webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

12: Tutor Day

HER POV.

Kasalukuyan akong nakahawak sa cellphone ko at nag-babasa ng mga quotes ng biglang may nag-pop up na chat head. Pinindot ko 'yun at nakita ko ang message ng isang idiot.

Jackson Laerin:

I will pick you up tomorrow. 8:00 in the morning.

Eh? Bakit nya ako susunduin dito?

Sineen ko na lang. Napag-pasyahan kong matulog na dahil gabing-gabi na.

*K I N A B U K A S A N*

Good morning, Philippines! So, ngayon ay sabado kaya anong oras na ako nagising. Nagising lang ako dahil sa panaginip ko. Hinahabol daw ako ng mga killer clowns. Waaaaaah!

Teka, anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang oras. Ahh, 9:30 palang pala eh. Maaga pa.

Naka-puting sando lang ako at maikling short, kasi naman eh, minsan kahit gabi napaka-init! Masisisi nyo ba ako?

"Good morning, Mam---aaaaaaahhhhhhhhh!" Sigaw ko pagka-baba ko dahil nakita ko sa sala namin si mamang inglisero. Anong ginagawa nyan dito?!

"Clarisse! Ano ba naman 'yang suot mo! Mag-palit ka nga!" Sigaw sakin ni Mama.

"Pero ma---"

"Akyat!" At wala akong choice kundi umakyat. Hindi ko naman kasi alam na nandyan pala si mamang inglisero eh. Huhuhuhu! I'm innocent! I'm not guilty!

Nag-palit ako ng pajama at saka nag-long sleeves. Lamig eh 'no? Tss.

Bumaba na ulit ako saka dumiretso sa kusina. 'Di ko kakausapin 'yang lalaking 'yan! Manigas sya dyan!

"Anak, hindi mo naman sinabi sakin na may bisita ka palang darating, " Sabi ni mama saka sumulyap sakin na may halong pang-aasar. Tss. Baka kamo bwisita?

"Ma naman, schoolmate ko lang po 'yan!"

"Wala akong sinasabi~" umupo na lang ako saka kumain. Nang matapos na akong kumain ay aakyat na ulit sana ako sa taas pero pinandilatan ako ng mata ng magaling kong ina.

Hay, pumunta ako sa bwisita namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Diba sabi ko susunduin kita? Mukhang hindi mo naalala, stupid!" Aba't! Pati ba naman sa pamamahay ko tinatawag akong stupid neto?

"Hindi mo naman kasi sinabi ang dahilan kung bakit ka pupunta rito, idiot!" Hah! Gantihan lang 'to mga dre!

"Magpalit ka na at pupunta tayo sa bahay namin. Napag-paalam na kita kay Tita." Ano daw? Pupunta kami sa bahay nya atsaka anong tawag nya kay mama? Tita?

"Bat ako pupunta sa bahay nyo? Atsaka wag mongang tawaging tita ang mama ko, hindi ka nya pamangkin, okay?" Sabi ko sa kanya.

"Edi, mama na lang." Sabi nya saka ngumisi.

"Hindi ka nya anak." Sabi ko pa.

"Psh! Sige na, mag-bihis ka na." Sabi nya kaya nag-bihis na rin ako. Nag-white pants ako tsaka black v-neck. Madami akong v-neck, collection ko 'to eh. Share ko lang. Hehe.

Bumaba na ako after kong mag-bihis.

"Ma, qlis na po kami." Pagpapaalan ko kay Mama.

"O sige, mag-ingat ha? Jack, ikaw na ang bahala sa anak ko ha?" Eh? Bat sya? Eh, kaya ko naman sarili ko.

"Opo, Misis Grahams." sagot ni mamang inglisero.

"Nako! Diba sabi ko sayo,tawagin mo 'kong Tita?"

"Sabi po kasi ng anak nyo hindi nyo daw ako pamangkin." At nag-sumbong pa sya kay mama ha?

Tiningnan naman ako ni Mama ng pagka-sama-sama. Psh.

"Wag kang makinig sa anak ko, sakin ka makinig." Sabi ni Mama.

"Okay po, Tita." Sabi ni mamang inglisero saka ngumiti. Sumakay na kami sa kotse nya.

"Ano bang gagawin natin sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Gagawa ng baby. HAHAHAHAHAHAHAHA!" Aba't----!

"Bastos!" Sabi ko saka palo sa balikat nya.

"Joke lang, tutor day natin ngayon." Sagot nya.

"Hindi ko alam kung kailan ako um-oo na ngayon dapat ako mag-tutor sayo."

"Diba sabi mo ako ang bahala? O, edi ako ang bahala." Sabi nya saka nag-kibit-balikat. Inirapan ko na lang sya.

Maya-maya ay nakarating na kami sa isang bahay or should I say, mansyon! Ang laki! \(☆o☆)/

"Laway mo tumutulo. HAHAHAHA." Tiningnan ko kung totoo ang sinasabi nya pero wala naman talaga!

"Ha-ha, funny." Sarkastikong sabi ko.

"Bumaba ka na nga." Sabi nya. Napaka-gentleman talaga nya 'no? -_____-

"Psh! Eto na, idiot!"

At lumabas na ako sa kotse nya at tumambad sakin ang napakaraming maid. Ilan ba maids nila dito? Isang batalyon?

"Tara na." Sabi nya. Pinauna ko sya at sumusunod lang ako. Bawat dadaanan namin ay niyuyukuan kami ng mga maid este sya lang pala. Kala mo royalty eh. Panget naman! Psh!

Nang makapasok ako sa loob ng bahay este mansyon nila ay lalo akong namangha. Ang laki at sa tingin ko most of the materials used here was made of gold and silver. Ang yamaaaaan. Asawahin ko kaya 'to? Ay, juk lang.

"Hintayin mo 'ko dito, may kukunin lang ako sa kwarto." Sabi nya. Umupo naman ako sa white sofa nila. Ang ganda talaga.

"Your food, young lady."

"Ay, palaka ka!" Tiningnan ko 'yung isang maid na nag-salita at ang gondooooooo. Ang puti tapos ang laki ng future. Atsaka sexy. My goooosh! Kailangan ba kapag naging maid ka dito kailangan sexy?

"T-thank you." Sagot ko na lang. Atsaka ang sosyal ng 'young lady' ha? Iba!

Maya-maya ay binalikan na rin ako ni mamang inglisero. Buti pa sya binalikan ako, samantalang'yung iba kinalimutan na lang ako. Keh, bye.

"Let's start." Sabi nya.

At nagsimula na kami.