webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 6

Masaya ang araw ngayon kasama ko si Sam at Nico, may mga both kasi na gawa ng mga freshman.

Ewan ko ba kung bakit ang sasaya ng ibang course,eh dito samin para na kaming nasa sementeryo sa sobrang tahimik ng mga tao dito.

" Gusto mo?." tanong ni Nico habang nakatingin sa cotton candy

ngumiti naman ako at tumango.

Masyado na si Nico naging close sakin, pinabayaan ko naman nalang siya basta ako sinabi kuna sakanya kung ano ako. Kung aasa siya hindi kuna kasalanan yon 'siya na ang may kasalan non.

Nang mabilhan niya ko ng cotton candy ay agad na inagaw to ni Sam sakanya at kinain. Nakataaas ang kilay ko na nakatingin kay Sam habang siya ay sarap na sarao sa pagkain ng cotton candy.

Aburido naman ang mukha ni Nico dahil ginawa ni Sam.

" Salamat dito ang sarap naman, Tara na puntahan na natin sila Lou at Alli siguradong matutuwa sila pagnapuntahan nila ang mga booth dito" masayang sabi ni Sam sa amin.

Haiss napabuntong hininga nalang ako at sumunod nalang kay Sam sa paglalakad. Pumunta na kami sa classroom walang tao ruon maliban kay Lourdes at  Alli.

" Hi mga te." ngiting bati sa dalawa..

 

Napatingin naman ako kay Lourdes na seryosong nakatingin sa cellphone na hawakgawak niya. Dumapo ang seryosong tingin niya sa akin na pinagtaka ko.

" Teka ano bang ginagawa niyo?." ngiting tanong ko sakanila at lumapit sa kanila.

" Jen." nakaismid ang mukha ni Alli ng sabihin niya ang pangalan ko " Pwede mo bang maipaliwanag sa amin ito." kinuha niya ang cellphone ni Lourdes at nilapag sa lamesa.

Si Lourdes naman ay kunot ang noong napaiwas sa akin, agad kong kinuha yung phone at tinignan ito.

Impusible!

Napatingin ako kay Lourdes at kay Alli, bakit may litrato sila ng diary ko. Nakakunot ang noo nila at hinihintay ang isasagot ko.

" Teka ano bang nangyayare patingin nga." inagaw ni Sam sa akin ang cellphone nahawak ko kaya't napatingin ako sakanya.

Kitang kita ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Sam dahil.sa mga nabasa niya sa litrato.

" Jen?." taka siyang napatingin sa akin.

" Saan niyo nakuha to?." tanong ko sa kanila, magdadahilan pa sana ako ng sumagot na si Lourdes.

" Kabisado ko ang hand writing mo Jenica huwag muna subukang mag-dahilan pa." sagot ni Lourdes sa akin, para akong parehong binuhusan ng malamig at kumukulong tubig sa kinatatayuan ko.

" Totoo ba ang mga nakasulat dito? May gusto kay Lourdes?." tanong sa akin ni Alli.

Napanganga ko ng marinig ko sa bibig ni Alli ang mga katanungan na iyon. Napatingin ako kay Nico pero tanging iling lang ang sagot niya sakin, alam kong hindi naman alam ni Nico na ang babaeng gusto ko ay si Lourdes at hindi niya makukuhanan ang diary ko.

" Ma-g p-apaliwanag ako-." utal na sabi ko sa kanila " Lourdes lets me explain." tinangka ko pang hawak si Lourdes but she slapped my hand.

" Don't touch me.." umiwas siya ng tingin sakin na tila ba ay nakakadiri akong nilalang.

Napasinghap ako at pilit na tinatagan ang aking sarili, pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak na ang luha ko.

" Wala ka na dapat na ipaliwanag sa akin, nandyan na sa litrato ang kasagutan Jenica kaya ano pang ipapaliwanag mo." kita sa mata ni Lourdes ang pandidiri at pagkamuhi sa akin.

Napaatras ako sa aking ko sa aking kinatayayuan ko, hindi ko napigilan na ang pagbagsak ng luha ko kaya ko napayuko.

" Jen." nag-aalalang hinawakan ni Sam ang balikat ko.

" O-okay lang ako, mauna na muna ko." pilit akong ngumiti at nag simulang maglakad palabas ng silid.

Halos pagtinginan ako ng mga estudyante dahil sa itsura ko, may iilan rin estudyante na nabangga ko.

Gulong-gulong ang isipan ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko.

