webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

11: New Friend

HER POV.

Kasalukuyan akong naka-upo sa may field. Nag-babasa ng libro. Ayaw ko kasi sa library eh, wala lang, ayaw ko lang.

"Hi Clarisse!"

"Ay taong walang mukha!" Kahapon pa may nanggugulat sakin ah. Jusko! 'Pag ako inatake dito,ewan ko na lang.

"Ano ka ba naman bes, meron pa naman akong mukha. Mukhang maganda." Sabi ng isang babae. Wow! Maka-bes ah? Kilala ko? Tinitigan ko ang babaeng nang-gulat sakin. Matangkad, maganda, mahaba ang itim nyang buhok, may bangs tapos malaki 'yung future. Hehe.

"Bes, wag mo 'kong tunawin. Wala ka ng makikitang kasing-ganda ko." Ay, ang hangin ni ate.

Tiningnan ko lang ulit sya saglit at saka nag-basa ulit ng libro.

"Ay, ini-snob ang beauty ko. By the way,I'm Jennifer Hwang." Sabi nya saka abot ng kanang kamay nya sakin.

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko. I don't want to be rude pero kasi, nilalapitan lang naman ako ng mga tao kapag may kailangan sila sakin eh. Diba nga kasi, wala akong kaibigan sa University na 'to?

"Ay, grabe si atii. Gusto ko lang makipag-kaibigan." Sabi nya habang naka-ngiti. Tiningnan ko lang sya.

"Okay, I will explain it to you. Nakita ko 'yung video na nag-away kayo ni JL and honestly,na-astigan ako sa'yo nun! Ikaw pa lang kasi ang babaeng kumalaban sa kanya nang ganun eh atsaka nung binastos ka nya? Grabe! Lalong lumalim 'yung pag-hanga ko sayo. You're different. You're one of a kind. You're unique." Sabi nya at parang kumikislap-kislap pa 'yung mga mata nya. Pero teka? Sino si JL?

"I'm sorry, Jennifer but who's JL? I mean, wala naman akong kakilalang ganon." Tanong ko. Nakita ko kung pano lumaki ang mga mata nya.

"Seryoso?! Hindi mo kilala si JL?! Hindi mo kilala 'yung binangga mo?!" Sigaw nya. Okay, masyado ng O.A

"That's why I'm asking you." Pambabara ko sa kanya.

"Okay, si JL, 'yung nakaaway mo sa canteen, nambastos sayo." Sabi nya na para bang pinapaalala sakin ang mga nabanggit nya. Si mamang inglisero lang naman naka-away ko dito eh.

"I'm really sorry, I don't know him. Ang alam ko lang na naka-away ko dito ay si mamang inglisero. 'Yung anak ng may-ari ng school na'to." Sagot ko.

"Si JL nga!" Sigaw nya pero hindi naman pagalit.

"Panong naging JL 'yun?" Tanong ko.

"JL short for Jackson Laerin." Ay? Oo nga pala, Jackson nga pala pangalan ng lalaking 'yun. Nakalimutan ko.

"Ahh, sya pala. Nakalimutan ko kasi pangalan nya eh." Pagtatapat ko.

"Kakaiba ka talaga." Sabi nya habang nakatitig sakin. Tomboy ba 'to?

"Tomboy ka ba? "

"No, I'm not. Sa ganda kong 'to? No way! Nagagandahan lang talaga ako sayo." Ako? Maganda?

"Nice joke." Seryosong sabi ko.

"But I'm not joking, you're pretty. Maganda ka,simple nga lang 'yung ganda mo. Atsaka natatakpan sya ng nakakatakot mong aura."

Weh? Nakakatakot ang aura ko?

"I don't mean to say that, Clarisse but that's true. Astig ka at maangas at 'yun ang nakakatakip sa ganda mo. Try to be girly. Try to be confident." Sabi nya pa.

"No, thanks. I don't have time for that." Sabi ko at sinarado ang libroko saka tumayo at aalis na sana kaso napahinto ako sa sinabi nya.

"I'm here to inform you that fangirls of JL are there waiting for you. They want to slap and destroy your pretty face."

"What?! But why?! What did I do again?!" tanong ko.

"May kumakalat kasi na chismis na may relasyon kayo ni JL dahil sa isang picture na pinakalat ng isang estudyante dito sa L.U! "

Napabalik naman ako sa pag-upo dahil sa sinabi ni Jennifer.

