webnovel

Not Your "Normal" Love Story

Pandemic occurs and everything turn into abnormal. People can't go outside. People just stay at home. Some are hopeless to live. But what if one day, someone changed your way of living while there is a pandemic?

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
5 Chs

One

"Dahil sa nasabing pandemya, gagawin nang online class ang mga klase ngayong taon hanggat hindi pa bumabalik ang sa normal ang lahat--"

Hindi ko na tinapos pa ang panonood ng balita sa tv. Matapos patayin ang tv ay naibalibag ko ang remote sa tabi ng sofa na kinauupuan ko.

"See that, anak? They are making sure na makakapag aral parin kayo--"

Napabuntong hininga ako ng makita ang laptop na nakapatong sa table. Naputol iyong connection ni Mama kaya naman hindi na niya napag patuloy pa ang sinasabi.

See that, Mama? Wala tayong stable na internet connection dahil hindi naman updated ang internet natin.

Naipikit ko nalang ang mata ko ng mariin. Hindi ko iyon masasabi sa nanay ko dahil dadagdag lamang iyon sa sakit ng ulo niya. Pagod na nga siya kakaasikaso sa mga pasyente sa ospital na pinagtratrabahuhan niya sa Canada, mas lalo pa siyang mapapagod kung mag rereklamo ako. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit sa ulo ng nanay kong nurse.

"Naputol na naman ang tawag 'nak? Ang hina talaga ng internet d'yan sa bahay. Siguro dapat… i-upgrade na natin ang internet. Kaso, wala pang sahod 'nak. Kakaumpisa lang ng Mama dito." Halata ang pagod sa boses ni Mama. Ito ang pinaka ayaw kong marinig na tono ng boses niya

Ngumiti ako kay Mama, "Ayos lang Ma. Kaya naman siguro itong connection natin."

Ang totoo ay kinakabahan ako. Baka mamaya ay hindi ko masabayan ang mga klase ko dahil sa bagal ng lintik na internet na 'to!

"Iisip ako ng paraan 'nak. Aalis muna ako ha. May bagong dating na pasyente na naman."

Halata sa kilos niya ang pagod pero dahil nga may bago na namang covid patient, kailangan niya iyon asikasuhin.

Matapos kumaway ni Mama ay pinatay na niya ang tawag. Dahil wala na rin namang gagawin ay iniligpit ko ang kalat sa sofa at umakyat na sa kwarto ko. Binuksan ko iyong kurtina para pumasok ang hangin pero nainis lang ako dahil nakita ko ang virus sa street na ito. Sa kasamaang palad ay mag katapat lang ang balcony naming dalawa.

May bagong lipat sa tapat ng bahay namin. Bago mag lockdown sila lumipat. 'Di hamak na mayaman dahil halata ito sa pagkakadisenyo ng bahay nila. Kilalang architect at engineer ang nag plano sa bahay nila. Samantalang itong bahay namin ni Mama ay napamana lang ng lolo bago siya mamatay. Two storey house.

Rinig mula sa bahay nila ingay ng music. Rinding rindi ako gabi gabi dahil sa ingay. Gusto ko man sugudin ang mga nakatira doon ay baka mahuli ako ng curfew.

Hindi ko namalayang nakatulala pala ako. Nagulat nalang ako ng patawid na ng kalsada ang nakafacemask na si Mrs. Penelopy Rosewelt. Siya iyong isa sa may ari ng bahay. Nang makita niyang nakadungaw ako sa bintana ay kumaway ito sa akin at sumenyas na bumaba ako. Dahil alam kong hindi niya ako titigilan ay bumaba na din ako.

"Emoni ang cute cute mo talaga!" Masiglang bati nito sa akin, halos kuminang pa ang mata sa tuwa.

Napangiti ako dito, "Kayo po talaga. Bakit po kayo napasugod? Mamaya mahuli po kayo ng curfew."

Tumingin ito sa relo niyang halata mong pang mayaman kasi sobrang ganda. Branded pa.

"Nasa GCQ naman itong lugar natin, hija. Tyaka quarter to 8 palang naman. Gusto lang kita dalhan ng niluto kong baked macaroni. Wala namang nakakaappreciate niyan sa bahay kaya dinalhan nalang kita," malungkot ang tono nito, halatang dismayado.

Tinanggap ko naman iyon agad.

"H'wag po kayong mag alala, uubusin ko po ito. Salamat po at naalala niyo ako. Nakakahiya man po," saad ko at bahagyang ngumiti.

Palagi ako nitong dinadalhan ng kung ano ano. Palagi niyang dahilan ay sobra ang nabili niya sa grocery store pero halata namang palusot niya lang iyon.

