webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

13: Tutor Day (II)

HER POV.

Kasalukuyan kong tinuturuan ang idiot na 'to at nakukuha naman nya.'Yung totoo? Hindi ba talaga marunong 'to sa A.P? O baka naman gusto lang talaga ako nitong kasama?

"Don't stare at me like that." Sabi nya. Eh? Hindi naman ako nakatitig sa kanya eh, feelingero din 'to eh.

"Hoy! Kapal ah! Hindi kaya kita tinititigan!" Tanggi ko.

"Sus, denial queen. HAHAHAHA!" Nakaka-bwiset talaga.

"Ha-ha-ha. Funny funny funny, very very very." Sarcastic kong sabi.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong nya. Ayun! Buti naman natanong nya. Hehe.

"Oo, may fries ba kayo dito?" Teka, fries? Diba 'yun 'yung english ng presyo. Okay,waley!

"Meron. Teka nga, hindi ka ba nag-sasawa dun?" Tanong nya. Bat naman ako magsa-sawa dun? Eh hindi naman ako madaling mag-sawa eh.

"Hindi. Palibhasa kayong mga lalaki ang bilis manawa eh. Tsk."

"Bakit kasama ako?" Tanong nya. Idiot talaga!

"Bakit? Hindi ka ba lalaki?" Tanong ko rin.

"Syempre, lalaki! Stupid." Nako! Nanggi-gigil na ako dito sa lalaking 'to!

"'Yun naman pala eh, edi kasama ka. Psh!"

"Eh, hindi naman ako manloloko? Tsaka pano mo nasabing lahat ng lalaki madaling manawa? Bakit? Naging boyfriend mo na ba lahat ng lalaki sa mundo?" Luh? Bat ang lalim ng pinanghuhugutan nitong lalaking 'to?

"So, anong pinaglalaban mo?" Tanong ko.

"Wala." Sabi nya saka lumapit dun sa isang maid at nakita kong umalis 'yung maid. Pupunta atang kusina.

"Sumunod ka sakin." Utos nya saka umakyat. Nakita kong pumasok sya sa isang kwarto. Kwarto nya ata.

Dinala ko naman 'yung mga libro nya at saka sumunod. Ako talaga pinadala eh 'no?

Pumasok din ako sa kwarto at ang lakeeeeeee. Ang laki ng kwarto nya. Huhuhu! Sala na kaya namin 'to! Waaaaaaah!

"Hintayin mo ko dito. Maliligo lang ako." Sabi nya saka pumasok sa isang pinto. Dun ata 'yung CR. Ang laki ng kwarto nya kaso puro black and white 'yung gamit. Bampira ba sya at ayaw nyang nasisinigan sya ng araw?

Umupo ako sa kama nya at ang bango mga bes!

Teka, naiihi ako.Pustpa!

"Mamang inglisero patapos ka na ba? Naiihi na kasi ako eh!" Sigaw ko pero mukhang hindi nya narinig. Ang lakas ba naman ng tubig. Tumayo ako at kakatok na sana ng biglang bumukas 'yung pintuan ng CR at tumambad sakin ang *gulp* six pack abs nya.Waaaaaaaah! Ang virgin eyes ko! Huhuhu!

"'Wag mong titigan 'yung abs ko, matunaw 'yan." Sabi nya at nakita ko syang ngumisi. Argh!

"Tse! Hindi ko 'yan tinitingnan 'no! Tabi nga at iihi na ako!" Sabi ko sakanya pero dahil napaka-clumsy ko, nadulas ako. Pinakiramdaman ko na ang pag-bagsak ko pero iba 'yung naramdaman ko, parang may kamay sa bewang ko. Dinilat ko 'yung mukha ko at nakita ko si mamang inglisero na nakangiti sakin.

Ang gwapooooooooo! Napalunok ako ng tatlong beses. Gosh! Ang gwapo nya pala 'no? Ha? Gwapo? Erase. Erase. Erase.

