webnovel

Worried JK

Jungkook's Pov

Nakaupo kami sa conference room ng SDR Hospital. Nakapwesto na ang lahat. Si Lisa, hindi ko alam kung saan nagpunta. Pero naririnig ko sya sa earpiece kapag may inuutos sya kay Jennie.

"Good Evening Board Members. Nagpatawag ako ng meeting dahil mga agam agam nyo na nalulugi na ang ospital. Sya nga pala nasaan si Mr. Santos at Mr. Chua? At sino naman kayo?" tanong nito sabay turo kina Jk, V at Jisoo.

"Good Evening Mr. Park ako si Attorney Kim ang abogado ng 2 na ito. Heto ang mga documents na ibinenta nila Mr. Santos at Mr. Chua ang mga shares nilang tag 20%." paliwanag ni Jisoo.

"Wala na akong magagawa dyan. Simpleng bagay lang umaatras na sila." sabi nung kapatid ni Jisoo.

"Mr. Park simula ng hinawakan mo ang ospital na to dumami na ang mga anumalya dito. Nalulugi na ang ospital na ito tama ba ako?" sabi ni Mrs. Acosta. Tumango naman yung dalawa pang board members.

"Sinasabi nyo ba na ako ang dahilan ng pagkalugi ng ospital? Napatunayan nyo na ba?" sabi nung kapatid ni Rose.

"Eh bakit hanggang ngayon ay wala kaming nararamdamang pag unlad ng ospital?" sabi nung isang board member.

"Akong bahala sa inyo. Wag kayong magpanic." sagot ng kapatid ni Rose.

"Kung gusto nyo naman palitan na lang natin ang namumuno. Ano sa palagay nyo?" sabi ko.

"Hahaha nakakatawa ka naman. 20% lang ang shares mo. Samantalang ako 40% ang hawak ko. Anong laban nyo sa akin?" sabi kapatid ni Rose.

"Actually pwede, kasi iisa naman ang may ari ng 2 shares na hawak ko eh. 20+20= 40% so patas na kayo. Mga representative lang naman tong 2 kasama ko." sabi ni Jisoo.

Nanlaki naman ang mata ng kapatid ni Rose. Magsasalita sana sya nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok si Lisa.

"Sino ka naman?" tanong ng isang board member.

"My name is Lisa Manoban your new CEO." sabi ni Lisa.

"Nagpapatawa ka ba? Wala ka naman kinalaman dito!" sagaw nung kapatid ni Rose.

"Actually meron. Ako lang naman ang nakabili ng shares ni Mr. Chua at Mr. Santos." paliwanag ni Lisa.

"So parehas kayong 40%. Dapat magpatawag na tayo ng emergency meeting. Kailangang pagbotohan na yan." sabi nung Mrs. Acosta.

"Hindi na kailangan di ba nakapangalan ang 10% shares mo kay Rose? Nasa last will ng grandma mo? So it means mas malaki ang share ko dito kaya dapat ako ang tatayong CEO." sabi naman ni Lisa.

"Hindi totoo yan! Walang last will ang Lola ko." sabi ng kapatid ni Rose.

"Mayroon kaming ebidensya. Kaya nga itinago mo yung anak ni Rose para macontrol mo ang kapatid mo." sabi ni Jisoo.

Ipinakita ni V ang mga larawan at video sa malaking tv sa harapan. Napanood nila ang pagrescue sa bata at ang mga papeles. Pati na ang last will ng lola nila Rose.

"Hindi maaari to!" sigaw ng kapatid ni Rose.

"Sumuko ka na lang at pagsisihan mo ang ginawa mo kay Rose at sa anak nya!" sigaw din ni Lisa.

"Anong karapatan mong magsabi sakin na sumuko ako? Walang susuko dahil papatayin ko kayong lahat!" sigaw nung siraulong lalaki.

Naglabas ng baril ang lalaki at tinutok kay Lisa. Naglabas din ako ng baril pati na si V. Inilayo ni Jisoo at pinagtago sa ilalim ng lamesa ang ibang board members.

"Hahaha! May karapatan sya kasi alagad yan ng batas hahaha! At isa pa maling galaw mo lang sasabog ang utak mo hahaha! Di mo napapansin ang pulang ilaw sa noo mo? Isang kalabit lang ng sniper at tapos ka na." sabi ni V habang nakatutok ang baril nya sa mga bodyguard ng kapatid ni Rose.

Pumwesto ako sa harap ni Lisa. Ayokong mapahamak ang asawa ko.

"Walang magpapaputok!" sigaw ng lalaki sa mga alagad nya.

"Ibaba nyo ang mga baril nyo at itaas nyo ang kamay ninyo at tumalikod kayo!" sigaw ko.

Sumunod naman agad ang mga ito. Nagpasukan naman ang mga pulis at pinosasan sila.

