webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 9

Nag-mamadali ako na tumakbo sa room, naabutan ko si Lourdes, Sam at Alli na nag uusap sa kani-kanilang upuan. Hindi agad nila ako napansin kaya umihip muna ko ng hangin bago gawin itong pang-famas award ko.

Mabuti nalang at nasanay ako sa role play nung high school.

" Guys guys guys!." nagsisigaw ako at napatingin sila sakin na kahit si Lourdes na hindi ako pinapansin ay naagaw ko ang pansin.

Dabest ka talaga!

" Ano ano ano." tanong sakin ni Sam.

" Kasi kasi ano!  Sumama ka sakin!." sigaw ko at hinatak si Lourdes hindi na niya nagawang makatanggi ng hilahin ko siya palabas.

" Teka lang. Ano ba to Jen!." sigaw niya sakin.

" Kelangan natin mag madali!." sabi ko sakanya habang tumatakbo.

" Para saan?!." tanong niya sakin

napangiti naman ako.

" Basta!." ngiting saad ko.

Nang makapunta na kami sa oval ay bigla nalang nag-karuon ng fire works, hindi ko inaasahan na may idadag-dag pa si Paul. Mag-aala sais na din kaya kitang kita na yung fire works.

"Jen ano ba to?." ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita ni Lourdes.

Pero imbis na matakot ay natutuwa ko. Ang isang Lourdes West kasi  hawak ko ang kamay sa ilalim ng fireworks sino ba ang hindi natutuwa.

Tinapik niya ang kamay ko para mabitawan ko siya.

" Ano na naman ba itong kalokohan mo Jen." nagsimulang bumigat para sakin ang mga salita niya " Alam mo naman ayaw ko sa katulad mo ayaw-."

Dum dum dum dum

Napatingin siya sa taas ng bench dahil sa tunog ng drums, nakita niya ang nasa bente kadami na tao na may hawak na placard. Napatangin ako kay Paul na papalapit sa amin na may hawak na rosas.

" Paul?." napatingin si Lourdes kay Paul at napatingin sakin, nginitian ko lang siya at sinalubong si Paul.

" Salamat." saad ni Paul sa akin.

" Always welcome. Ingatan mo yung bestfriend ko ah." pilit akong ngumiti saknya at nagpatuloy na sa pag-lalakad.

Ayaw kong masira ang moment nila pero hindi ako umalis sa lugar na yon 'nag tago lang ako kung saan hindi nila ako makikita.

Nakita ko kung paano lumuhod si Paul sa harap niya habang may hawak na asul na mga rosas.

Nakahanap pala siya ng Lily blue rose, napapahanga niya talaga ako sa ka-effortan niya.

" WILL YOU BE MY GIRLFRIEND!." sigaw ng mga tao at binaliktad ang card na hawak nila.

Kita ko ang saya sa mukha ni Lourdes,  sa halip na maging masaya ay iba ang aking nararamdaman. Sobrang sakit 'napakasakit.

Siguro nga ito na yung time na dapat lumayo na ko sakanya. Agad kong pinahid yung luha ko na pumatak sa kaliwang pisngi ko at naglakad papalayo. 

^^^

Allison POV

" Omayghad kayo na!." sigaw ni Sam at niyakap si Lourdes na may hawak pang asul narosas napatingin naman ako kay Paul.

" Teka nasan si Jen?." tanong ko at napatingin sa paligid.

" Hindi niyo ba kasama? Pakiaabi salamat ng madami kasihindi magiging succesful tong proposal ko kung hindi dahil sa tulong niya."

napahinto naman ako sa sinabi ni Paul.

Idea pala to ni Jen. Nasisiraan na ba tong si Paul at kinontrata pa talaga niya si Jen!

" Humingi ka ng tulong kay Jen?." tanong ni Des kay Paul.

" Yep kinulit ko pa nga siya." ngiting sagot ni Paul " Buti pumayag." dugtong nito.

" Teka mauna na ko." paalam ko sakanila.

" San ka pupupnta?." takang tanong sakin ni Sam.

" Hahanapin ko lang si Jen, dito kalang." ngumiti ako sakanila at umalis na.

Bakit ba kasi nag-karuon ako ng dalawang kaibigan na parehong tanga sa pagibig. Ang malala nag kagusto pa yung isa.

Mabuti nalang at naabutan ko si Jen, tatakbonna dapat ako ng mapansin ko ang babaeng yumakap sakanya. Kung hindi ako nagkakamali siya si Evee 'yakap yakap niya si Jen na umiiyak ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaibigan ko, hindi niya deserve na masaktan ng ganto.

" Teka lang Des!." napalingon ako sa likuran ko ng makita ko si Sam at si Lourdes na papalapit sa akin.

" Anong ginagawa niyo dito?." takang tanong ko.

" Ano pa para hanapin si Jen 'gusto ko lang magpasalamat at magsorry sakanya. Nasan siya?." hingal na tanong ni Lourdes sa akin sabay libot ng kanyang tingin sa paligid.

