ba? Thanks. " pag-papasalamat ko. Nag-lakad na lang ulit ako papuntang canteen. Kaya ba kanina pa nila ako pinag-bubulungan kasi kasunod ko 'tong new student? Makapag-react akala mo naman pagma-may-ari nila 'tong si boy skateboard. Tsk.

"Ah, pwedeng makisabay kumain? " tanong nya habang nag-lalakad kami.

"Bakit naman? Kaya mo namang kumain mag-isa diba? " tanong ko. I don't want to be rude kaso rude din sya sakin kanina eh.

"Look. Kung tungkol 'to kanina sa nangyari dun sa labas, I'm sorry. I didn't mean that. " sabi nya pero di ko feel 'yung sincerity nya.

"Apology declined. I don't want to accept your apology. " sabi ko saka nag-lakad ng mabilis. Naramdaman ko namang sumusunod pa rin sya sakin.

"Arte. " bulong nya pero dinig ko. Psh! Parehong-pareho sila ni idiot. Bubulong na lang 'yung dinig ko pa. Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Hindi ako ma-arte sadyang alam ko lang ang mga salitang 'I don't talk to stranger. '" sabi ko saka tinalikuran sya.

"Okay, I'm Fred. " pagpapakilala nya pero habang nag-lalakad pa din.

"Fred? Fred chicken? " tanong ko.

"Huh? " ay, slow?

"Wala. Sabi ko, ang slow mo. " sabi ko sa kanya hanggang sa makarating na kami sa canteen.

"Ngayon na kilala mo na ako, siguro naman hindi na ako stranger para sayo? " tanong nya.

"You're still a stranger. I only know your name but not your personality. " sabi ko. Nag-hanap ako ng table kung saan ako kakain. Nag-order na lang ako ng Strawberry shake at siomai.

"Ako na ang mag-babayad. " pag-aalok nya.

"No, you don't have to. I have money. I can pay my food. " sabi ko sa kanya at binayaran na ang in-order ko. Umupo na ako sa bakanteng mesa, umupo din sya. Bale, mag-katapat kami.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa 'yang pagkain mo? " tanong nya ulit. Napatigil ako sa pag-tusokng siomai saka tumingin sa kanya.

"Hindi ka ba talaga titigil? You're disturbing me. Hindi mo ba nakikitang nakain 'yung tao? " inis na tanong ko sa kanya.

"I'm just asking. " sabi nya with his cold voice again.

"Then stop asking me a non-sense question. I'm eating. " sabi ko sa kanya saka kumain ng siomai.

"Kung ayaw mong mag-tanong ako, magpapa-kilala na lang ako. " sabi nya. Hindi ko tuloy matukoy kung naiinis o masaya sya habang sinasabi nya 'yun. Wala pa rin kasing ekspresyon ang mukha nya eh.

"My name is Fred Lux, I'm 18 years old. I'm a basketball player back then. " sabi nya pero wala akong pakielam.

Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako saka aalis na sana kaso hinawakan nya 'yung kamay ko.

"Can you please get your hands off on mine? " tanong ko pero parang hindi nya 'yun narinig.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin patalikod.

"Hindi mo ba ako naaalala? " tanong nya habang nakayakap sakin.

Lah? Baliw ba 'to?