webnovel

Not Your "Normal" Love Story

Pandemic occurs and everything turn into abnormal. People can't go outside. People just stay at home. Some are hopeless to live. But what if one day, someone changed your way of living while there is a pandemic?

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Three Of Us

"What the heck is this? A storage room? Why is the coffee mug is in the closet? Why these clothes are hanging in the fan instead in the closet? What kind of room is this?!"

Napapitlag ako sa gulat dahil doon. Kaagad kong naimulat ang mata ko at tyaka bumangon sa kama ko. Gulat na gulat ako ng makita si Kralc na hawak iyong cactus ko at iniisprayan pa.

"You're the only decent living thing here," saad niya sa cactus habang dinidiligan ito.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?! Paano ka nakapasok?!" Sunod sunod na tanong ko

Kaagad kong binalot ang sarili ng kumot dahil naka sando lang ako tuwing matutulog. Sando lang dahil wala akong bra.

What in the earth is he doing here?

"I'm here because my mom send me to wake you up--like what are you? A princess? You damn ugly feeling princess. And yes, I used the door to enter this house. Where do you expect me to enter? To your window? I'm not stupid like you," mahabang litanya nito.

"Tanga! Alam ko namang pinto ang ginamit mo. Pero excuse me ho, ano? Nakalock po ang gate at pinto. Ayos ka rin ah," ganti ko.

He put his hand to his pocket and pull the keys from there.

Wait a minute… why does he have a spare keys?!

"I don't like what you are thinking right now. Your mom left these keys to my mom before she left the Philippines. She said to my mom that we can use this in case of emergency," nakasimangot niyang sabi.

Tinignan ko naman ito ng asar pa rin, "And what's the emergency?" Tanong ko rito.

He pointed my calendar and specifially pointed the date. And the note says, "First day of online school."

Napatayo ako sa kama ko dahil doon. Nanlaki pa ang mata ko dahil ngayong ko lang narealize na malalate na ako.

"You don't have enough time to take a bath. They can't smell you anyways. But just please, stay away from me. You smell like shit," saad ni Kralc.

Umuwang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Pero wala na akong panahon para makipag fliptop sa kaniya. Kaagad akong kumuha ng white tshirt at pumunta sa banyo. Matapos mag hilamos at toothbrush ay nag palit ako ng damit. Mabuti nalang talaga at naligo ako kagabi.

Pag labas ko ng banyo ay kaagad kong binitbit ang laptop na binigay ni Maam Penelopy at ganoon na rin ang isang pirasong notebook at ballpen.

Akala ko ay umalis na si Kralc only to find out that he's standing at the door. Looking at me with the pair of black eyes.

"Ano na namang pambwibwisit ang sasabihin mo, Kralc?! Utang na loob lang. Malalate na ako sa online class," napupuno nang sabi ko.

He laugh in the most irritating way for me. Iyon ay ang pagtawa habang nakatingin sa mata ko. Nakaka intimidate.

"At least comb your hair? What are you? An old broom?" He said then laugh again.

Punyeta. Punyeta talaga.

Hindi ko na ito pinalagan pa at kumuha nalang rin ako ng suklay tyaka ilang hair clip. Isinilid ko ang lahat ng gamit ko sa tote bag at tyaka siya nilampasan. Nauna na akong nag lakad dahil iseset up ko pa ang gamit ko. Hindi ko alam na imposible palang maabot ng two minutes mula sa gate nila hanggang sa study room nila na nasa taas pa ng bahay. Maski si Manang Patty ay nadaanan ko at nagulat pa nga.

Pag dating ko doon ay agad kong ipinatong sa table ang laptop ko. Mabuti at full charge ito dahil nalimutan ko iyong chager ko. Matapos kong maset up ang laptop at notebook ko ay humarap ako sa salamin rito. Mabuti nalang talaga at may salamin dito.

Iniladlad ko ang nakatali kong buhok at nilagyan ang mag kabilang gilid ng tag dalawang piraso ng hair clip. Bigla ay naalala kong sinabihan ako ni Kralc na, "You smell like shit." Inamoy ko ang sarili ko at hindi naman sa pag mamayabang, wala akong amoy. Maarte lang talaga siya.