"Nako wala iyon hija. Tyaka mahirap ang mabuhay mag isa 'no. Habang busy ang mama mo sa ibang bansa, I'll take care of you," nakangiting sabi ni Maam Penelopy. "Tyaka alam mo namang dalawa ang anak kong lalaki. Parehas pang maldito. Bakit ba hindi ako nag karoon ng babaeng anak? Edi sana ay may nag lalambing sakin ngayon."

Matapos sabihin iyon ay parehas kaming natawa. Palagi niyang daing iyon sa akin kaya naman hinahayaan ko siyang mag punta sa bahay minsan. Lalo na noong nag GCQ na ang lugar namin.

"Sige na hija, malapit na ang curfew. Ililigpit ko pa ang pinag lutuan ko," pag sabi nito ay inakap ako ng mahigpit. Matapos noon ay kumaway rin siya.

Tinanaw ko si Maam Penelopy na makatawid at hanggang sa makapasok siya sa bahay nila.

Halos mapatalon ako sa gulat ng matanaw kong nakasilip iyong virus mula sa balcony niya.

"Gross," saad nito.

Dahil wala ako sa wisyong makipag away, pumasok nalang ako sa loob ng bahay. Kumuha agad ako ng tinidor at dinala ang pagkain sa kwarto ko. Binuksan ko ang lamp sa study table ko at ipinatong doon ang baked macaroni.

Pag bukas ko ng laptop ay bumungad sa akin ang announcement ng  Pamantasan. Enrollment na.

Sakto namang nag chat si Mama. Siguro ay tapos na niyang asikasuhin ang pasyente.

Mameeh:

Nakita ko iyong post sa page ng dream school mo anak. Mag fill up ka na.

Napatitig ako sa google form matapos kong pindutin ang link.

May matututunan kaya ako kapag nag enroll ako this school year? Parang wala naman e. Panibangong sistema itong papasukin ko.

Me:

Ma, 'wag na kaya muna ako mag aral? Stop nalang po muna ako.

Mameeh:

Sayang naman anak. Pag isipan mo muna ha? Gagawan ni Mama ng paraan ang internet connection. Baka next school year ay wala nang ganiyang offer ang dream school mo.

Tama siya. Rare opportunity kasi itong large number of student ang tatanggapin ng Pamantasan. They usually accept 1000 students lang. For this school year, they will accept 2000 students. Isa ako sa nabigyan ng chance na mag fill up dahil noong normal pa ang lahat, nag exam ako sa school na ito.

Me:

Opo Ma. Pag iisipan ko po.

Kinabukasan ay isa na namang araw na naka kulong lang sa bahay. Unti unti nang nasasanay ang sistema ko sa ganitong setting. Which is mali sa akin. Mas gusto ko ang nasa labas kaysa sa kulong sa bahay.

Nagising ang diwa ko ng may malakas na kumatok sa pinto ng bahay. As in, pinto. Paano nakapasok sa gate?!

Binuksan ko iyon at tumambad si Maam Penelopy. Ngiting ngiti pa. Tanghaling tapat at mas makintab pa sa araw ang ngipin niya.

"Let's have lunch na!" Tuwang tuwang sabi niya.

Tatanggi sana ako ngunit kinalawit niya ang braso niya sa braso ko. Isa na namang serye ng "Kaladkarin Series".

Mabilis niya akong nakaladkad papasok sa bahay nila. Hindi ko alam kung gaano kabilis. Siguro ay kung gaanong kabilis mauubos ang balat ng letchon sa handaan.

Nakangiti kong tinignan ang asawa ni Maam Penelopy na si Sir Bandwen Rosewelt. Mabait silang mag asawa. Kung tutuusin ay sila ang nag bigay ng opportunity kay Mama na maging nurse sa Canada. Malaki ang share nila sa ospital na pinag tatrabahuhan ni Mama ngayon kaya ganoon.

Hindi ko na tinapunan pa ng tingin iyong mag kapatid. Masisira lang ang araw ko.

Habang kumakain ay biglang nag open ng topic si Maam Penelopy. Iyon ang bumasag sa katahimikan namin.

"Mag eenroll ka this school year, Moni?" Tanong ni Maam Penelopy

Awkward akong ngumiti dito dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. Hindi pa sigurado.

"Bale pinag iisipan palang po, Maam." Saad ko

Lumipat ang tingin ni Maam Penelopy sa mga anak niya. Nanunuri iyong tingin niya dahil halatang walang intensyon sa topic.

"Kralc? Kwero? Anong plano niyo?" Tanong ni Maam Penelopy

Sabay na tumingin iyong magkapatid sa nanay nila. Animo'y natauhan na kasama pala nila kami. Terible.

