webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 11

" Jen."

" Jen."

" Jen."

" Ano!." sigaw ko kay Evee dahil ang gulo niya, gumagawa ako ng chords for her project pinapakiusapan niya pa na gawan ko siya tapos ito siyang nanggugulo sakin.

Akalain mo yun ang kumukuha pala si Evee ng Bachelor of Music in Performance pero nagpapatulong lang siya sakin. Nandirito kami ngayon sa ilalim ng puno sa luob ng university, nakakaloka nga at sinadya ko pa na pumunta rito para tulungan siya. Hais.

" Ano bang gusto mong tawag ko sayo yung unique?." tanong niya sakin habang nakahalumbaba.

" Wala Jennica nalang." sagot ko sakanya habang nasusulat.

" Wehhhh. Bakit sabi ni Tita tawagin daw kita Rois." ngiting sabi nito sa akin.

Napatingin naman ako sakanya, ayaw na ayaw ko nga na tinatawag ako sa second name ko nakakainis.

" Don't call me in my second name. Understand?." hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinisil iyon.

" Rois! Ar-ayy ang cute kaya." ngiti niya kahit nasasaktan siya sa pagpisil ko sa pisngi niya.

" Hais, kay Mama galing yung second name ko while kay Papa ang first name ko. Mahilig kasi si Mama sa mga rosas kaya siguro ayon ang naisip niyang ipangalan sa akin." pagpapaliwanag ko kay Evee at nilapag ang music pad na hawak ko.

" Wao! Cool naman pala ni Tita Erza, yayain ko kaya siya sa garden namin siguradong matutuwa siya." sabi nito at bigla nalang umunan sa hita ko.

Napatingin naman ako sakanya at pinag-taasan siya ng kilay.

" Bakit ka nga kumuha ng music eh! tamad ka naman gumawa ng sarili mong chords." tanong ko naman sakanya.

Napangiti naman siya at biglang pumikit.

" Ang sabi ni Dad kailangan kong matuto ng instruments kasi mahilig daw sa music ang mapapangasawa ko." sagot niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Para ruon ay kumuha siya ng kursong yon para sa mapapangasawa niya? Well kumuha ako ng law para makasama si Lourdes.  Hindi pala nalalayo ang dahilan naming dalawa.

" Tulog muna ko." ngiting sabi ni Evee  at pumikit.

Tumango lang ako sakanya, mabuti na rin to walang abala at mapabilis ang pagtapos ko rito.

Nilagay ko ang earphone ko sa aking tenga at nakinig ng mga kanta na pwedeng pagkopyahan ng chords, hindi naman kasi ako professional at magaling sa paggawa ng whole set of chords. 

Tumagal lang naman ng isang oras at na nabuo ko din. 

" Uy gising." pinitik ko ang noo nito na sanhi ng pag-kunot ng mukha ni Evee.

Napangiti ako dahil nakakatawa ang reaksyon ng mukha niya.

" Panira sa tulog!." sigaw niya sakin.

" Hahahahakdog." pang-aasar ko sakanya at tumayo na ko at tumakbo, hinabol naman ako ni Evee para gantihan mabuti nalang a sobrang lawak ng football field.

" Pasalamat ka at mabilis kang tumakbo." humawak si Evee sa tuhod niya habang habol habol ang paghinga.

Nakapamewang ko lang na tinignan si Evee at nginitian. Pagod rin siya sa wakas.

" Jen!." napatingin kami sa tumawag sakin si Sam and Alli papalapit ang dalawa sa kinatatayuan ko

Napangiti naman ako at kumaway sa kanila, may thinahanap pa ko na pusibleng kasama nila pero wala. 

Wala naman.

Buti nalang. 

" Hi Evee." ngiting bati ni Alli kay Evee.

" Hi Allison " ngiting bati ni Evee.

" Oy! siya yayain kita may party kasi sa balay alam mo naman na birthday ko bukas, baka nakalimutan muna!. " sigaw ni Sam sa akin.

Umiling ako.

" Syempre nakahanda na nga yung gift mo sa bahay." ngiti kong tinulak si Alli ng mahina.

" Yes naman kileg ako don. Oh, Sige bukas ah mas mabuting pumunta ka rin Evee panyaya ni Sam kay Evee.

" Talagaaa!." tila ba naging butwin ang mata ni Evee sa narinig niya.

" Sure ba kayo guys malikot to." sabi ko.

" Hahaha Hindi naman samin bago yon Jen malikot ka rin naman." sabat ni Alli.

