webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

34: Fred Lux

HER POV.

Nandito na ako sa room namin ngayon.Maaga pa kaya nag-basa muna ako ng libro kaso hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga bubuyog kong kaklase.

'Girls, did you heard the news? '

'What news are you talking about? '

'May bagong lipat! '

'Oh? Tapos? '

'Gwapo daw! '

'Really? '

'Oh my gosh! '

'Magpapaganda na ako. '

Tss. Ang lalandi eh. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa binabasa kong libro hanggang sa dumating na si Sir Arman.

"Good morning, section 3! " bati nya samin kaya agad kaming tumayo at binati din sya.

"Good morning, Sir. " pag-bati namin.

"Okay, sitdown. Anyway, meron kayong new classmate. Mr. Lux, get inside. " sabi ni Sir. Ito namang mga kaklase ko, nag-simula nang maging bubuyog.

'Goooosh! Sana gwapo 'no? '

'Sana ngaaaa. '

Nakita ko namang may pumasok na lalaki na naka-bonnet at ang dalawa nyang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nya. Teka, sya si boy skateboard ah?

"Good morning everyone, I'm Fred Lux. " sabi nya na wala man lang kaemo-emosyon.

"Okay, you can find you chair now, Mr. Lux. " sabi ni Sir Arman sa kanya. Nagulat na lamang ako ng tumabi sya sakin. Tiningnan ko lang sya saglit saka nakinig na sa tinuturo ni Sir Arman.

Bwiset naman oh! Bakit kaklase ko pa 'tong pashnea-ng 'to? At ang mas grabe, katabi ko pa! 'Langya!

"Aray daw sabi ng ballpen. " bigla nyang sabi pero nakatinginsa harapan. Lah? Baliw?

Hindi ko na lang sya pinansin.

"Hindi ka ba naaawa sa ballpen mo? " tanong nya pero nakatingin parin sa harapan.

"Ako ba ang kausap mo? " tanong ko.

"Malamang, alangan naman sarili ko. " aba't--! Pilosopo din pala 'tong lalaking 'to.

"Tss. Feeling close. " bulong ko pero medyo nilakas ko para marinig nya. Ha? Ano daw?

"Hindi ako feeling close, friendly lang talaga ako. " sabi nya saka tumingin sakin. Tiningnan nya ako diretso sa mga mata ko. Eh? Bakit parang hinihigop ako ng mata nito? Tsaka, bakit parang wala man lang bakas ng emosyon dito?

"'Di wow! " sabi ko na lang. Saka nakinig ulit kay Sir Arman.

Tsk.