"Alam kong hindi ka naman ganun kasama. Pagdusahan mo ang ginawa mo kay Rose. At pagdating ng panahon na nagbago ka isosoli ko sayo ang shares mo. Wag ka mag alala si Rose ang magpapatakbo ng ospital at gagabayan namin sya." sabi ni Lisa.

"Pakisabi kay Rose patawad at mag iingat kayo kay Blake." sabi ng kapatid ni Rose bago sya dalhin ng mga pulis.

Matapos ang engkwentro sa ospital ay pumunta si Jisoo at Lisa sumunod sa mga pulis para asikasuhin ang ikakaso sa kapatid ni Rose. Kami naman ni V ay nasa kotse. Susunduin ko na ang kambal sa bahay ni Jisoo.

"Bakit wala kang imik dyan Jk? Kanina ka pa nakadungaw sa bintana. May problema ba kayo ni Lisa? Nag away ba kayo?" tanong ni V sa akin.

"Wala kaming dahilan ni Lisa para mag away. Medyo nag iisip lang. Nag aalala kasi ako kay Lisa. Gusto ko syang pigilan na kalabanin si Josh, kaso alam naman natin na sya lang ang may kaya kay Josh." sabi ko sabay buntong hininga.

"Di ba alam mo ang pinasok mo? Alam mo na ganyan ang trabaho nya at hindi mo na maaalis pa sa kanya yang mga bagay na yan lalo pa at kung involve ang mga mahal nya sa buhay." sabi ni V.

"Alam ko yun. Pero nag aalala ako baka may mangyaring masama sa kanya. Kung pwede lang sa bahay na lang sya at alagaan ang kambal. Kung pwede lang ako na lang ang maghihiganti para sa kanya. Hindi ko kaya na makita ulit syang napapahamak." sabi ko.

"Alam ko Jk. At alam ko na nag aalala ka sa asawa mo dahil sa sobrang pagmamahal mo. Magtiwala ka sa kanya. Alam ko naman na nandyan ka at aalalay sa kanya. Nandito kaming mga kaibigan nyo para tumulong sa inyo. Wag ka masyadong mag alala. Kakayanin natin to!" sabi ni V.

"V, kapag halimbawang may mangyari sakin paki alalayan naman si Lisa at ang kambal namin." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.

"Siraulo ka bakit parang naghahabilin ka. Para kang mamamatay na. Sinasabi ko sayo Jk kung ano man ang binabalak mong masama wag mong itutuloy. Babatukan talaga kita." sabi ni V.

"Sinasabi ko lang naman. Kapag lang naman di ba? Intindihin mo na nga lang ang pagmamaneho mo! Baka dito pa ako mapahamak." sabi ko kay V.

Nakarating kami sa bahay ni Jisoo. Sinundo ko ang kambal at sabay sabay na kaming nagsi uwian.

Makalipas ang 2 oras napatulog ko na ang kambal. Bumaba naman ako sa mini bar at kumuha ng wine. Iinom lang ako ng kaunti. Habang nainom ako at nag iisip, biglang may yumakap sa likod ko.

"Mahal bakit hindi ka pa natutulog. May problema ba? Kanina pa kasi kitang pinagmamasdan. Parang ang lalim ng iniisip mo. May bumabagabag ba sayo?" tanong ni Lisa. Umalis sya sa pagkakayakap sakin at umupo sa tabi ko.

"Nag aalala lang ako mahal sayo. Alam ko naman na hindi kita maaawat sa pagkuha ng hustisya para kay Errol. Pero kasi nag aalala ako sayo baka mapahamak ka." sabi ko.

"Mahal alam mo naman na mapanganib si Josh. Lalo tayong guguluhin nun kapag tumigil ako." sabi ng asawa ko.

"Alam ko yun kaya nga di kita pinipigilan. Wag mo na akong pansinin. Nag aalala lang ako." sabi ko.

"Mahal huwag kang mag alala. Titigil na naman ako ng pagkuha ng mission eh. Magleleave ako ng isang taon para sa inyo ng kambal. Tapos pagbalik ko sa trabaho sa tech department na lang ako. Gusto ko din naman na mamuhay ng normal." sabi nya.

"Huwag kang mag alala, aalalayan kita." sabi ko. Bigla naman ako hinalikan ni Lisa sa labi.

"Salamat mahal. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos at dumating ka sa buhay ko. Napakabait mo at maunawain. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos kundi ang kaligtasan na lang natin. Mahal na mahal kita Jk." sabi ni Lisa.

"Mahal na mahal din kita. Tulog na tayo." sabi ko.

"Sigurado kang matutulog na tayo?"  tanong ni Lisa.

"Syempre alam mo na gagawin natin bago tayo matulog hahaha." sabi ko. Binuhat ko si Lisa at umakyat na sa kwarto namin.