webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 7

" This is your exam kindly distribute it Miss West."

Wala na kong maintindihan sa Prof ko dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa likod ni Des. Tahimik siyang nakininig sa prof namin, napasunod ang tingin ko sakanya ng tumayo siya at kinuha sa unahan yung examination paper.

Agad naman akong nag-hintay na lumapit siya sakin, inisa-isa niyang binigay ang mga papel sa iba pa naming mga kaklase.

Napatigil ito at agad na binaba ang papel sa harapan ko.

" De-." hahawakan kuna sana ang braso niya ng agad siyang tumalikod sa akin at humarap sa iba pa naming kaklase para bigyan ng test paper.

Nabawi ko ang kamay ko na hahawakan sana ang braso niya, napalingon ito sa kin na tila ba blangko ang ekspresyon. Napalunok ako at umiling nalang sakanya  humarap nalang ako sa papel na sasagutan ko.

Matapos ang distribution ay nagsimula na kaming magsagot ng mga question, puro computation ang identification ang nakita ko marahil ay taxation tong sinasagutan namin..

Napaka basic buti nalang at nag review ako. Nakakasigurado akong makakapasa ako sa subject na ito ng walang kahirap-hirap.

Crack.

⊙︿⊙

Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa naputol ko na lapis.

" Shit." mahinang mura ko.

Napatingin akon sa paligid lahat sila ay nakayuko at tahimik na nagsasagot ng kanilang mga papel. 

Sobrang layo ng upuan ko kaynila Alli at Sam. Bat ba kasi dalawang dipa ang layo ng upuan namin sa isat-isa.

No choice ako.

" Des.." bulong ko pero hindi niya ko ata marinig kaya paulit ulit ko siyang tinawag.

"Ms. Tokio may problema ba?." tanong sakin ng aming Prof, napatingin naman sila sakin..

Sa hiya ko ay napailing nalang ako at napatingin nalang aking papel. Bakit ba kasi wala kong pantasa!

Sa sobrang gigil ko ay nabali yung mongol 2 sa kamay ko at tumama lang naman yung matulis na parte sa palad ko.  

" A..ray." napayuko ako at napasubsob sa desk ko, agad ko namang nilagay sa ilalim ng desk ko ang kamay ko para itago.

" Okay class pass your paper! " ngiwi pa akong napatingin sa professor namin ng sumigaw ito.

Pinasa na namin ang test paper sa lamesa mismo ng professor namin, medyo nagpahuli pa ko para isingit ang papel sa gitna.

Nakakahiya out of 50. 24 lang ang nasagutan ko dahil sa pesteng lapis na to. 

" Okay yung result kinabukasan niyo malalaman, Class dismiss." pag-ka dismiss ng klase ay umingay sila bigla, pinag usapan nila yung mga sagot sa exam.

" Ikaw nakasagot kaba?." boses un ni Sam kaya napatingin ako saknya, ngumiti ako at tumayo sa aking kinauupuan.

" Oo." pag sisinungaling ko " Teka lalabas muna ko." ngiting saad ko at kinuyom ang kamao ko.

Nag-lakad na ko papalis ng building namin para pumunta sa open washing area sa school ground. Ewan ko kung bakit wala kaming sariling banyo sa building namin.

"Ar...ayyyy.." kinuha ko pa ang maliit na matulis na kahoy na natusok padin sa palad ko. 

" Oy." napatingin naman ako sa nag-salita.

Si Evee na naman!.

" Evee." pilit akong ngumiti sakanya.

" Anong ginagawa mo? bakit ka nandito?." sunod sunod na tanong niya sa akin.

" Teka ano yan?" kinuha ni Evee ang kamay ko nakalagay sa Sinknat tinignan " Bat ka may sugat sa palad? " striktong tanong niya sa akin.

" Teka saglit lang ha! Huwag sunod sunod ang tanong. Nabali kasi ung lapis ko kaya ayan." sabi ko at ngiwing napatingin sa kamay ko na may sugat.

Napabuntong hininga naman si Evee.

" Tara gamutin natin." lumipat sa braso ang kamay niya at hinila nalamang ako.

Na- pahila nalang ako saknya at dinala lang naman niya ko sa clinic. 

Lugar na pinakaka-ayawan ko sa buong campus.

" Ahm pwede pong makihiram nito,nito at ito." napangangaako sa ginawa niya ni Evee, nagpaalam siya sa Clinic Nurse namin pero kinuha niya muna yung mga gamit sa lagayan.

" Ah sige po Ms. Velasquez." Ngiting sagot ng Nurse sakanya.

Napakalakas naman dis ghurl, ganun ba pag-anak ng governor!.

" Akin na." utos ni Evee sa akin sabay hila ng braso ko at binuhusan niya lang naman ng alchohol yung palad ko.

" AHHHHGG ARAYYYY ARAYYYYY TA---ARAYYYYYY!!!." nagsisigaw ako sa hapdi ng alchohol.

Mabilis naman niya yong pinunasan at nilagyan ng betadine at gasa. 

" Hindi naman masyado malalim, Yan tapos na may pasigaw sigaw pa eh " natatawa na sabi sa akin ni Evee.

" Brutal ka din ano!." sigaw ko rin saknya.