"Baka gusto mo nang tumayo, nangangalay na kasi ako eh." Sabi nya kaya agad akong tumayo.

"Tatayo na nga sana ako eh, naunahan mo lang ako." Pagdadahilan ko.

"Sus." Sabi nya saka tumawa. Pumasok na lang ako sa CR.

---------------

Nang makapasok na ako sa CR nya halos mapanganga ako sa sobrang ganda at laki. Parang umatras 'yung ihi ko.

Ang daya! Bakit ang laki ng CR nya? Eh, kwarto ko na nga 'to eh! Argh!

Lumabas na lang ako sa CR dahil nga nawala 'yung pagka-ihi ko.

"Oh, bilis mo ah?" Tanong ni mamang inglisero.

"Aaaaaaahhhhh! Bastoooooos! Rape! Rape!" Sigaw ko.

"Raaaaaaaaa-----mmmmm!" Hindi na ako makapag-salita ng maayos dahil tinakpan na nya 'yung bunganga ko.

"Can you please shut up, stupid? Don't shout!" Sabi nya pa.

"Mmmm---mmm!" Pagpipilit ko pa rin.

"Tatanggalin ko ang kamay ko sa bibig mo basta hindi ka mag-iingay, okay?" Tumango-tango ako.

"Waaaaaaaaah! Rape! Tuloooooong! Aaaaaahhhh! Rapist!" Sigaw ko saka nagtatatakbo sa loob ng kwarto nya. Nakita kong napasabunot sya sa buhok nya.

"I'm not a rapist, stupid! And do you really think that I'm going to rape you? Again, you're not se---" hindi ko na sya pinatapos.

"Oo na! Ako na! Ako na 'yung walang pwet! Ako na 'yung walang boobs! Ako na 'yung hindi sexy! Sorry ha? Eto lang kasi ako eh, payatot, stupid,at flat!" Pagda-drama ko. Paaaang!

"Dramatic stupid flat chested girl. Tch." bulong nya pero dinig ko.

"Sa susunod kung bubulong ka 'yung hindi ko dinig ha? Tsaka, pwede ba? Mag-damit ka!" Sigaw ko sa kanya. Inaakit kasi ako ng abs nya eh. Huhuhuhu! O tukso, layuan mo akoooooo!

"Ang init-init pagdadamitin mo 'ko? " Tanong nya. Naka-short lang kasi sya eh.'Yung pang-basketball na short tapos walang pantaas kaya bulgar na bulgar ang abs nya.

"Mainit kasi nga nakahubad ka!" Hala! Bat ko nasabi 'yun? Waaaaaah!

"Anong conne---ahhh, sorry ha? Hot ba ako masyado? HAHAHAHAHA!"

"Hot? Ikaw? Pwe! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Sigaw ko habang nakatalikod. Inaakit talaga ako ng six packs abs nya eh. Huhuhuhu!

"Ikaw nga nag-sabi nun eh. HAHAHAHA!" Happy talaga sya kapag inaasar ako 'no?

"Hoy! Wala akong sinabi! Hindi ka lang pala talaga idiot, bingi ka pa!"

Natahimik naman sya. Psh! Humarap ako at muntik na akong matumba. Nasa harapan ko na sya as in ang lapit! Pati 'yung abs nya ang lapit.Huhuhu!

"Don't stare at my abs like that."

"Hoy! Hindi ako nakatingin sa abs mo ha! Ang kapal mo talagang idiot ka!" Sigaw ko sa kanya habang nakaiwas ng tingin. 'Wag kang titingin sa abs nya, Clarisse. Wag na wag!

"Bat namumula ka?" Tanong nya.

"Ako? Namumula? Malamang may dugo ako!"

"Lumayo ka nga sakin, idiot!" Sigaw ko sa kanya pero lalo lang syang lumapit hanggang sa na-corner ako sa pader. Anong gagawin nya sakin?

"Pano kung ayoko?" Tanong nya saka ngumisi sabay tingin sa labi ko!

Waaaaaaaah! Heeeelp!