webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 10

" Para saan?." tanong ni Evee kay Lourdes, nagkatinginan naman silang dalawa at nagkasukatan ng titig.

Tinaasan lang ito ni Lourdes ng kilay.

" Siya ang gusto kong makausap kaya pwede lumayo ka muna." mataray na saad nito kay Evee.

Umaandar na naman ang pagka-suplada ni Lourdes.

" Haiss.." napabuntong hininga ko

" Dyan ka muna kakausapin ko muna siya Evee. Saglit lang to." pagpapa-alam ko kay Eve tumango naman siya sa akin.

Lumapit ako kaynila Lourdes at pilit na tinatagan ang sarili ko. Mukhang sisintensyahan niya ako.

" Bakit?." tanong ko sakanya ng makalayo na kami ng bahagya sa tatlo.

" Bakit ka tumigil?." tanong niya sa akin kaya napangiti ako.

" Sinusunod ko lang yung gusto ko, mag-aaral rin naman ako ng panibagong course next year." sagot ko sakanya.

" Mag-aaral ka ng panibagong kurso? Nasisiraan kana ba sasayangin mo lang tatlong taon paghihirap mo para magpalit na naman ng course?." ito na naman siya, paulit ulit nalang.

" Alam mo Des hindi ko kasi passion yung kinuha kong kurso kaya nagpalit ako." pilit akong kinakalma ang sarili ko sa mga sandali na ito.

" Hindi ako naniniwala huwag mo akong lokohin Jen." natawa siya at alam kong sarkastiko yon, napatingin ako sa mga mata niya at umiling.

" Halika sumama ka sakin at babawiin natin ang request form mo." hinila niya pa ako kaya medyo nakaladkad pa ako.

" Saglit. Lourdes!." sigaw ko sakanya, mangangalit naman na tumingin ito sa akin kaya para akong naging maamong tupa.

" Tama na to Des." hinawakan ko ang kamay niya at hinawakan ang kamay niya na nasa braso ko 'kinusa ko itong tanggalin.

"  Sinabi mo pa na gusto mo rin ang kursong kinakuha natin kaya bakit?." kunot noo niyang tanong sa akin.

" Dahil gusto kita." tumingin ako sakanya at hinintay ang magiging reaksyon niya.

Napaatras lang siya muli sa akin at galit akong tinitigan.

" Your lying." pagtanggi niya sa mga sinasabi ko.

" Nagsasabi ako ng totoo!." sigaw ko saknya " Lahat ng gusto mo gusto ko, lahat ng desisyon mo sinusunod ko. Gusto ko mag aral ng law kasi kasama kita-kasi nga gusto kita Lourdes." unti unti nang pumatak ang luha na pinipigilan kong bumagsak.

" Kaya ngayon pabiyaan muna ko,  hindi ka ba masaya na may Paul na kayo na?? hindi ako nang-gugulo kasi wala naman kasi akong balak." pinunasan ko ang luha ko.

" Jen-."

" Alam kong nandidiri ka sakin,  kaya please lumalayo na ko kaya tantanan muna ko. Kalimutan muna ko." tinalikuran kuna siya at unti-unti na kong nag-lakad papalayo.

" Jen." salubong sa akin ni Sam.

Nilagpasan ko silang lahat at

narinig ko naman ang pagtawag sakin ni Evee.

" Oy huwag kana malungkot dyan." nag-lalakad kami papunta main entrance.

Ngumiti naman ako at hinilamos ang kamay ko sa mukha ko. 

" Okay lang! okay lang ako!" ngiti ko

kay Evee.

Ngayon ko nalaman na hindi ko kayang maalis ng ganon kadali ang feelings ko kay Lourdes. Napaisip ako na tama- tama nga siguro tong ginawa ko .

Hindi dapat ako magsisi sa ginawa ko sa pasya ko to.

+++

Kakalabas ko lang galing banyo ng may nakapalupot pang tuwalya sa ulunan nang bigla sumigaw si Mama sa sala.Sa pagkataranta ko ay natalon ko yung hagdanan.

" Anong nangyare?." sigaw ko sakanya at tinignan ang kanyang itsura.

" Kasi may bisita ka anak yung anak ni Governor.Evee tama ba?." tanong ni Mama kay Evee.

" Opo Tita." ngumiti siya kay Mama.

" Teka bat ka nandito?." tanong ko sakanya.

" Nasabi ko na naman na ipag-luluto kita diba, sakto nandito si Tita matitikman niya ang luto ko. " pinag-dakop niya ang dalawang kamay niya.

" Aba.. magaling ata na cook si Evee eh." ngiting puri ni Mama kay Evee

" Sakto lang po Tita! " sabi ni Evee " Oh siya magbra ka muna,  mag luluto muna ko. San ba dito ang kusina Tita." tanong niya kay Mama saka nilagpasan ako.

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya napagtanto ko na hindi pala ako nakabra.

Shetttt!

Bakit kasi hobby natin girls na hindi mag bra saluob ng bahay, para iwas cancer rin kasi.

Pagkababa ko sa sala ay pumunta agad ako sa kusina, mala master chef pala tong si Evee sa pag luluto. Nakatayo lang si Mama at nakatingin kay Evee habang nagluluto.

" Mala Master Chef pala tong si Evee nak." sabi ni Mama kay Evee.