Narinig kong lumagabog ang pinto sa tapat ng study room. Iyon ang kwarto ni Kralc. Hindi ko nalang pinansin iyon.

Nag enter na ako sa meeting ng naka mute at naka off ang video. Wala pa namang rules eh. Nag open ako ng gmail habang wala pang prof. Ngayon lang nasend sa akin ang assessment form ko. Inintay ko pa man rin ng friday pero walang dumating. Basta alam ko lang na alas siete ang unang klase ko. Narinig ko lang sa iba kong kaibigan na BS Psychology ang kinuha.

PED101, 7:00 am to 8:30 am.

Oh well, thank you na rin kay Kralc.

Kung hindi niya narinig ang thank you ko, bahala na siya.

"Open your cameras. I want to see my fresh students," saad ng prof sa PE. She's like in 30's. She's smiling so that means she's not a terror prof right?

Natawa pa ako ng bahagya dahil sa sinabi niyang "fresh" daw. Nahiya ako na fresh from bed HAHAHA.

Isa isang nag bukas ng camera ang mga classmate ko at ganoon na rin ako. Laking gulat ko nang makita ko si Kralc. Hindi ko alam kung nakita ba nila na nanlaki ang mata ko. Ang alam ko lang ay nagulat talaga ako at medyo umuwang ang bibig ko.

What the hell is he doing in my class?!

Nakita ko ang pag ngisi nito dahil ito marahil sa ekspresyon ko. Hindi ko talaga inaakala na pareho kami ng course ans worst?! Mag kapareho kami ng section!

Hindi ko pa rin nakikita ang class list. Kung nakita ko iyon sa una palang, mag papalipat ako ng section!

May magnet ba ako sa kamalasan?! Minsan nalang maging favorite ni Lord, sa malas pa!

"Okay, I want you to introduce yourself and tell us what is your expectation to this subject," saad ni Miss.

Nag umpisa na itong mag tawag ng mga estudyante dahil walang may gustong mauna. Sino nga bang may gusto mauna sa introduce youself?

Alphabetical tinatawag ni Maam ang mga kaklase ko. Nag papasalamat ako palagi dahil "Luna" ang apelyido ko. Maraming mauuna kaysa sa akin. Isinulat ko tuloy muna ang introduction na gusto kong masabi. Ayaw ko namang mautal sa pag papakilala palang.

"Luna?" Pag tawag ng prof ko sa akin.

Naka-aircon naman pero pinag papawisan ako ng malagkit. Grabe.

"Good day, I'm Emoni Luna. Eighteen years old. I live in Crystal Subdivision. I came from Crsytal Senior High School. My expectation to this subject is this will be not a typical physical education. I think I will learn something new from this subject this sem," sagot ko.

Ngumiti at tumango tango ang prof ko dahil sa sagot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tapos na. Nalutang lang ang isip ko hanggang sa tinawag na si Kralc.

"Symon?"

Napaayos pa ako ng higa dahil doon. Interesado ako sa sasabihin niya.

"I'm Kralc Symon. Nineteen years old. I live in Crystal Subdivision. I came from Brooklyn Senior High School. My expectation is we will learn how to move our body again here since we are stock in our beds for months," saad niya.

Dahil doon ay tumawa iyong prof namin.

"Ayan. Tama si Mr. Symon. Gagalaw nga tayo. And for your first activity, you will be performing basic stretchings from head to feet. Gusto ko hindi kayo nag iisa sa video. Have your family or friends that live in your neighborhood in that video," saad ni Miss.

Dismayado ang tulad kong walang kaibigan dito sa neighborhood at walang pamilya.

"Miss question lang po. Paano po kapag walang family and you are living alone po?" Tanong ng isa kong kaklase

Mabuti at may nag tanong na para sa akin.

"That's impossible. Mag aya kayo ng kahit sino. Each video you must have 2-3 person beside you. Kasama ka na sa count no'n," paliwanag ni Miss.

Bigla ay natakot ako dahil terror pala si Miss. Ngayon palang ay iniisip ko na kung sino ang aayain ko.

Hanggang sa matapos ang klase kay Miss ay nag iisip parin ako. Mamaya pang 10:00 am ang klase ko kaya naman bumaba agad ako para maligo sa bahay namin. Binilisan ko na ang kilos ko dahil may pipilitin pa akong tao.