" Hindi ah weak kalang eh." may ngiting pang-aasar niya sakin sakin.

" Heh!." tumaas ang gilid ng labi ko at iniwasan siya.

" Ang dami munang utang sakin Huh. Imbitahin mo kaya ako sa bahay niyo ng makabawi ka sakin." aniya ni Evee sa akin.

Kung may ikukunot pa yung noo ko ay kinunot ko na ng todo.

" Hindi ko naman na sinabi na tulungan mo ako Huh!." inis kong saad sakanya, medyo tumaas pa ang boses ko.

" Sige na pagluto kita sa bahay niyo." pagmamakaawa niya sa akin pero inirapan ko siya.

Nangatal ang katawan ko ng bigla siyang lumapit sa akin at hawakan ang pisngi ko.

" Sinonang may gawa sayo nito?." nakatitig siya sa labi ko at hinawakan ang sugat ko sa labi.

Lahat na ng conceal ginawa ko dyan pero nahalata niya parin! Napaiwas ako sakanya at napailing.

" Nadapa ako." pagsisinungaling ko sakanya.

" Ahhh. Ganun pala." ngumiti naman siya at humarap sa akin " Ingatan mo ang sarili mo kung anu-ano ang ginagawa mo 'mag-ingat ka naman. Ano na lang ang sasabihin ni Dad kung makita ka niyang ganyan."

napaismid naman ang mukha nito at biglang kinurot ang pisngi ko.

" Si Gov? Paano naman napasok dito si Gov-tigilan mo ko Evee ah." mahagya ko siyang tinulak at pumirmi ng upo.

" Hahaha Sorry." natatawa niya pang pahingi ng paumanhin sa akin, hindi ko naman siya pinansin.

" Ngayon ko lang napansin, ganda mo pala sa malapitan." napalingon ang tingin ko kay Evee dahil sa sinabi niya, bahagya nangusap ang mga mata namin dalawa sa isat-isa.

" Ala-m ko naman yon , ikaw din maganda." umiwas ako saknya, nagawa ko pa talaga mautal.

" Wehhh?? Di nga bumabawi kalang hahahah." tawa ni Eve sakin, napaharap ako sakanya.

" Mukha ka ngang Husky." pangangasar ko sakanya.

" Husky?." takang tanong niya sa akin dahil sa sinabi ko.

" Oo yung aso, may blue kasi na mata yung Husky dib-AWWWWWW!!" halos maluha luha ako ng hawakan ang palad ko may sugat.

" May sinasabi ka?." tanong niya sakin habang nakangitim

" Wala...w..alaa Evee. Wala." ngumiti ako saknya, kabado parin akong nakatingin sa kamay ko na hawak niya.

" Good." hindi na gaano kahigpit ang paghawak ni Evee sa kamay ko pero hindi parin ito pinapakawalan.

Napatingin ako mukha ni Evee na ngiwing nakatingin lang sa kamay na mag-kahawak.

" Btw..  Jennica let's me friend a close friend rather." ngiti niyang sabi sa akin bago napatingin sa mga mata ko.

Hindi alam kung ngi-ngiti ba ko o matatakot. Anak ng Governor ang nagtatanong sa akin kung pwede niya akong maging kaibigan at hindi lang basta kaibigan ah.

Close Friend!

Napatawa naman akonat napailing sa kanya.

" Hindi pwede bawal, ayaw ko." ngiting tanggi ko kay Evee, hindi sa ayaw ko 'gusto lang talagang asarin siya.

Nandilim naman ang mukha ni Eve na kinakaba ko. Napahiga ako sa hospital bed ng itulak niya ako , mahigpit na humawak ang kamay niya sa leeg ko.

" Hayop ka! Ngayon lang may tumanggi sa akin!." inis ni Eve saad sa akin habang winawagayway ang leeg ko.

Halos lumawit ang dila ko sa pagkakasakal niya sakin kaya agad kong hinawakn ang braso niya.

" Ack- bitawan mo ko!."

" Hindi kita bibitawan hanggat hindi kapumapayag!." sigaw niya sakin at patuloy lang sa pag-uga sa akin.

Hindi naman ganun kahigpitan ang pagkakasakal niya pero nahihilo na ko sa pag-uga niya. Wala na kong magahawa kundi pumayag talaga.

" O-o na! T-igil na!." sigaw ko sakanya.

Napatigil siya sa pag-uga sa akin at maluluhang napatingin sa akin.

" Walang bawian?." paninigirado ni Evee sa akin.

" Yeah ofcourse. I'm Sure, madami pa kong pangarap sa buhay." sarkastikong sagot ko sakanya.

" Yehey!." napapalakpak pa siya sa ibabaw ko, inirapan mo lang siya bago mapatingin sa taong nagbukas ng kurtina.

\(〇_o)/

" Oww." napatingin si Alli sa akin at kay Evee.

" Nandyan ba siya!." ginitgit pa ni Sam si Alli pagkarating niya, tulad ni Alli ay napatingin rin siya sa aming dalawa.

" Nice top." gulat na saad ni Sam sa amin dalawa ni Evee.

Sa hiya ko ay naitulak ko paalis sa ibabaw ko si Evee at umupo. Tingin ko ay mahabang habang eksplenasyon itong gagawin ko.