"It depends on Kwero since he's the oldest." Sagot ni Kralc

Sa isip ko ay ginagaya ko ang sinabi nito ngunit sa mapang asar na tono.

"Do you always need to depend on me because I am the oldest? Magiging first year college ka na, sa'kin ka padin nakadepende." Sagot ni Kwero

May point naman si kuya.

"Eh hindi ba't ikaw ang magaling?" Pabalang na sagot ni Kralc

"Manners," saad ni Sir Bandwen.

Dahil doon ay natigil ang alitan nila. Nakakatakot nga naman ang malalim na boses ni Sir Bandwen.

"Fine. I will be attending the same school with Kwero. Happy?" Saad ni Kralc

"Hindi 'yun praktikal kasi private school kayo. Imagine, if mag babayad ka ng tuition na sagot dapat ang aircon, facilities, laboratories, library and etc, talo kayo. Since new normal nga, dito lang kayo sa bahay. If nag private school kayo, sayang 'yung pera na pambabayad niyo nalang ng kuryente."

Napatakip ako ng bibig dahil doon. Did I say that outloud?! Kailangan ko nang tanggalin ang bad habbit na ito!

"Sorry po hehe. Hindi ko po sinasadyang makielam," nahihiyang sabi ko.

"No, it makes sense tho. Mas praktikal ang ganoon. You gave us a way to save money," saad ni Sir Bandwen.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o anong mararamdaman ko. Nararamdaman ko na agad ang titig ni Kralc.

"Sa Pamantasan alam ko mayroon ng mga course niyo. I will take to my friend there," saad ni Maam Penelopy.

Doon natapos ang diskusyon patungkol sa pag aaral ng mag kapatid. Mabuti pa sila ay naresulba na ang problema. Samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin. Hanggang mamaya nalang iyong pag fill up ng form. Mawawala ang slot kapag hindi ako nag sagot.

Nag pakawala ako ng buntong hininga na hindi ko inakalang pupukaw ulit ng atensyon nila.

"Meet me at my office room later, hija," saad ni Maam Penelopy.

Kinabahan tuloy ako dahil doon. Matapos kumain ay tumulong ako sa katulong nila na mag imis. Naging ugali ko na ito lalo na kapag nag papatawag ng kainan si Maam Penelopy. Bestfriend ko na nga iyong head maid nila eh.

"Manang Patty, papasok po ba this year iyong mga anak niyo?" Tanong ko, I'm pertaing to her grade 9 and 10 student son and daughter.

"Oo naman, 'nak. Sayang raw ang isang taon. Sa katunayan ay sinagot ni Mrs. Rosewelt ang gamit nila sa school. May wifi na naman sa bahay kaya hindi na mahirap pa," kwento ni Manang Patty.

Ay sana all may wifi na matino. Favorite ni Lord 'yung mag kapatid.

"Ikaw rin 'nak. Pasok ka na. Sayang ang isang taon. Para next year second year ka na," dugtong pa ni Manang Patty.

Daladala ko ang mga sinabi ni Manang Patty hanggang sa makarating sa office room ni Maam Penelopy. Mukhang kakatapos lang ng online meeting nito at kakasara niya lang ng laptop.

"That was an offer from Pamantasan. They want me to teach Anatomy 101. Should I accept it?" Nakangiting tanong ni Maam Penelopy

"Oo naman po, Maam! Magandang opportunity po 'yun," saad ko, hindi ko na natago ang excitement sa boses ko.

Hindi nag kupas ang ngiti nito. Isinensyas niya ang upuan kaya naman umupo ako.

"Sabi ng Mama mo ay may problema raw sa wifi niyo kaya nag dadalawang isip ka kung papasok ka ba this year or hindi. So we come up with a solution--"

"Hindi po ako tatanggap ng pera, Maam Penelopy," pag putol ko agad sa sinasabi niya.

Tumango tango si Maam Penelopy, "Alam ko, hija. Hear me out. So the plan is, you can have an internet connection here and work for me as my assistant. Sounds fair?"

Tumango tango ako bilang tugon. Dahil doon ay mas lumawak ang ngiti niya.

"Good. Kasi sayang ang isang taon mo, hija. Don't worry hindi naman kita papahirapan bilang assisstant ko. I just don't want you to feel guilty."

Nakangiti kong nilisan ang opisina ni Maam Penelopy. Dalidali tuloy akong umuwi para sagutan iyong form na isinend ng Pamantasan sa email ko. Matapos sagutan iyon ay nag chat ako kay Mama.

Me:

Thank you, Mama. The best ka talaga.

Alam kong mamaya niya pa 'yun mababasa dahil may duty pa siya. Pero ayos lang.

Halo halo na ang nararamdaman ko. Pero alam ko, excited ako sa Online Class.