webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

27: Friends

HIS POV.

Nagising ako dahil sa lamig. Ang lamig talaga!

Babangon na sana ako kaso nakaramdam ako ng kamay ng isang tao sa mukha ko. Dahan-dahan ko itong inalis at nakita ko si Clarisse na kasalukuyang natutulog. Nakatulog din? Hahaha. Mula sa pagkaka-higa ay umupo ako sa kama. Nakita kong nasa sidetable na 'yung cellphone, hindi pala pakielamera ha? Kinuha ko ang cellphone ko saka pinicturan sya. Remembrance lang. Hahahaha.

Ang ganda nya talaga kapag tulog pero kapag gising parang ewan eh.

Kinuhanan ko pa sya ng maraming litrato. Maya-maya ay binuksan ko ang gallery ko, hindi nya siguro 'to nabuksan, may password 'to eh. Alam nyo kung anong password? 'ClaSon the StupIdiot Couple. ' panget 'no? Para sakin maganda na 'yan. Hahaha.

Nang mabuksan ko na ang gallery ko ay binuksan ko ang isang album na ang pangalan ay 'My future'. Corny ba? Ganon daw kasi kapag inlove ka, nagiging corny ka. HAHAHAHA.

Tinitigan ko ang pictures nya dito sa cellphone ko. Alam nyo ba kung ilan 'yung picture nya dito? 536 lang naman. Dami 'no? Papadamihin ko pa 'yan at syempre, kasama na ako sa mga pictures nya.

Next. Next. Next.

Next lang ako ng next sa mga pictures nya hanggang sa..

"Mamang inglisero, gising ka na pala. " sabi nya. Lah? Kanina pa kaya sya gising?

"Ah, oo, kakagising ko lang. " sagot ko. Agad kong tinago ang cellphone ko.

"Ganon ba? Teka, bakit ka nga pala nakangiti? Kausap mo siguro 'yung babaeng gusto mo 'no? Ayiee. " sabi nya habang nakangiti.

"Ha? Ah, oo, kausap ko sya ngayon. " sagot ko. Patay! Bakit ko 'yun sinagot? Tsk.

"Ayieee, pumapagibig na talaga si idiot. Hahahaha. Gooduck. Baba lang ako ha? " sabi nya habang nakangiti pa rin.

"S-sige. " nasabi ko na lang.

"Ay teka.. " lumapit sya sakin. Napalunok naman ako dahil dun. Hinawakan nya 'yung noo at leeg ko. Akala ko naman kung ano na.

"Buti naman at hindi ka na sobrang init. " sabi nya ulit habang nakangiti pa rin.

"Oo nga eh. Thanks sa pagbabantay ha? " sagot ko.

"You're welcome. " at umalis na sya.

Okay, masyado na akong nalulunod sa ngiti nya. Inayos ko muna ang sarili ko pati ang higaan na pinagtulugan ko. Nakakahiya naman kay Tita kung hindi ko pa 'to aayusin diba?

Nang matapos ko ng ayusin ang lahat. 'Yung amin na lang ang hindi. Jowk. Yun na nga, after that, bumaba na rin ako. Nagugutom ako eh.

"Wala pa ba si Tita? " tanong ko kay Clarisse nang makita ko syang nag-sasaing.

"Wala pa eh. Kanina pa nga 'yun. Baka natagalan dahil sa sobrang lakas ng ulan. " sabi nya saka nag-kibit balikat.

"Siguro nga. " sabi ko rin. Nang makaupo na sya ay umupo naman ako sa kaharap nyang upuan.

"Mamang inglisero, kwento ka naman about dun sa babaeng gusto mo. " sabi nya sakin. Eh? Bakit? Hindi nya ba kilala ang sarili nya?

"Ha? Wag na. Tsaka, na-kwento ko na sayo kahapon diba? " sabi ko.

"Dali naaaaaa. " pagpupumilit nya pa.

Napakamot naman ako sa bridge ng ilong ko.

