webnovel

Not Your "Normal" Love Story

Pandemic occurs and everything turn into abnormal. People can't go outside. People just stay at home. Some are hopeless to live. But what if one day, someone changed your way of living while there is a pandemic?

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Two Meaning

"You look ugly today," bungad ni Kralc na kakabukas lang ng pinto nila.

Tignan mo itong taong ito. Tanghaling tapat ay bwibwisitin ako.

"At least ako today lang. Ikaw? Pang habang buhay na yata iyan," pag ganti ko rito.

Sino namang may sabi na mag papaapi ako sa kaniya? Hell no.

"Si Moni na ba 'yan?! Papasukin mo na nga Ralc!" Sigaw ni Maam Penelopy mula sa sala.

Tanging irap nalang ang ginawa ko rito at nilampasan siya.

"I'm not done yet with my sentence. You look ugly today, tomorrow, and forever," sagot niya mula sa likod ko at nauna pang mag lakad sa akin. May kasama pa iyong pag danggi sa balikat ko.

Kung anong ikibinait ng magulang ay siyang kinademonyo ng anak. Hays.

Nang makarating sa sala ay nakita kong nakaupo si Maam Penelopy. Todo ngiti ito palagi kapag nakikita ako. Ganito siguro talaga siya kagustong mag ka-anak ng babae. Isinenyas niyang maupo ako sa harap niya kaya naman ganoon ang ginawa ko.

"Kakatapos lang ng orientation 'no, hija?" Tanong ni Maam Penelopy.

Mabilis akong tumango bilang tugon. Kanina ay ginanap ang virtual orientation namin. Doon ipinaliwanag kung ano ang magiging sistema ng pag aaral namin. Today is friday and mamaya namin matatanggap ang assessment form namin kasama na rin ang list ng class. Sa monday mag uumpisa ang kalbaryong dala ng virus na ito.

"Good. So after mo matanggap ang assessment form mo ay ipakita mo sa akin para mamanage natin ang oras mo. Ayaw ko namang maging sagabal sa schedule mo," saad ni Maam Penelopy.

Napangiti tuloy ako dahil doon. Iyon kasi ang isa sa mga kinatatakutan ko. Baka mag kasabay ang gawain ko sa school at ang pag assist kay Maam Penelopy.

"Don't worry, you just need to assist me with the computers. Alam mo naman, hindi na makasabay kasi iba ang technology ngayon," dagdag pa ni Maam Penelopy.

"Wala pong kaso 'yun, Maam Penelopy," tugon ko.

May inilabas itong kahon sa gilid niya at pinanood ko itong ipatong niya sa table katapat ng inuupuan naming dalawa.

"Laptop 'yan hija. That came from my scholarship since sumobra ng isa, ibibigay ko nalang sa'yo," saad ni Maam Penelopy.

Ito na naman tayo sa "sumobra" technique ni Maam Penelopy.

"Maam Penelopy hindi ko po matatanggap 'yan eh. Tyaka po may laptop naman po ako," saad ko.

Napalingon kaming dalawa ng bahagyang may tumawa. Only to find out na si Kuya Kwero iyon.

"Your laptop is like from ages ago. Baka kapag nag download ka ng file from the ms teams ay mag hang. You know that this old woman here won't stop bothering you if you did not accept her gift. Besides, sobra talaga iyan," mahabang salaysay ni Kuya Kwero.

I mean, may point siya. Pero parang sobra na naman kasi yata lahat ng binibigay ni Maam Penelopy. Nakikikain ako sa kanila, makiki-wifi, at makakatanggap pa ng laptop. Not that I'm not grateful. Sobrang hiya lang talaga ako.

"Can you just accept the laptop so my mom will stop pouting? Like it's kadiri," singit ni Kralc

Kahit kailan ay wala kang mahihitang magandang salita kay Kralc. Dumagdag pa ang kadiring conyo na salita nito.

"Sige na, hija? Sayang naman kasi kung sa iba ko ibibigay. Besides, mayroon na namang mga gamit ang anak ni Manang Patty," pag susumamo ni Maam Penelopy.

Dahan dahan kong kinuha iyong kahon tyaka tumingin ulit kay Maam Penelopy, "Thank you, Maam. Sobrang grateful po ako to have this kind of opportunity. Sorry po if hesitant ako. Sobrang dami niyo na po kasing naitulong sa akin eh," paliwanag ko.

Matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Maam Penelopy, "Alam mo hija, hanggat may chance na tumulong ka, tumulong ka. As long as hindi ka naman naabuso eh. I don't feel like inaabuso mo ang pag tulong namin. You are always willing to help us too," saad ni Maam Penelopy.

Nakangiti kong binuksan ang box maging ang laptop. Kaso nag laho agad iyon ng makita ko ang wallpaper nito.

