webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

29: ClaSon Member

HIS POV.

Nandito na ako sa mansyon namin. Agad akong umakyat sa kwarto ko at inalintana na lamang ang mga bumabating maids sakin.

Pag-pasok ko pa lang sa kwarto ko ay halos mapatumba ako dahil ang dilim ng kwarto ko. I mean, madilim na sya dati dahil sa black and white nitong motif pero iba 'yung dilim ngayon eh. May nakatapat na ilaw sa higaan ko. Pinakielaman ba 'to ng mga maids?

Umupo ako sa higaan ko at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Karl na may dalang kutsilyo. Anong trip nito?

"Jackson Laerin, may ilan lamang kaming katanungan para sayo. " sabi nya sakin habang pinapalo-palo ang kutsilyong hawak nya.

"Hoy, Karl! Ano na naman bang kagaguhan 'to? " tanong ko.

"Hindi 'to kagaguhan, Jack, seryoso kami dito. " biglang sulpot ni Patrick na nakahawak sa baba nya para bang isang businessman.

"Pati ba naman ikaw, Patrick? " tanong ko.

"Saan ka galing nitong mga nakaraang gabi? Wala ka sa bahay ng iba nating ka-gangmates, wala ka rin sa mga hotels at lalong-lalo na, wala ka rito. Ang pinagtataka namin ay saan ka nag-punta? " tanong ni Karl na para bang detective.

"Wala na kayong pakielam dun. " sabi ko saka umirap.

"Sumagot ka ng maayos kung gusto mo pang mabuhay. " sabi naman ni Patrick habang naka-hawak sa ulo ko. Wengya, seryoso talaga sila dito?

"Hindi ko alam ang sinasabi nyo?! " sigaw ko.

"May nakapag-sabing bago ka mawala ng dalawang araw, nakita kang kasama si Clarisse Grahams sa waiting shed ng Laerin University.. " sabi ni Patrick saka pinakita ang picture kung saan nagkikilitian kami ni Clarisse sa waiting shed. The hell? San nila nakuha 'yan?

"Kung tama ang hinala ko, kasama mo si Ms. Grahams, tama ba? " tanong na naman ni Karl. Hindi ako sumagot.

"Sumagot ka! Now na! " pangga-gaya ni Karl kay Boy Abunda.

"Baliw. " nasabi ko na lang.

"May nakakita rin sa inyo na kayo ay magka-yakap nung araw bago ka mawala. " sabi ulit ni Patrick saka nag-labas ng picture na kung saan mag-kayakap nga kami ni Clarisse. San ba nila nakuha ang mga 'yan?

"That's not me. " pagsisinungaling ko kahit halata namang ako 'yun dahil kitang-kita ang mukha ko.

"Sasagot ka o sasagot ka? " tanong sakin ni Karl saka tinapat ang kutsilyong hawak nya sa leeg ko. Tinitigan ko sya ng masama.

"Gusto mo sayo ko isaksak 'yan? " tanong ko. Agad naman syang umalis.

"Hehe, joke lang boss. Laruan lang 'yan oh. " sabi nya saka sinaksak ang kutsilyo sa pulsuhan nya dahil para lumubog ito. Tama nga sya, laruan lang.

"Tss. " sabi ko.

"Okay na ba kami maging talk show host, Jack? " tanong ni Patrick. Kawawang Patrick, nahawa sa kabaliwan at kawirduhan ni Karl.

"Hindi. Okay kayong maging kidnapper. " sagot ko saka umirap.

"Aruuy! Kidnapper? Sa gwapo kong 'to? Kidnapper? Ang lakas mo naman boss. " sabi ni Karl.

"Talagang malakas ako. " sambit ko.

"Eh, san ka nga ba galing? " tanong naman ni Patrick.

"Naniniwala na talaga ako sa himala, biruin mo, si Patrick Mendoza na napaka-tahimik ngayon ay chismoso na. " sabi ko saka umirap na naman.

"Kanina ka pa irap ng irap, may sira ba mata mo? " tanong nya.

Binato ko sya ng unan.

"Gago! " sabi ko sakanya.

"San ka ba kasi talaga galing? Curiousity kills us. " sabi ni Karl saka ngumuso.

Akala ko naman hindi na ako kukulitin ng mga 'to.

"Naks naman, Karl! Is that you? Umi-english na si totoy! HAHAHAHAHA! " pang-aasar ko sa kanya. Please Lord, sana hindi na nila ako kulitin.

"Eh, san ka nga galing?! " tanong nilang dalawa.

"Kailangan sabay? " tanong ko rin.

"'Wag mo ngang iniiba ang topic, Jackson. " sabi ni Patrick.

"No, I'm not. " pagsisinungaling ko.

"Umamin ka nga samin, kina Clarisse ka ba galing? " tanong ni Patrick.

"Di ah. " sabi ko saka pinatunog 'yung mga daliri ko.

"I know you're lying. Kanina mo pa pinapatunog 'yung mga daliri mo eh. " sabi nya. Luh? Napansin pa nya 'yun?

Sasabihin ko na ba?

"Okay, fine. Galing ako sa kanila. " pagsasabi ko ng totoo.

"Sabi ko na nga ba eh! " O. A na reaksyon ni Karl.

"But, don't put any malice there. It's just nothing. " pagsisinungaling ko ulit.

"Really? " tanong ulit ni Patrick.

"Wala naman kasi talaga 'yun eh. Naging mabait lang talaga si Mrs. Grahams sakin kaya pinatuloy nya ako sa bahay nila. " pagpapaliwanag ko.

"Okay. " sagot nya saka tumawa. Lah? Baliw?

"Mukhang may tatalo na sa loveteam ng KathNiel ah? " sabi ni Karl.

"Ano? " tanong ko.

"ClaSon! " sabay nilang sabi.

"The hell?! " sigaw ko.

"ClaSon! ClaSon! ClaSon! " Sigaw nilang dalawa na para bang nagra-rally.

"Stop that! " sabi ko with matching irritated voice pero sa totoo lang, pulang-pula na ako. >__<

"ClaSon! ClaSon! Hoooo! Ako na ang president ng love team nila. " sabi ni Karl.

"Sige, ako naman ang Vice President. Paaaang! ClaSon! ClaSon! " mga baliw!

Nag-usap-usap pa sila tungkol sa 'ClaSon Love team' psh!