webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 5

Nakatulala lang ako sa bintana ng classroom habang iniisip yung ginawa ko nung nakaraang dalawang linggo. Hindi ako makaget-over.

Nakalipas na ang dalawang linggo pero yun padin ang nasa isip ko.

Nakakainis!!!

" May problema ka ba?." napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko at napatitig sakanya.

Si Lourdes West.

"A..hm wala wala." ngiting sabi ko sakanya bago napaiwas sa kanya.

" Madalas ka kasing tulala baka mamaya ay ginugutom mo na naman yang sarili mo ah, Nako Jennica umayos ka " sita niya sakin.

" Hindi ah." ngiting iling ko kay Lourdes.

" Siguraduhin mo lang susumbong kita kay Tita." pagbabanta niya sa akin.

Ito talaga ang klase ng banta na pinakakaayaw ko. Walang sumbungan sa parents!

" Ha. ha. ha Des I'm Scared." sarkastiko kong tawa.

Bigla naman niyang tinaas ang kilay niya at nilapit ang mukha niya sakin. Napaatras ako at napatingin sa labi mapupula niyang labi.

Bakit dyan ka agad nakatingin?!!!!

Omayghaddd!

" Kelan ka pa natuto niyan?." tanong niya Lourdes sa akin.

Napatingin ako sa light brown niyang mga mata bago siya iwasan.

" Wala..wala.. Sabi ko nga-Baka gutom lang ako-kakain na ko." tumayo na ko at nag madaling naglakad para lumayo sakanya.

Nakakainis talaga!

Napahawak ako dibdib ko at halos malukot ang suot kong uniporme.

Aishhh..

" Ah Miss." napatingin ako sa lalaking humarang sa akin.

" Bakit?." takang tanong ko sakanya sabay tanggal sa kamay ko na nasa dibdib ko.

" Ahmm! Im Nico pala hehehe." inabot niya sakin ang isang kamay niya.

Agad ko naman yong inabot rin, hindi naman ako supladang tao.

" Im Jenica." ngiting pakilala ko sakanya.

" I know po-Ahm kasi Ms. Jennica." halatang nahihiya si Nico sa akin.

Teka bakit ba siya nahihiya sa akin?

" Para sayo po!." napatingin ako sa isang kamay niya na nilabas niya sa kanyang likuran, meron hawak na rosas iyon.

" Ah." akin lang reaksyon.

" Gusto kita.." narinig ko naman ang kanchawan ng mga law students na nasa pasilyo.

" Oy tanggapin muna Ms. Tokio!."

" Yey..!"

" Witwewww lakas ng loob ni Nico!."

Napatingin ako kay Nico na naghihintay lang na kunin ko yung rosas sa kamay niya. Wala sana kong balak kunin ang rosas na iyon nang makita ko sila sa likod ni Nico.

Nakatingin sa gawi ko si Lourdes, Alli at Sam, mukhang hinihintay nila ang gagawin ko kaya wala na kong nagawa at kinuha na iyon. 

" Salamat." pilit na ngiting saad ko kay  Nico.

Kita ang pamumula sa mukha ni Nico ng abutin ko ang rosas na kanyang binigay.

" Wow may nanliligaw na pala sa bunso namin." sabat ni Alli at inakbayan si Nico.

Kita naman ang kaba sa mukha ni Nico ng makita niya ang tatlo kong kaibigan.

" Alli naman." sita ko sakanya.

" Yun oh, may suitor na siya Lou." sabi ni Sam kay Lourdes.

Napatingin ako kay Lourdes, nakangiti lang ito sa akin bakas sa kanyang mukha na gusto ang mga nangyari.

Pagkatapos ng confession ni Nico sa akin ay lagi na nila akong pinupush sakanya.

" Mabait at matalino si Nico. Saan ka pa medyo nerd nga lang ." pakikisawsaw ni Sam.

" At higit sa lahat.. lalake." sabat ni Lourdes.

" Napaka-homophobic mo talaga Des. " nakataas ang kilay na sabi ni Alli sa kanya.

Hindi ko rin inaasahan na sasagutin ni Alli si Lourdes ng ganon. Sa tropa sila lang dalawa may karapatan na magsagutan, ewan ko kung bakit? Magkasing edad si Alli and Lourdes samantalang mas matanda sa akin ng buwan si Sam.

" Bakit hindi mo itry." sabi ni Sam kay Alli.

" Bakit hindi ikaw ang mag try." inis na saad ni Alli kay Sam.

Hay nako mag aaway na naman ang mga to kaya umalis na muna ko para magpahangin. Hahanapin ko rin si Nico dahil may lilinawin ako sakanya.

Maslala lang to kung papaasahin ko pa si Nico dahil ko naman siya gusto.

Dapat matigil na ang kalokohan na to.

" Sumama ka sakin." pinasok ko sa klase nila si Nico kaya nag sigawan yung mga kaklase niya.

Sa gulat? O sa kilig?

Bahala sila dyan.

" Jenica." gulat na sabi ni Nico sa pangalan ko.

" Manahimik ka." seryosong saad ko sakanya at hinila ko siya papalabas ng kanilang silid, mabuti na lamang wala si Professor.

Hila hila ko si Nico habang nag-lalakad kami sa corridor pinag-titinginan na kami ng mga estudyante at hindi na nakakatuwa yon. Idagdag mo pa na nakasalubong namin ang mga kaibigan ko 'bakas sa kanila ang pagtataka.

" Oh anong nangyayare?." tanong ni Sam sa akin.