"Bakit hija? Hindi mo ba nagustuhan?" Nag aalalang tanong ni Maam Penelopy.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag pipigil ng tawa ni Kralc. Napapikit ako ng mariin at muling dumilat. Ibinalik ko naman ang ngiti ng mag tagpo ang tingin namin ni Maam Penelopy.

"Nagustuhan ko po, Maam Penelopy. Grabe, ang ganda po nito at bagong model pa. Gagamitin ko po talaga ito sa online class ko," nakangiti kong sabi.

Parang nakaramdam ako ng sobrang hiya. Punyeta talaga.

"Buti naman kung ganoon," parang nakaluwag ang pag hinga ni Maam Penelopy, "Maiwan ko muna kayo riyan ha? Gagawa ako ng meryenda. And Emoni, 'wag kang aalis, " dugtong pa niya.

Tumango ako rito at ngumiti.

Nang makaalis si Maam Penelopy ay kaagad kong ibinato kay Kralc ang cushion pillow na katabi ko. Sa sobrang biglaan noon ay hindi niya naiwasan kaya naman tumama sa mukha niya.

Bwisit na bwisit ako rito dahil inilagay na wallpaper ang mukha niya. Nakakakilabot.

"Kabago bago ng laptop lalagyan mo ng virus?! Pangit mo!" Sigaw ko rito.

Malalaking hakbang ang ginawa nito para mabilis na makarating sa akin. Akma niya sanang ihahampas sa akin iyong unan pero lumabas si Mr. Bandwen mula sa opisina niya.

"Kralc!" Sigaw ni Mr. Bandwen.

Palihim akong ngumisi rito. Matapos niyang marinig ang sigaw ng ama ay dahan dahan niyang ibinaba ang cushion pillow at ibinalik iyon sa tabi ko. Tumabi pa nga ito sa akin.

"Stop bullying Emoni. You're nineteen, Kralc. Stop acting like a kid!" Pangangaral ni Mr. Bandwen.

Matapos mag sermon ang ama nila ay tumawa ako ng bahagya.

"Deserve," saad ko.

Mabilis na pumihit si Kralc sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko iyon pinansin at ni-log in ko nalang ang facebook account ko. Matapos i-download ang gusto kong wallpaper ay ni-set ko na iyon bilang wallpaper.

"I don't even understand why you are able to have a boyfriend. Is he blind?" Nanunuyang saad ni Kralc.

Doon ay talagang sumama ang tingin ko kay Kralc. Gusto ko siyang sakalin kaso nandito pa pala si Kuya Kwero.

"20/20 ang vision niya. Tyaka may boyfriend ako kasi maganda ako. Ikaw kaya wala kang girlfriend ay dahil mukha kang alipunga!" Galit na saad mo rito.

Bahagyang tumawa si Kuya Kwero kaya naman napatingin ang kapatid niya sa kaniya.

"Will you stop laughing, Kwero? You look like Joker," gigil na saad ni Kralc.

Maski sa kuya ay wala talagang masabing matino itong taong ito. Hays. Kaawaan.

"Because you're funny. I will say na Dyne is much better than you. I would deny you as my brother. He's a Dean's Lister, Kralc," natatawa tawa paring sabi ni Kuya Kwero.

Dyne and Kuya Kwero are blockmates. They are both Nursing. In fact, they are friends. What a small world.

"Ganoon raw ang matatalino, bobo sa pag ibig," pang aasar nito.

"Kapag walang jowa, no opinion," saad ko.

Doon natapos ang kwentuhan kasi lumayas na ng sala si Kralc. Mabuti nga iyon. Napakalaki niya talagang pang asar sa buhay ko.

"So what course did you take, Emoni?" Tanong ni Kuya Kwero.

"BS Psychology, kuya," magalang na sabi ko.

Kay Kralc lang naman kumukulo ang dugo ko. When it comes to Kuya Kwero, he will always give advice sa studies.

"Great. Maraming job opportunity d'yan. Sobrang interesting ng Psychology," saad niya na parang namamangha pa.

Siguro ay nasa choice niya rin ang Psychology. Second year college palang naman siya kaya pwede pang mag shift.

"Ayaw mong mag shift, Kuya?"

"No. First choice kong maging Nurse since Mom and Dad is a doctor," paliwanag ni Kuya Kwero.

Maganda rin naman ang nursing. Takot lang ako sa anatomy dahil hindi ako masyadong magaling sa pagkabisado. Tyaka baka maging  pasyente talaga ang destiny ko.

"Why are you smiling?" Tanong ni kuya Kwero

Natigilan ako kasi nakangiti na pala ako, "Kasi Kuya baka destiny ko talaga ang maging pasyente kaysa maging nurse."

With that, we both laugh.