"What? Anong picture? " shetay bumbay naman oh.

"Wait, nasa cellphone ko 'yon, eh, " sabi n'ya saka kinalkal ang cellphone n'ya. Dahil nakasilip ako ng kaunti ay nakita ko kung sino ang wallpaper n'ya.

Pfft. Si kuya 'yong wallpaper n'ya? Yuck, ang pange-panget ni kuya, eh.

"Here, " sabi n'ya saka inabot sa 'kin ang phone n'ya. Tiningnan ko 'yong picture at nanlaki ang mata ko. Those pictures were taken yesterday.

'Yong unang picture ay 'yong nakaupo sa bench si Jackson at nakahawak sa kamay ko na para bang pinipigilan ako. 'Yong second picture naman ay 'yong nakain kami ng ice cream. And the last picture ay 'yong hinatid n'ya ako sa bahay.

"What the hell? Pati ba naman 'to ay bibigyan nila ng malisya? Unbelievable! " sambit ko. Isinauli ko na kay Jen 'yong phone n'ya at sa totoo lang nafu-frustrate na ako.

"'Wag mong nila-lang 'yon, girl. Did you know na ikaw lang ang lalaking hinawakan ni JL sa kamay, sinamahan kumain ng uce cream at hinatid sa bahay? So, definitely, big deal talaga 'yon sa mga fangirls n'ya, "

Napabuga naman ako sa hangin ng dahil sa sinabi ni Jennifer.

"Wala naman akong pake sa pesteng lalaking 'yon, eh! Kung gusto nila, itali nila sa leeg nila 'yong Jackson na 'yon! " galit na singhal ko. Nakakainis talaga!

"Galit na galit, girl, but anyway, you're right. Obsess na obsess ba naman kay JL ang mga babaeng 'yon, " I couldn't agree mo. Tama s'ya, mga patay na patay ang mga babaeng 'yon kay Jackson napaka-panget naman ng ugali. Tss.

"Anyway, kaano-ano mo pala si Joshua Grahams? Same kasi kayo ng surname, kaya naisip ko na related kayo sa isa't-isa, " napatingin naman ako sa kanya at unti-unting nawala ang inis ko. Shet, napansin n'ya pa 'yong pagkakapareho namin ng apelyido ni Kuya?

"Ahh, magka-surname lang kami. Eh, ikaw? Kaano-ano mo 'yon? Nakita ko kasi sa phone mo na wallpaper mo s'ya, eh. Are you his girlfriend? " tanong ko. Well, kung s'ya nga ang girlfriend ng kuya ko, pasado na s'ya sa 'kin.

"Soon, girl, " kindat n'ya sa 'kin. Napakunot naman ang noo ko.

"Why? Nililigawan ka ba n'ya? "

"Nope. Ako ang nanliligaw sa kanya, hehehehe, " sagot n'ya sa 'kin saka ako binigyan ng malapad na ngiti.

Sa ganda n'yang 'yan, s'ya pa ang nanliligaw kay kuya? Ang panget-panget naman no'n.

"Ah, Jennifer, una na ako sa'yo ha? May klase pa ako, eh, thanks, " pagpapaalam ko sa kanya. Baka kasi mabuko pa ako nito na kapatid ko 'yong nililigawan n'ya.

"Friends na ba tayo? "

Hmmm, friends na nga ba kami? Sige na nga.

"Yeah, sure, nice meeting you, Jennifer, " sagot ko.

"Yiee, nice meeting you, too, Clarisse! " masayang sabi n'ya. Ako naman ay nagsimula nang maglakad papunta sa building namin. At habang naglalakad ako ay nakasalubong ko 'yong mokong na dahilan kung ba't galit na galit sa 'kin ang mga babae.

"Hey, stupid woman, " kunot-noo ko naman s'yang tiningnan.

"Anong kailangan mo, idiot? "

"Nakausap ko si Sir Arman, nasabi n'ya sa'kin na ikaw ang magtututor sa 'kin sa Araling Panlipunan. So, kailan tayo mags-start? " shems, oo nga pala, pumayag ako do'n sa tutor tutor na 'yan. Argh.

"Ikaw kung kelan mo gusto, sabihan mo lang ako, " sagot ko saka s'ya nilagpasan.