webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

28: His Gangster Side

HIS POV.

Kasalukuyan akong kinakausap ni Tita Ree dahil uuwi na ako samin. Dalawang araw na rin kasi ako dito sa bahay nila eh. Nakakahiya na.

"Sigurado ka ba na okay ka na? Baka hindi mo pa kaya. " mababakas ang pag-aalala sa tono ni Tita.

"Opo, okay na okay na po ako. Thank you po sa pag-aalaga nyong dalawa ni Clarisse sakin, I really appreciated it po. " sagot ko.

"O sya, kung kaya mo nang talaga, sige, papayag ako. Pag-pasensyahan mo na at hindi makakapag-paalam sayo si Clarisse ha? Tulog pa kasi eh. " sabi ni Tita. Oo, tulog pa 'yung babaeng 'yun. Tsk, tulog-mantika. Alas-dyis na kaya.

"Okay lang po 'yun. Maraming salamat po ulit, Tita. " sabi ko saka ko sya niyakap.

"Sige, mag-iingat ka, iho. "

"Sige po. " sabi ko saka umalis. Mag-lalakad na lang ako papuntang mansyon namin, tutal malapit lang naman 'yun dito.

Habang nag-lalakad ako ay ramdam ko na may sumusunod sakin. 'Wag naman sana ngayon.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-lalakad ko hanggang sa may tumigil na red van sa gilid ko. Tumigil din ako at tiningnan ang sasakyan. Dahan-dahang bumaba ang bintana ng van at nakita ko si Zurich, ang isa sa mga kalaban ko. Sya ang leader ng Black Wings.

"Long time, no see, JL. How are you? " tanong nya saka ngumisi.

"I'm good. " maikli kong sagot.

Lumabas sya sa sasakyan nya kasama ang apat na lalaki.

"That's great! Siguro naman handa ka ng ipagpatuloy ang laban natin? " sabi nya. Ang Black Wings kasi ang gang na kinansela ko nung nag-sorry ako kay Clarisse. Remember?

"Always. " sagot ko ulit. Nakakatamad mag-salita.

"So, let's end this here. " sabi nya saka lumapit sakin at akmang sasapakin na sana ako pero mabilis akong nakailag habang naka-pamulsa. Ganon lang ang sitwasyon namin sa loob ng tatlong minuto. Wala 'to. Weak!

"'Yan lang ba ang kaya mo? " tanong ko.

"Wag kang mayabang! " sabi nya saka susuntukin sana ako ulit kaso nakuha ko ang kamao nya saka pinihit ito patalikod.

"Aahhhhhh! " sigaw nya dahil sa sakit. Nakita ko namang kumilos na ang mga walang-kwenta nyang tauhan.

'Yung isa sana ay sasapakin ang gwapo kong mukha pero naunahan ko na sya kaya agd syang napatumba. Ang pangalawa naman ay nag-labas ng maliit na kutsilyo saka tumakbo papalapit sakin kaso kinuha ko ang baril ko at agad syang binaril. 'Yung pangatlo at pang-apat naman ay tumakbo kasama ang boss nila. Mga weak!

Pumunta ako dun sa unang lalaki na dapat sasapak sa mukha ko at inapakan ang dibdib nya.

"Pakisabi sa boss mo na 'wag basta-basta susugod kung hindi naman pala ako kayang kalabanin. " hindi sya sumagot kaya diniinan ko ang pag-apak sa dibdib nya.

"O-oo. Oo. " sagot nya.

"Good dog. " sabi ko saka pinat ang ulo nya. Nag-lakad na ako palayo ngunit naramdaman kong kinuha nya ang baril nya kaya agad akong humarap sa kanya at pinaputukan sya.

"Tsk. " nasabi ko na lang.

Tinago ko ang baril ko sa bag ko at nag-lakad muli. Ang ganda-ganda ng araw ko tapos sisirain lang nila? Hanep!

'Yung mga may balak na umagaw kay Clarisse, ganyan ang mapapala nyo sakin kaya 'wag nyo ng subukan agawin si Clarisse sakin.