" Nakakahiya ka, nakakadiri ka." bulong ko sa aking sarili, nakikita ko parin at naririnig sa aking tenga ang mga sinabi sa akin ni Lourdes.

Sobrang sakit na marinig iyon sa taong gusto mo. I can't help but to cry wala kong paki-elam kung may makarinig sa akin rito.

Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

" Pusible kayang." napatayo ako sa aking pagkakaupo ng magka-ideya na ako kung sino ang may gawa nito.

Binuksan ang  pintuan ng storage room at bumungad sa akin si Evee.

" Jennica." kita ang pagtataka sa mukha niya dahil siguro sa itsura ko.

" Oh Evee." pilit akong nguniti sakanya at inayos ang sarili ko, pinahid ko pa ng kamay ko ang mga luha ko sa mukha.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

" Why are you crying?." nagaalalang tanon niya sa akin.

" Ah wala." napaiwas ako Evee ng tingin at napayuko.

Nakakahiya na makita niya kong ganto. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko sa sarili ko.

" No you're not okay. Tell me what happened?." tanong niya ulit sa akin.

Taksil ang mga luha ko na bigla na namang bumagsak sa mga pisngi ko. Mabilis pa segundo na niyayakap ako Ni Evee.

" Shh. Huwag muna sabihin okay. It's alright." pagpapatahan ni Evee sa akin.

Ito ang unang pagkakataon na umiyak ako sa balikat ng isang tao. I'm always strong hindi dapat nila ako nakikitang ganto.

" Hahatid na kita." humiwalay ito ng bahagya sa akin at hinawakan ang kamay ko, kinuha niya ang kanyang panyo at binigay sa akin.

Alanganin ko yon naman kinuha ang panyo na inabot niya, sa point na to ay hindi na ko tumanggi saknya at nagpahatid na lang ako sa bahay.

" Salamat." ngiting saad ko kay Evee pagkarating namin sa harap ng aking bahay.

" Nah!. Just  give me your phone." utos ni Evee sa akin, kahit nagtataka ay binigay kuna kay Evee ang cellphone ko.

Nagtipa siya ruon at kung ano ang ginawa niya hindi ko alam.

" Call mo lang ako kung may kailangan ka papaalam kita sa mga professor mo, I advice huwag ka muna pumasok ngayon." ngiting mungkahi ni Eve sa akin.

" Maraming salamat talaga Evee" i smiled tiredly to her bago pumasok sa loob ng bahay.

" Oh nak nandyan kana." ngiting salubong sakin ni Mama.

" Tulog na ko Mama." umakyat na ko sa hagdan at dumiretso sa aking kwarto.

Nang makapasok sa aking kwarto ay kusang bumagsak nalang ang mga tuhod ko sa sahig. My tears start to fall again and again.

Hindi matapos tapos itong pag-iyak ko. Bakit ikaw pa kaso Lourdes.

Kinuha ko ang diary ko sa vault at pinasadahan ito ng tingin. Sa sobrang inis ko ay pinagpupunit ang pahina ng diary ko at tinapon ko sa basurahan.

" Russel.."

Siya lang ang tingin kong na gagawa non.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, sinadya kong lumiban muna sa klase para puntahan ang babaeng iyon. Pagkabukas ng pinto ng kanyang    condo unit ay agad ko siyang sinalubong.

" Oh bess baki-." hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng salubungin ng kamao ko ang pisngi ni Russel.

" Bakit!! Bakit HAAAAA!" sinapak ko pa uli ang mukha ni Russel ng paulit ulit, ramdam ko rin ang sakit ng kamao ko sa tigas ng mukha ng isang to.

Bigla naman tumawa si Russel na kinatigil ko sa pagsuntok sa kanya.

" Hindi mo ba nagustuhan ako na ang nagsabi saknya, hindi ka nalang magpadalamat sakin. Kung hindi dahil sakin ay matagal mo nalang kikimkimin ang sakit dyan sa puso m.! " tinulak niya ko kaya siya ngayon ang nasa-ibabaw ko agad niya kong sinampal sa mukha.

" Para yan sa pag-sapak mo sakin!." ngumiti siya ng nakakaloko sakin at sinampal muli ako, para kong nagising ako sa lakas ng sampal niya sa mukha ko.