Tumawa tuloy si Evee, napasinghap lang ako ng hangin at ngiting napailing. Pagkatapos nila kaming maimbitahan ay umalis na rin sila at naiwan kami ni Evee na nakataho.

" Ang bait ng mha kaibigan mo."ngiting sabi ni Evee.

" Syempre." sagot ko sakanya.

" Ang mahuli sa puno may dare!." biglang sigaw ni Eve at kumaripas na ng takbo.

" Napaka daya!." sigaw ko sakanya at agad na hinabol.

Sa kasamaang palad na huli ako.

" Sasama ka sakin bukas..  papaayusan kita." ngiting sabi ni Evee sa akin habang binubuklat ang music pad na sinulatan ko.

Bigla tuloy akong kinabahan sa gustong mangyari nitong babaeng to. 

Hay nako Evee Velasquez umayos ka.

+++

" Gumising kana."

" Amgpfodnsnana."

" Gising na! Jenica Rois Tokio!."

Nang marinig ko ang nakakairitang sigaw ng sino mang maingay na iyon ay aburido na akong  bumangon sa kama ko.

Napatingin ako sa babaeng na nakaupo sa gilid ng kama ko,  nakasuot ito ng denim short at open shoulder na color yellow. 

" Salamat naman at gising kana." para siyang nabunutan ng tinik habang nakatingin sa akin.

" Evee, Mamaya pang-alas kwatro ang party. Bakit ka nandito huh?." tanong ko sakanya habang kinukusot ko ang mga mata ko.

Gusto ko pa matulog eh!

" Haler alam mo naman yung dare! Bumangon ka na dyan at maligo na! Ang baho mo! " iritang sabi ni Evee sa akin.

Inamoy ko naman ang sarili ko para alamin kung nag-sasabi ba siya ng totoo.

" Mabango ko ano!." sigaw ko saknya at bumangon na at kumuha ng damit sa cabinet ko.

Gisingin muna ang lasing at puyat, huwag si Jenica na brokenhearted padin. 

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako na tokong na pinartneran ng v-neck na yellow at adidas shoes.

" Boyish na boyish ah." sabi ni Evee " Tita una na kami!." sigaw ni Evee kay Mama.

" Oh sigeee!." sigaw din ni Mama na abala sa pag ttype ng gawain niya sa trabaho.

Dala niya pala ang kotse niya at may sarili tong driver na men in black pa.

Nagtaka ka pa sa anak ng Governor si Evee, Jennica.

Nang makapunta kami sa isang salon,  salon pero three story building. Mygudness..

" Paki-ayusan nga tong kaibigan ko.  Julia." ngiting utos ni Evee dun sa baklitang kulay minion ang buhok. 

Para siyang saging o kaya mais. 

wala tuloy akong tiwala sa gagawin niya sakin.

" Ay nako Madam akong ang bahala sa ghurl na ito. Ano ba gusto mong gawin ko diba escobahin ko ba?." tanong ni Julia kay Evee.

Pinandilatan ko namam ng mata si Evee kaya tumawa lang ito sakin. 

" Make her hair ash blonde yun lang..  then ayusan muna din may tiwala naman ako sayo Julia." sagot ni Evee kay Julia.

" Evee naman!." hahawakan ko na sana si Evee ng hatakin ako ni Julia o Julio tangina ang lakas ng baklang to, nagawa niya kong mabitbit at paupuin sa sa rocking chair. 

" Relax, aayusan kita at lalo ka pang mas gaganda." napatingin naman ako sa itsura nito sa salamin.

Mas kinakabahan ako sa mangyayare sakin. Madami mga baklang nakapalibot sa akin at inaayusan ako. Meron nag-lilinis ng paa ko,  daliri ko at meron din sa buhok. 

Wala kong magawa kundi hayaan nalang sila sa mga ginagawa niya, pinikit ko nalang ang mata at hinayaan kuna lang silang ayusan ako. 

" Ghurl gising kana!." napamulat ako dahil sa sigaw na naman.

Bakit ba ang hilig nilang abalahin ang tulog ko?!

"Ano na naman ba!." napatingin ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ko ruon.

Ang buhok ko ay kulay abo. Magpapanic pa sana ako na may kulay ang buhok ko ng maalala kong nag-stop na pala ko sa pag-aaral.

Meron na rin manipis na make-up ang nakalagay sa mukha ko.

" Ah." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, hinawakan ko yung buhok ko at tinignan kong wig lang ba ito.

Ang ganda kasi ng pagkakakulay.