Nahalata kong napahinto siya ng makita ang dalawang babae na magkayakap. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon Lourdes dahil sa nakita niya.  Hindi ko alam kung nasasaktan siya sa nakikita niya o ayaw niya lang talaga. Sino ba ang makakabasa sa ugali ng isang Lourdes West.

" Teka lang." pag-awat ko kay Lourdes ng nagtangka siyang puntahan si Jenica.

" Hindi bakit niya kayakap ang babae na yon." kunot noong ni Lourdes na tanong sa akin, kita ko naman ang pagkalito ni Sam sa mga nangyayari.

" Just leave her alone for today Lourdes. Sa mga oras na to alam natin masakit sakanya. Pabiyaan mo siyang mag-move on." ismid na saad ko kay Lourdes.

Mabuti nalang at nakinig ito sa akin at kumalma siya, nakatingin pa rin siya sa gawi ni Jennica.

Ansakit talaga nila sa ulo Bes.

^^^^

Jennica POV

" Nak..  hindi mo ba talaga lalabasan ang mga kaibigan mo?." takang tanong sakin ni Mama.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakamasid sa bintana.

" Paalisin niyo muna sila ma." sagot ko kay Mama.

" Nak hindi naman sila dumalaw ngayon pero pang-apat na kasi nilang beses na pumunta dito, bakit mo ba ayaw silang harapin?" tanong ulit nito sa akin.

" Wala kong gana humarap sa kanila." saad ko at nag talukbong ng kumot.

Ilang linggo na ba ang lumipas na hindi ko sila kinakausap,umiiwas din ako sa kanila tuwing nag-kakasalubong kami.

Maliban sa nangyare na 'yon nagfile na ko sa sa admin ng stopping letter, balak ko sana mag-enroll ulit sa panibagong course. Alam na ni Mama ang ginawa ko at luckily okay lang sakanya, ang sabi nila lang sa akin ay mag-pahinga nalang muna ko. Kukuha ako ng Bachelor of Art in Music and Theater kaya sigurado daw si Mama na mas matutuwa si Papa sa ginawa ko dahil ito rin ang gusto ni Papa na kunin yung course na yon. 

Sumunod na araw,  prente lang akong nag-suot ng white long sleeves at fitted slocks na tinupi ko pa hanggang siko. 

" Ma una na ko ahh." hinalikan ko ito sa noo at umalis na, nag-taxi lang ako papuntang school.

Pasalamat ako at pinapapasok sa loob yung taxi,  sobrang laki ng Arcadis University at nasa pinaka-gitna pa ang admin office. Wala na sana akong balak pumunta sa school kung hindi lang need ng interview.

" Bakit ka titigil sayang naman scholar  ka at nasa 3rd year kana." tanong sa aking ng lalaki na nasa counseling department.

Binasa ko ang bar na nakalagay sa lamesa niya, Mr. Dylan Fantiago.

" I realise na hindi kasi ako suitable sa law course kaya tumigil na ako, balak kong mag-enroll next year sa panibagong course." ngiting saad ko kay Mr. Fantiago, kita ko naman ang panghihinayang sa mga mukha niya habang binubuklat ang files ko.

" Okay pipirmahan kuna wala na naman makakapigil sayo." natatawang sabi sakin ni Mr. Santiago.

Pagkatapos ko pumirma ng mga papers ay naging klaro na ang lahat, tumigil na talaga ako sa pag-aaral.

Habang naglalakad ay napapaisip ako kung hahanap ba muna ko mg trabaho o ano.

Ayaw ko naman kasing pahirapan si Mama, gusto ko na rin makatulong sakanya.

You got me feeling like a Pyscho! Pycho~

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog.

[ Evee Pokemon Calling...]

" Oh bakit?." tanong ko kay Eve habang naglalakad, medyo bumagal ang paglalakad ko.

" Ugh-Nasa schoool ka ba ang boring dito sa klase namin."

" Nasa school ako, makinig kana lang dyan." irap na sagot ko sakanya.

" Omaygosh! Wait for me! I'll track your phone!- Ms. Velasquez san kapupunta!."

Nilayo ko ang cellphone ko ng biglang may sumigaw sa kabilang linya. Napakapasaway talaga ng babae na iyon liliban pa talaga siya para sa klase.

Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang tumakbo papunta sa akin at sinalubong ako ng yakap. Medyo naiilang pa ako sakanya, pero siguro dapat na kong masanay sa kanya.

Isa siya sa mga dapat pasalamat ko dahil lagi siyang nandyan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Hindi ko lang pinapakita sakanya pero masaya ako.

Woooo

" Hmpp! Na-miss kita sabi ko sayo pasyal na ko sa bahay niyo." pag-papacute ni Evee sa akin.

Blangko ko lang naman siyang tinignan habang nakatayo. Pinitik ko ang noo niya kaya napalayo siya sa akin sapu-sapo niya ang noo niya habang masama ang tingin sa akin.

" Huwag mo nga ako-." tinakpan ko ang bibig niya ng makita ko ang tatlong pigura na papalapit sa aming direksyon.

Teka anong ginawa nila rito..

" Mag-usap tayo!." galit na salubong sa akin ni Lourdes.

Shit.