" Para yan sa ginawa mong pang iiwan sakin dati." mas malakas ang aumunod niya sampal sakin " Para naman yan sa hindi mo pag-papakatotoo sa sarili mo dahil dyan nasasaktan ka.. Let them see kung ano ka talaga! Masasaktan kalang.. Masasaktan kalang sa ginagawa mo!." sigaw niya sa akin ni Russel.

Malakas ko siyang tinulak at tumayo ako sapu-sapo ko ang namumula kong pisngi. Napansin ko rin ang maliit na sugat sa gilid ng aking labi.

Ngayon ko lang naalala na malakas manampal ang isang to.

" Huwag kang mangi-elam sa buhay ko." inis kong saad kay Russel.

Ngiting bumangon lang ito at ngiwing tumingin sa akin.

" Hahahah balang araw. magpapasalamat ka sakin Jenica." ngiti ni Russel sa akin..

" Kahit kailan hindi ako magpapasalamat sayo." wala na akong mapapala sakanya kaya napagpasyahan kunang umalis sa condo unit na tinutuluyan niya at umuwi sa bahay.

Pag-kauwi ko sa bahay ay agad akong nag babad sa bathub napaisip ako sa mga sinabi sakin ni Russel. Napasabunot ako sa aking buhok bago  umahon sa tubig para magbihis.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba ako sa sala nanduon si Mama at nanunuod lang ng TV.

" Ma." tumabi ako kay Mama sa sofa.

" Ano nak?." hininaan niya ng konti ang tv para marinig ako.

" Pwede po ba tayong mag usap?." tanong ko sakanya..

"Oo nak." ngiting sagot si Mama bago pinatay ang tv at humarap sa akin.

" Ano ba yon nak, nahahalata ko na parang hindi muna inaalagaan ang sarili mo ah." hinawakan ni Mama yung pisngi ko.

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mga mata ko, nakita kong nagulat si Mama ng makita niya kong umiiyak kaya agad ko yung pinahid.

" Mukhang mabigat ang nararamdaman mo ano ba yung sasabihin mo? Makikinig ako." nag-aalang saad ni Mama sa akin.

" Alam ko sa sasabihin ko Ma-alam kong madidismaya kayo sakin." umiwas ako ng tingin saknya.

" Ano iyon?." sumeryoso ang tono ng boses ni Mama.

" Ma-I'm- I'm ..Gay. Sorry Ma, alam ko nakakadiri ako.. alam kong hindi ako tanggap sa mundong to pero-."

Napatigil ako ng yakapin ako ng mahigpit ni Mama, ramdam ko ang pagmamahal ng ina ko sa paraan ng payakap niya sa akin.

" Bakit ngayon mo lang sinabi, Hindi naman nandidiri o galit si Mama sayo." umalis ng yakip sa akin si Mama at hunarap sa akin.

" Tanggap kita anak at alam kong tanggap ka ni Papa mo kung nasaan man siya ngayon."napaiyak naman ako lalo ng malaman kong tanggap ako ni Mama

Medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

" Nak may nagugustuhan kana ba?." tanong nito sakin takang tanong sa akin ni Mama.

Tumango naman ako at ngumiti ng mapait sakanya.

" Kaso hindi niya ko gusto." ngiting saad ko kahit may luha patuloy na bumagsak sa kabilang mata ko.

" Hais may tao talaga ganon nak. huwag mong pilitin ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto.. Okay?."

Tumango ulit ako kay Mama.

" Sino ba yon?." takang tanong ni Mama sakin.

Napasinghap ako ng hangin at nahihiyang tumingin kay Mama.

" Si Des." umiwas ako kay Mama.

" Teka nak bakit si Des pa?" gulat na tanong ni Mama sa akin. Halata ang panghihinayang niya sa sinabi ko.

" Hindi ko din alam Ma." naguguluhan na umiling ako sakanya.

" Alam niya na ba to?." seryosong tanong niya sa akin, tumango naman ako saknya muli.

" Tapos?." Mama.

" Nagalit-siya sakin." yumuko ako dahil sa kahihiyan.

" Hays. Alam mo naman homophobic ang kaibigan mo. Pabiyaan mo at makaka-move on ka din ka rin" ngiting sabi ni Mama.

" Ma naman!." singhal ko kay Mama, nagawa niya pa akong asarin.

" Mamaya kana mag drama kain muna tayo! Yung babaeng para sayo makikilala mo rin Soon." kinurot niya ko sa tenga ko at tumayo na sa sofa.

Napangiti naman ako at napatingin kay Mama,  kahit papaano may nangyare din na maganda.