"Sige na Manang Patty. Sama ka na sa video ko sa PE. Ayaw mo no'n? Mababanat buto mo manang," pag mamakaawa ko rito.

Naawa akong tinignan ni Manang Patty at hinagod pa ang likod ko.

"Hija, isang taon nalang at senior na ako. Maawa ka naman sa buto ko. Tyaka nandiyan naman si Kralc at Kwero. Sila ang ayain mo," saad ni Mamang.

Si Kuya Kwero!

Kaagad akong mag paalam kay Manang at tyaka nag tungo sa tapat ng kwarto ni Kuya Kwero. Laking gulat ko naman na nag kasabay kami ng pag pwesto ni Kralc sa tapat ng kwarto niya.

"You loss. He's my brother. He will be my company on that PE video," saad ni Kralc.

Potsa. Blood is thicker than his face nga pala.

"Bigay mo muna kuya mo sa'kin! May Mama at Papa ka. Ako 'yung Mama ko nasa Canada. Si Kuya Kwero nalang pag asa ko!" Sigaw ko rito.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Kwero. Napatingala tuloy ako dahil matangkad talaga si Kuya Kwero. Hanggang dibdib lang ako nito.

"What's the commotion? Aren't you two aware that I'm studying too?" Saad niya

Huminga ako ng malalim at…

"Kuya pwede ka bang isama sa PE video ko?" Tanong ko.

"Help me with my PE video," saad ni Kralc.

Nag kasabay pa kami ng pag sasabi ni Kralc. Parehas kaming desidido na makuha si Kuya Kwero para sa PE video.

"Kuya ako nalang piliin mo, please? Wala akong Mama, ayaw ni manang, at wala akong kaibigan sa street na ito," pag mamakaawa ko.

"If you choose her over me, I will tell Koeny that you are putting your underwear to your mini fridge," pang bablockmail ni Kralc.

Medyo hindi kinaya ng utak ko iyong narinig ko pero nag focus parin ako sa pag hingi ng tulong kay Kuya Kwero.

"Nini how about your boyfriend? He can go here dahil GCQ naman," suhestiyon ni Kuya Kwero.

Napanguso ako dahil naalala ko ang sinabi nito sa akin kagabi.

"Busy raw siya sa family business nila pati raw sa pag babasa ng bagong hand outs. Ikaw rin ba kuya?" Saad ko.

Umiling si Kuya Kwero. Napaisip pa ito ng malalim at nag buntong hininga.

"Is that for Miss Pough? The terror PE teacher?" Tanong ni kuya Kwero.

Tumango tango ako bilang tugon.

"Okay fine. And suggestion, the three of us will be in the video but we will take two videos. One, Nini is the instructor and second, Ralc is the instructor. Sounds fair?" Saad ni kuya Kwero

Hindi ko naisip iyon ah!

Tumango tango ako bilang tugon. Tumingin pa ako kay Kralc dahil baka hindi ito pumayag. Pero tumango rin naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Pasensya na sa abala, Kuya Kwero," pag hingi ko ng paumanhin.

He smiled and shook his head, "No worries. She's really meticulous when it comes to PE. One of my blockmates got sinco from her dahil hindi ito nag pasa ng output. I don't want that to happen to the both of you. Now excuse me, I'll finish reading handouts na," saad ni Kuya Kwero at sinara na ang pinto.

Aalis na sana ako nang bumukas ulit ang pinto. Masamang titig ang ibinato nito kay Kralc.

"Don't you dare tell my girlfriend that I'm putting my underwear to my mini fridge. I will punch you straight to your nose," pag babanta ni Kuya Kwero at sinara ulit ang pinto.

Bahagya akong natawa dahil doon at nag patuloy na sa pag lalakad. Naalala ko lang bigla kung gaano kaganda si Ate Koeny. Sobrang bait pa. Classmate rin nila kuya Kwero at Dyne. Swerte ni Kuya Kwero.

"Three of us will do it. Better do your best," saad ni Kralc.

Bahagya akong natawa dahil doon, "Ingat ka. Baka mabalian ka ng buto," pag babanta ko rin.