" Nagustuhan mo ba tignan mo din yung cutics mo oh ganda diba." ngiting sabi niya " Pak na pak! Manipis lang na make-up ang nilagay namin dahil natural lang na maganda parang gusto kuna tuloy ulit maging lalaki." Julia.

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at sinamaan siya ng tingin.

" You're joking right?." tanong ko sakanya.

" Hindi." sumeryoso ang mukha niya pero tumawa din, tatlong na oras din pala ang tinagal.

Kaya ng pagkalabas ko ay nakita ko nang natutulog si Evee sa sofa. As in naka-higa talaga may kumot pa nga,  siguro nilagyan nila.

Lumapit ako kay Eve at lumebel sakanya.

" Oy..  Evee." sinundot ko ang pisngi niya.

Medyo malaki ang pisngi niya pero hindi naman siya mataba ang totoo nga sexy siya.  Ano ba tong iniisip ko!

" Evee baka malate na tayo!" sinundot ko ulit siya at buti nag-mulat na rin siya.

" Mabuti at tapos kana." napatitig naman si Evee sa akin kaya napangiti ako.

" Ganda ko no?." tanong ko sakanya

tumango naman siya sa akin.

Balak ko lang sana siyang asarin pero bakit ako ang nailang.

" Nako tumayo kana dyan uuwi na ko sa bahay mag papalit pa ko. " sabi ko sakanya.

Tumango siya at hinatak ang braso ko papalapit sakanya l.

" Tara na." ngiti sagot nito sakin,

napangiti naman ako sakanya at tumango.

Nang maihatid ako ni Evee sa bahay

sa bahay ay dumeretso na ko sa kwarto ko, wala si Mama siguro busy sa trabaho. Super thankful ma wala si mother nature sa bahay 'Hindi pa kasi ako nagpapaalam sakanya na magpapakulay ako.

Napatingin ako sa dalawang dress na nakalapag sa kama ko.  Isang black tule fitted dress na may lining na see through sa bewang o kaya itong pink dress.

Masyadong cute at masyadong daring naman yung isa. 

Napabuntong hininga ko at kinuha ang isang damit at agad na nag bihis. 

Ding dong

Napatingin ako sa gawi ng pintuan. 

" Ang bilis naman niya."

kumuha ako ng panali ng buhok at panandalian munang kinagat yon saka ko inayos ang buhok ko. 

Simpleng high pony tail lang pero may excess baby hair kasi sa gilid ng tenga ko kaya pinabiyaan kuna lang. 

 

Napatingin naman ako sa sarili ko, pambirang itsura yan. Ako ba to?

Agad kong kinuha ang coat na nakasabit sa upuan at ang paper bag na may laman regalo para kay Sam

Hindi talaga siya makapag-hintay.

Sunod sunod ang katok na ginwa niya kaya nagmadali ako na bumaba.

Nagekis-ekis ang lakad ko kasi-tangina hindi ako sanay may heels. 

Samahan pa nitong black fitted dress na to.  Hindi ko mapigilan hilahin pababa pagtumataas. 

" Bakit ka ba nag mamadali huh. Hindi pa ko tapos!." inis na salubong ko kay Evee.

Nakatingin lang naman ito sakin na parang bago lang ako sa paningin niya. 

" Hi Miss."  ngiti niya sakin kaya inirapan ko siya.

" Tara na." nag lakad na ko, napansin ko ang suot ni Evee naka-red offshoulder.

May pagkafitted rin kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ni Evee.

She's hot.

Yeah!

Ano ba naman tong iniisip ko!

Hinatid na kami ng driver ni Evee sa mansyon nila Sam, mula sa labas ay rinig na rinig na ang malakas nantugtugan. Ala singko na kami nakarating kasi traffic medyo late tuloy.

Medyo nag-didilim na rin ganto talaga siguro pag-bermonths na mabilis talagang gumabi.

" Here." binigay ko sa guard yung invitation ko kung san nakalagay ang pangalan namin ni Evee. 

" Yun oh." napatingin naman ako rito ng humawak ito sa braso ko " Wala kong escort at wala kadin kaya,  tayo nalang mag partner tignan mo sila oh." tinuro niya yung mga bisita ni Sam na ewan ko ba kung required ang kupol. 

Mahahalata ko din na may mga lalaking tumitingin sa amin ni Evee or rather sa akin.

Ano bang meron?.

Sorry po sa mga typo at grammatical errors!

Comment naman yung mga nakabasa na o magbabasa palang para isa-isa ko kayong mapasalamatan.

Binibining6IXcreators' thoughts