webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

14: First Kiss?

HER POV.

Palapit ng palapit 'yung gwapo nyang mukha sa mukha ko. Waaaaaah! Hahalikan ba nya ako? Tuloooooong! Pinikit ko na lang ang mga mata ko, baka sakaling makatulong.

"Do you really think that I'm going to kiss you? HAHAHAHA!" At dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko syang tawa ng tawa habang nakahawak sa tyan nya.

"Bwiset!" Nasabi ko na lang.

"Uy, disappointed. HAHAHAHA!" Sumimangot ako.

"Hindi 'no! Teka nga, nasan na 'yung fries? Gusto ko ng kumain eh!" Sabi ko. Inaantok na din kasi ako.

"Saglit lang, kunin ko lang. Dito ka lang ha?" Sabi nya.

"Oo, dito lang ako. Mahilig akong mag-stay kaya nga ako nasasaktan eh." Paghugot ko.

"Edi wow!"

"Sige na, dito lang ako." Sabi ko na lang saka umupo sa higaan nya at nag-cellphone. Narinig ko ang pag-sara ng pintuan kaya malamang lumabas na 'yun.

Ano bang magandang gawin maliban sa pagse-cellphone? Akitin ko kaya 'yun? Ay wag, bad 'yun. Hehe.

Tumayo ako at nag-lakad-lakad lang sa kwarto nya. Hanggang sa may makita akong painting ng blue dragon. Mahilig pala sya sa mga dragon? Nice naman! Nag-libot pa ako at muntik na akong matawa ng makakita ako ng stitch sa may cabinet nya. As in sobrang dami! Isang cabinet ng stitch eh. HAHAHAHAHA!

"Here's the frie---what the?!" At saka nya sinarado ang cabinet nya. Nandito na pala sya?

"Mahilig ka pala sa stitch? HAHAHAHAHA!" pang-aasar ko sa kanya.

"T-thats not m-mine!" Nauutal nyang sagot.

"Sus, bat ka nauutal?" Tanong ko pa.

"Fine, that's not mine.Sa kapatid ko 'yan!" Pag-tanggi nya pa rin.

"Huli ka na nga sa akto tumatanggi pa. Parang 'yung iba, nakita na ngang nanloloko sila tumatanggi pa." Pag-hugot ko ulit.

"Dramatic stupid!" Sabi nya.

"Childish idiot!" Sabi ko rin.

"Here's your fries!" Sabi nya sabay abot ng isang mangkok ng fries.Take note, malaki 'yung mangkok. Ayiieee.

"Thank you pooooo." At ginaya ko pa 'yung tono ng pagsasalita ni Chichay.

"Psh. Bababa lang ako." Sabi nya. Hindi ko na sya kinausap dahil nakain ako. Pero napansin kong nahihirapan syang buksan 'yung pinto. Bat kaya?

"Bakit?" Tanong ko.

"N-nothing." Sagot nya.

"Nothing? Pero parang hirap na hirap ka? Parang ako lang, kahit nahihirapan na, sasabihing no problem or I'm okay." Pagda-drama ko.

"Argh!" Sabi nya at inis na umupo sa tabi ko.

"Bakit nga kasi?" Tanong ko.

"Na-lock tayo." Cold nyang sabi.

"O? Ano naman kung---na-lock tayo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bingi? Tss." Na-lock kami? Hala! Paano ako makakauwi nito? Waaaaah! Baka magalit na naman sakin si Mama!