webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

26: Mad

HER POV.

Nandito pa rin ako ngayon sa guest room. Hindi ako makaalis kasi nakaunan pa rin sa lap ko si mamang inglisero. Nakita ko naman sa tabi nya ang cellphone nya.

Pakielaman ko kaya? Sabi ko nga, 'wag na.

Ginamit ko na lang ang cellphone ko atsaka nag-laro ang kaso..

"The eff?! Bakit na-lowbat ka? " bulong ko. Buset! Nilagay ko na lang sa sidetable 'yung cellphone ko.

Natahimik ako sandali saka kumanta.

"Little do you know, how I'm breaking while you fall asleep.

Little do you know, I'm still haunted by the memories.

Little do you know, I'm trying to pick myself up piece by piece.

Little do you know I, need a little more time~"

Pagkanta ko. Favorite ko ang kantang 'yan eh. Ang ganda kasi, try nyong pakinggan.

Nang matapos ko na 'yung kanta ay natahimik ulit ako. Boriiiing.

Ano bang magandang gawin?

Makalipas ang kinse minutong panunuyo ng laway ko ay hindi ko na talaga napigilian. Kinuha ko 'yung cellphone ni mamang inglisero at syempre, pinakealaman. Alangan naman titigan ko lang 'to hanggang sa matunaw.

"Ano kayang laman nitong cellphone mo? " bulong ko.

Una kong binuksan ang gallery nya kaso may password. Buset 'to. Siguro may tinatago 'tong kababalaghan?

Sunod kong binuksan ang messages nya. Puro galing sa mga kaibigan nya. Tapos boss pa ang tawag sa kanya. Leader ba 'to ng gang?

Nag-hanap ako ng message ng babae kaso wala eh. Don't tell me, wala rin syang number ng taong gusto nya? Tss, ang gwapo-gwapo, torpe naman.

Sunod kong binuksan ang twitter nya. Laking gulat ko ng makita ko kung ilan ang followers nya.

'5, 045, 678 followers?!'

Napaka-famous naman pala nitong lalaking 'to. Tiningnan ko kung ilan ang fina-follow nya at isa lang. Sino kaya 'to? Pinindot ko 'yun at..

"Ako?! Bakit finallow ako nito?! " sigaw ko pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko ng ma-realize kong ang lakas na ng boses ko.

Ano kayang trip nito sa buhay at finallow pa ako sa twitter?

Sunod kong binuksan ang IG nya. Ang rami nya ring followers! Tiningnan ko 'yung mga photos nya dun at ang gwapo -___-

Bakit ang gwapo nya? Tapos ang hot pa! Wengya 'to! Tao pa ba 'to? Almost perfect na sya eh!

Sunod kong binuksan ang facebook nya at andaming friend request. Jusko, napaka-famous!

Andami nya ring messages kaya binuksan ko ang messenger nya para tingnan kung kanino galing ang mga messages na 'yun.

'Hi babe!'

'Ang gwapo mo po.'

'Hi po kuya.'

'I love you po, kuya.'

'Kuya pa-add.'

'Kuya, pwedeng manligaw? '

'Anakan mo 'ko ng singkwenta pleaseeeeeee. '

'Yan lang naman ang mga messages na china-chat ng mga babae nya. Bwiset! Ang lalandi eh, akala mo naman maganda. Eh, mas maganda pa nga ako dyan eh, sexy lang sila pero hindi sila maganda, in short, hipon sila. Hipon!

Tapos may pa-kuya-kuya pa silang nalalaman, if I know lalandiin lang naman nila 'tong si mamang inglisero. Buti na lang di nya nire-reply-an ang mga malalanding 'to. Tss.

Maya-maya ay may bagong message.

'Kuya, pwede po bang makipag-kaibigan? '

Chat ng isang babae na ang profile ay ang dibdib nya. Magkano kaya pagawa nya? Tsk.

'Hindi PO pwede.' Reply ko dun sa babaeng malaki ang future.

'Bakit naman po? ' aba--t!

'Tanong mo sa pagong, letse! ' reply ko ulit.

Hala! Bakit ko chinat 'yun? I tried not to send it to her but it's too late.

'Hala! ' reply nya. Sineen ko na lang sya.

Nilapag ko na lang ang cellphone nya sa side table saka sumandal sa headboard nitong kama.

"Ang lalandi, jusko! " nasabi ko na lang.

Naiinis kasi talaga ako eh. Ayoko kasi talaga sa mga babaeng ganun. Duh! Sino bang may gustong may babaeng ganun?

Argh! Nakakainis talaga! Parang gusto kong manapak!