Sa halip na sagutin ay hindi ko sila pinansin at nilagpasan nalang. Dinala ko si Nico sa likod building at malakas itong dinikit sa pader, tumunog ang kamay ko ng lumapat ito sa gilid ng ulo niya.

" Ah... M..iss. Jenica.." kinakabahan na sabi ni Nico sa akin.

" Nico." napa-singhap ako ng hangin at kinalma ang sarili ko.

" Bakit po?." tanong niya.

" I'm sorry Nico-pero pwede ba itigil muna ang panliligaw mo sakin. Sorry talaga." napaiwas ako ng tingin sakanya at napatingin sa baba.

Ayaw ko makita ang nakakaawa niyang mukha.

" Bakit?? panget ako?." tanong niya sa akin.

" No! Your not, you're handsome actually.. pero kasi ano." napatigil ako ng bigla niya kong yakapin.

Medyo na irita ko dahil nakalapat ang katawan ko sa katawan niya.

" Teka!." tinulak ko siya dahilan para sumobsob siya sa lupa agad ko siyang kinwelyuhan.

" Hindi kita Nico gusto dahil sa itsura mo kundi dahil-." napahinga ako nang malalim.

" Ano?" tanong ni Nico sa akin, bigla naman akong nanlambot ng makita ko siyang umiiyak.

Binitawan ko ang kwelyo niya at medyo lumayo kay Nico.

" Im sorry." pinunasan ko ng mga daliri ko ang luha nito sa pisngi.

Tinulungan ko siya na umupo at pumuntay ako ng upo sakanya.

" Promise me Nico na pag-narinig mo tong dahilan ko ay di mo pagsasabi sa iba " sabi ko sakanya.

Tumango naman siya sakin habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

" I don't like---boys." nakagat ko ang pang ibaba kong labi ko.

Kita sa mukha ni Nico ang gulat dahil sa sinabi ko.

" Does that mean you are a lesbian?." takang tanong niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim bago napatango.

" Yeah, a Femme." napalunok ako dahil sa kama, sakanya ko pa talaga unang na-amin ang lahat.

" Aish." napahawak si Nico sa ulo niya " Pero hindi ka ba pwede magkagusto sakin?." tanong niya ulit sa akin.

Tanging iling lang naman ang sagot ko sakanya, panandalian tumahimik ang paligid dahil duon.

" Kung hindi lang ako ganto marahil gugustuhin kita pero iba. Hindi ako yon-ito ako. I'm sorry Nico." nakayuko kong saad sakanya.

I feel sorry for him. Ang ginawa niya lang naman ay gustuhin ako pero nasaktan pa siya.

" Hais. Oo na." tumayo naman siya kaya napatingala ako saknya.

" Salamat."ngiting saad ko saknya.

" Ako lang ba ang may alam?."  tanong ni Nico sa akin habang pinapag-pag ang damit niya.

" Oo." sagot ko sakanya bago tumayo.

" Let me protect your secret, siguradong madaming maghihinala sayo rito sa university dahil wala ka pang nagiging boyfriend kaya kung hahayaan mo Jenica  willing akong magpanggap na suitor. Sa ganun paraan makakabawi ka sakin."

Napanganga naman ako sa sinabi ni Nico. Ayaw niya talaga mag-paawat! Pakshit na malagkit!.

~

" Mukha kang hindi na makapagfocus sa pag-aaral mo nak. May nangyari ba?." tanong ni Mama sa akin.

Natingala naman ako kay Mama at pilit siya nginitian.

" Wala Ma ayos lang." ngiting sagot ko kay Mama saka pinag-patuloy ang pagsusulat ko sa notebook.

Iba't ibang libro ang nasa aking lamesa at lahat ng yon kalilangan kong aralin. Jusko ito talaga magiging cause ng kamatayan ko.

" Relax your brain nak. Kelangan din magpahinga niyan kung hindi na kaya huwag pilitin." ngiti paalala sa akin ni Mama saka hinalikan ako sa aking ulunan.

Napagpasyahan ko munang magpahinga dahil sumasama na rin an pakiramdam ko. I open my phone to visit my social media account.

Yung group chat naming apat inaamag na wala man lang kachat-chat 'yung huling message nung nakaraang buwan pa. Naisipan ko naman na buhayin iyon baka maisalba pa.

Jennica Tokio: Nagreview na kayo?

Tanong ko sa kanila, naghintay lang ako ng ilang minuto ay na agad na naseen na nila ang message ko.

Samanta Touma: Matic na hindi nakapagreview. Hezhezhezhez. Lourdes ah lamna bukas.

Lourdes West: *Sent thumbs up*

Samantha Touma: Omaygash kaya ang labidabs kita eh!.

Allison Florence: Mahiya ka naman magreview ka rin.

Samantha Touma: Mahiya ka rin, huwag kang pa epal usapan na namin to nung nakaraan harharhar.

Nagtipa naman ako ng isasagot sa kanila ng magmessage si Lourdes.

Lourdes West: How's your relationship with Nico?

Ano nga ba? Mukha pa ngang niblock mail ako ni Nico para mapapayag sa palabas na gusto niya.

Jennica Tokio: Ayos lang lumalabas labas kami haha.

Dalawang tawa lang talaga dahil hindi nakakatuwa. Huhuhu.

Samantha Touma: May pag-asa ba si Nico sayo Jen?

Napaisip akonsa tanong ni Samantha sa akin. Syempre wala siyang pag-asa sakin Bes! Matic na yon!

Jennica Tokio: Meron siguro.. Tignan natin diba.

Napabuntong hininga ako at pinatay nalang bigla ang cellphone ko. Napatingin ako sa kisame at napaisip ng malalim, hindi ko na alam ang takbo ng buhay ko.