"Sige na nga. 'Yung babaeng gusto ko, simple lang sya. Hindi sya sexy, hindi rin sya mataba. Payat sya. Para nga syang pader eh, kasi plain lang sya. Walang hinaharap at walang pwet. Oh diba? Plywood na! HAHAHA! Siguro, nagtataka ka bakit ako nahulog sa kanya 'no? Sya kasi talaga ang ideal girl ko. Nung una, ayaw ko talaga sa kanya. I really hate her. I really hate her guts. Her jokes. Her dramas. Everything about her but I don't know what happened, I suddenly fell inlove with her. She's one of a kind. She's an extra ordinary girl. Nung una, I don't believe that a girl like her is still existing. The type of girl which is brave. I thought that all of the girls are same. I thought that all girls are flirt and a bitch pero pinakita nya saking HINDI LAHAT. Meron pa palang mga babaeng disente at mahal ang sarili nila. Ang mama ko kasi ay katulad ng mga babaeng humahabol sakin. Rude mang pakinggan pero my mother is a flirt. Hindi sya nakuntento sa father ko. Pinatos nya pa 'yung ninong ko. Kung hindi ko pa sila nahuli ay siguro hanggang ngayon ay niloloko nya pa rin ang daddy ko. Dahil na rin siguro sa kahihiyan, umalis sya. Iniwan nya kami. And until now, hindi pa rin sya nagpapakita. Kahit niloko nya kami, namimiss ko pa rin sya. She's still my mother at all. " pagki-kwento ko at nagulat na lang ako nang makita ko syang umiiyak.

"Hey, why are you crying? " tanong ko sa kanya. Natataranta na ako dito.

"N-nakakaiyak naman kasi 'yung kwento mo. Akala ko talaga, isa kang masamang lalaki but I'm wrong. You're just bully but you have a heart. " sabi nya saka ngumiti.

"Yeah, thanks to you. " ay shit! Ba't ko nasabi 'yun?

"Don't say thank you to me. Wala naman akong ginawa eh. " she said with confusing voice.

"Yeah, I mean, thanks to her. Thanks sa babaeng nakapag-pabago sakin. " sabi ko habang nakangiti.

"Inlove na inlove eh, teka, sino ba kasi 'yang gusto mo? Sikat ba? " tanong nya.

"Diba sabi ko, malalaman mo sa tamang oras at sa tamang lugar. Sa ngayon, nasabi ko na ang mga katangian nya. Ikaw na lang ang umalam. " sabi ko ulit.

"Dayaaaaaaa! " sabi nya saka nag-pout. Gusto ko tuloy pisilin 'yung pisngi nya.

"Para kang bata. " sabi ko ulit.

"Nahiya ako sayo kanina. " sabi nya saka kami nag-tawanan.

"So, ahm, friends? " tanong ko sa kanya sabay abot ng kanang kamay ko.

"Hmmm, pag-iisipan ko pa." Sabi nya saka humawak sa baba nya na para bang nag-iisip talaga.

"Ayaw mo naman ata eh. " sabi ko.

"Sige na nga. Friends! " sabi nya saka inabot ang kaliwang kamay sakin and we shook our hands.

Nung humawak sya sakin ay parang may kuryente na naman akong naramdaman. Agad akong bumitaw at ganon din sya.

"Supplyer ka ba ng kuryente? Na-kuryente ako dun ah. " sabi nya saka humawak sa kamay nya.

"Baka ikaw ang supplyer, nakuryente din ako sayo eh. " sabi ko.

"Ako pa ah? " sabi nya saka tumawa. Baliw.

"Teka, parang nangangamoy.. " sambit ko.

"Sunog! " sabay naming dugtong sa sasabihin ko dapat. Agad kaming pumunta sa sinaing nya at tiningnan ito.

Sunog nga. Hayys.

"Ikaw kasi eh! Dinaldal mo ako. " sisi nya sakin.

"Sino kaya 'yung nag-request na mag-kwento daw ako? " sabi ko saka nag-whistle.

"Ah, basta, kasalanan mo pa rin. " sisi nya na naman sakin.

Okay lang na sisihin nya ako, mahal ko naman sya eh.