"That's my first thought when I was a freshman. Pero nakukuha naman siya sa sipag," saad ni Kuya Kwero.

Napatango tango ako dahil tama naman siya.

"Do you think na makakaya ko itong course, Kuya?" Curious na tanong ko.

Wala lang. Gusto ko lang malaman ang point of view ng iba sa pag pasok ko sa course na ito.

"You graduated as STEM students and you are top 4. Makakaya mo 'yan. I believe in you," saad ni Kuya Kwero.

Lumuwag ang pakiramdam ko dahil doon. I found it comforting lalo na at half of my classmates are nursing or engineering students this college. Ako lang yata ang naligaw sa BS Psychology.

"C'mon, loosen up. Don't pressure yourself. We can adjust to this system for a while," dugtong pa ni Kuya Kwero at tinapik ang balikat ko.

Bahagya akong ngumiti roon.

Mayamaya ay nag paalam na si Kuya Kwero dahil may aayusin ito sa mga gamit niya. Hindi naman ako makaalis dahil nga sinabihan ako ni Maam Penelopy na 'wag akong aalis.

Binuksan kong muli iyong laptop at nakitang may missed videocall si Mama.

Me:

Hi, Ma! Sorry po hindi ko po nasagot 'yung tawag niyo. Nandito po ako sa bahay nila Ma'am Penelopy.

Nag intay ako ng ilang minuto ngunit hindi parin sumasagot si Mama. Isasara ko na sana ang laptop ng mag ring ulit ito. Akala ko kay Mama galing ang videocall pero kay Dyne pala.

"Hi there babe," bungad niya.

Hindi ko agad napigilang ngumiti dahil doon.

"Hello, babe. Kumusta? Naka-enroll ka na?" Sunod sunod na tanong ko.

Hindi kasi kami makapag usap ng mahaba nitong nakaraan. Busy daw sila sa family business nila.

"Oo, babe. By the way, na kayla Kwero ka? The house seems so familiar," saad ni Dyne.

Tumango tango naman ako at ngumiti rito.

"Palagi akong inaaya ng mommy nila dito. Nag offer rin ng part time job 'yung mommy nila sa akin in exchange of a stable internet connection," paliwanag ko.

Tumango tango rin siya pero halata naman sa ekspresyon niyang may mali.

"Why? May mali ba sa nasabi ko?" Kaagad na tanong ko.

Kapag ganiyan ang ekspresyon ng mukha niya ay alam ko nang may mali na agad.

"Nevermind, I'll just say it to Kwero," saad niya.

Napanguso ako roon. Pwede niya namang sabihin sa akin kasi girlfriend niya ako. Kay Kuya Kwero pa talaga.

"Ihahabilin lang kita. I'm aware thay his brother is a bully," matapos niyang sabihin iyon ay bumuntong hininga siya.

Panalo ako. Napapayag ko siyang sabihin ang nasa isip niya.

"Kaya ko naman i-handle si Kralc. Kailan ba ako nag paapi?" May yabang sa tono ng boses ko.

Hindi naman talaga ako nag papaapi. Wala naman kasi akong masamang ginagawa tapos mang gugulo siya.

"Hindi kaya crush ka no'n?" Out of the blue na tanong ni Dyne.

Hindi ko napigilang tumawa dahil sa sinabi niya.

"Pft HAHAHA. Hindi 'no. Malabo. Tyaka kung mayroon man, pasensya siya kasi---"

Naputol ang pag sasalita ko nang makitang nawala ang internet connection. Mabilis na dumaloy ang paningin ko sa router ng wifi nila at doon, nakita kong nakatayo si Kralc.

Isa isang nag labasan ng kwarto si Kuya Kwero at Mr. Bandwen.

"Anong nangyari sa wifi?!" Galit pang tanong ni kuya Kwero.

"Sorry akin, akin. Nadanggi ko kasi eh," paliwanag niya.

Nadali?! Ha! Narinig niya lang ang sinasabi ko kaya niya sinadyang galawin ang router!

"Stay away from the router, Ralc. Your dad has meeting and Kwero is  installing something in his laptop," pangangaral ni Maam Penelopy, mukhang hindi pa nga tapos sa pag luluto niya.

Matapos bumalik ang connection ay nag balikan na rin sila sa kwarto at opisina.

"Sinadya mo 'yon," saad ko habang nakatingin sa kaniya ng masama.

Ngumisi ito at nag kibit balikat.

"Ano naman kung sinadya ko? Anong gagawin mo? Mag susumbong ka?" Sunod sunod na sabi niya

Bahagya akong tumawa, "Bakit naman ako mag susumbong eh sapat na saking mapatunayan na immature ka talaga," saad ko ng may tono pa ng yabang.

It's always like this. He will start the argument and I will finish it with a sentence that he cannot able to reply.