Kita ko naman ang saya sa mukha ni Evee dahil sa sinabi ni Mama.

" Nako pang Gordon Ramsey naman ang ugali " pangangasar ko at kumuha ng pitsel sa ref at sinalin sa baso yung tubig saka ininom.

" Heh! Okay na. Tita tikman mo." bigay niya kay Mama ng tinidor. 

" Wao ang sarap naman pala magluto pwede ng mag-asawa." ngiti sabi ni Mama kay Evee at tumingin sa akin.

Luh bhie?

" Teka patikim." sabi ko kay Mama at akma ng  kukunin yung kutsara sa lamesa ng tapikin ni Evee ang kamay ko. 

" Aray!" angil ko kay Evee.

" Huwag! Nilalait mo ko dib- kaugali ko si Gordon Ramsey diba kaya shuuu!!." tinaboy niya ko ng parang aso.

Napaismid naman ako habang nakatingin sa sala nakakain din ako ng magpalit si Evee ng damit. Dito kasi siya pinag-pagabi ni Mama kasi delikado na daw. 

Eh mas delikado nga pag nandito yan!

Mukhang close silang dalawa ni Evee dahil nag-uusap pa talaga sila sa sala, kung anonyung pinag-uusapan nila ay hindi kuna narinig.

 

" Sinong nagsabi dyan ka matutulog??." sita ko saknya dahil nasa kama ko lang naman si Evee at nakadapa.

Tinukod niya yung kamay sa ulo niya at ngumiti sakin. She's teasing me.

I think?.

" At san mo naman ako balak patulugin?." nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

" Dyan sa lapag. Oy miss alam kong governor papa mo! kaso bahay ko to at kama ko yan kaya shuuu!." umupo na ako sa gilid ng kama ko.

" Ayaw dito lang ako." humarap naman ito sakin, napasinghap ako ng hangin dahil sa kakulitan ni Evee.

" Bahala ka dyan!." humarap nalang ako sa kabilang side ng kama ng hindi ko siya makita.

" Pstt."

" Oh." tanong ko.

" Usap muna tayo." Evee.

" Ano naman?." tanong ko.

" Tungkol kay Lourdes." sabi ni Evee kaya agad akong napaharap saknya.

" Ano? " tanong ko.

" Wow interesado magkwento pag-about kay Lourdes." tawang saad sa akin ni Evee.

" Edi wag." tatalikod na sakanya ng bawiin niya ang sinabi niya.

" Di mabiro. Oo na sino ba si Lourdes sa isang Jennica Tokio?." tanong ni Evee sa amin.

Iniangkla ko ang braso ko sa gilid ng ulo ko at tumingin kay Evee.

" Kaibigan, closefriend and bestfriend." sabi ko sakanya.

" Weh! pero may paiyak iyak kang nalalaman?." lumabas ang pilya niyang mga ngiti sa oras na yon.

" Oo na inlove akon sakanya okay na?." inirapan mo siya pagkasabi nun.

" Oh. yun naman pala eh." ngiti niyang sabi sa akin.

" Kaso ayaw niya sakin kita mo naman atsaka may bf na siya." sagot ko sakanya.

Ansaket na naman heart q.

" Ow ouch.." napahawak si Evee sa dibdib niya nanpara bang nasasaktan.

Inaasar niya ba ko?

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya.

" Joke lang pikon.  di ka humanap ng bagong kakalokohan mo?." tanong niya sakin.

Napatingin ako sakanya bakit napatingin sa kisame.

" Hindi ganon kadali yon Evee." sabi ko sakanya.

Hindi naman ganon kadaling mawawala ang feelins ko para kay Lourdes. Hindi iyon katulad ng lagnat na pag-ininuman ng biogesic okay kana tol.

" Edi tutulungan kita." ngiting saad nito sa akin.

" Huh?." tanong ko sakanya dahil hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya.

" Papaintindi ko sayo." mabilisan niyang nilapat ang kanyang mga labi sa aking labi at hindi pa natapos iyon dahil kusa pa iyong gumalaw.

Anong ginagawa niya! Bakit niya ako hinahalikan!.

Imbis na itulak si Evee ay napahawak pa ako sa magkabilang pisngi niya. Nababaliw ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin, her sweet and kissable lips touching mine. I can't resist she's a good kisser.

Sinandal niya ang noo niya sa noo ko at tinignan ako sa mga mata ko.

" Husmaryusep! Mga bata!." pareho kaming napatingin sa pintuan at nakatayo duon si Mama.

" Ah-Mali kayo ng iniisip. Tita napuwing kasi si Jenica hinipan ko lang yung mata niya." ngiting pagsisinungaling ni Evee kay Mama.

Wow! Puwing lang daw!.

" Oo Ma, may kailangan ka ba?." ngiting tanong ko kay Mama.

" Titignan ko lang sana kung tulog na kayo, hindi pa pala." pilit na ngumiti sa amin si Mama " Maigi pa at matulog na kayo." pahabol ni Mama bago isara ang pinto.

Masama akong napatingin sa gawi ni Evee, para wala naman siyang ginawang masama sa akin at humiga lang sa tabi ko.

" Good night. Jennica." ngiting saad niya sa akin bago pumikit.

Pinapagulo ni Evee yung utak ko! Wahhhhhhhh!?