webnovel

Princess Dahlia

Lisa's Pov

Natapos na ang rescue mission ng maayos. Pinagpahinga muna namin sina Rose sa bahay ni Jisoo. Maaga akong nagising dahil gutom na si Lala. Buti na lang at tahimik si Leo. Mukhang mabait ang anak kong lalaki at pinagbibigyan muna na dumede si Lala bago sya. Kaugali ni Errol.

Matapos kong padedehin ang kambal ay nagring ang cp ko.

"Hello?" tanong ko sa tumawag.

"Lisa dito na daw kayo magtanghalian  sabi ni Rose. Gusto nya daw ipakilala kayong lahat sa anak nya. Isama mo na ang buong Bts." sabi ni Jisoo.

"Ok darating kami. Bye bye!" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumaba muna ako papuntang kusina para ipaghanda ng breakfast ang asawa ko. Nagtoast ako ng bread tapos nagluto ng bacon, hotdog and eggs. Habang inihahanda ko ang pagkain sa lamesa, nakita ko na nakasandal si Jk sa pinto ng kusina.

"Oh bakit ka pa nakatayo dyan,umupo ka na at kumain." sabi ko.

"Wala lang. Ang sarap mo kasing pagmasdan habang nagluluto. Ang ganda at ang sexy mo kasi mahal lalo na kapag naka apron ka." sabi nya.

"Baliw ka talaga. Gutom lang yan. Umupo ka na at titimplahan na kita ng kape. Sya nga pala dun daw tayo maglunch kina Jisoo. Ipapakilala daw ni Rose sa atin ang anak nya." sabi ko at umupo naman si Jk sa lamesa.

"Pwede bang makikain?" napatingin kami ni Jk sa pinto ng kusina.

"Langya kayo makikikain na naman kayo. Bakit hindi kayo magluto sa inyo?" sabi ni Jk.

"Cge na maupo na rin kayo V at Jimin. Ipagtitimpla ko na rin kayo ng kape. Asan nga pala ang iba?" tanong ko sa dalawa.

"Tulog pa ang mga tanders eh kaya makikikain na lang muna kami." sabi ni V.

"Kaya naman pala mahal madami ka niluto kasi nararamdaman mo na darating sila." sabi ng asawa ko.

"Sarap tumira kay Sis, hindi ka kasi magugutom at masarap pa magluto. Ampunin nyo na lang kaya kami ni alien." sabi ni Jimin.

"Tama ka dun Chim Chim." sabi ni V.

"Kapal ng mga mukha nyo. Mamumulubi kami ng asawa ko sa inyo. Ang tatakaw nyo pa naman." sabi ng asawa ko.

Nagkwentuhan habang kumakain. Nasabi ko na rin sa kanila na duon kina Jisoo kami maglunch.

Habang nakain ako narinig ko na umiyak ang kambal. Paano ko narinig? Simple lang nagkabit ako ng cctv sa kwarto ng kambal at nakaconnect sa phone ko. Dali dali akong umakyat sa kwarto kasama si Jk. Mahirap kaya magbuhat ng dalawang bata.

Pagkakuha namin sa kambal bumaba kami at inilagay sila sa stroller. Regalo ito ni Jennie stroller for twins na kulay pink at blue.

Iniwan ko ang mag aama sa salas. Bumalik ako sa kusina at nakita ko na naghuhugas ang dalawa ng pinagkainan namin. Infairness sa dalawa marunong palang maglinis. Kinuha ko na lang ang kape ko at lumabas ng kusina.

Nagbukas ako ng laptop ko at sinimulan ko nang magtrabaho. Habang nanunuod naman ang asawa ko ng tv, sina V at Jimin naman ang nag aalaga sa kambal. Ang hilig pa naman nilang kargahin ang mga anak ko.

Napatingin ako sa oras at nakita kong 11:30 na ng umaga. Mabuti na lang at tapos na ako. Inaya ko na ang tatlo na magpunta kina Jisoo.

"Mahal kunin mo na lang yung mga bag ng mga bata. Inayos ko na yun." sabi ko kay Jk.

"Sis puntahan na muna namin ang mga tanders. Baka tulog pa ang mga yun." sabi ni V.

"Sige at sabay sabay na tayong pumunta dun kina Jisoo." sabi ko at umalis na ang dalawa.

Lumabas kami at nagpunta kina Jisoo. Naglakad lang kami. Hindi nakasama ang mga tanders kasi may aasikasuhin sa mga negosyo nila. Si V ang nagtutulak ng stroller ng kambal.

Agad naman kaming nakarating sa bahay ni Jisoo. Nagdoorbell kami at si Jennie ang nagbukas ng pinto.

"Tuloy kayo guys. Nakahanda na ang lunch natin. Naku ang mga babies namin ang cucute. Ang dami ko nang pamangkin." sabi ni Jennie.

Dumiretso na kami sa dining area. Duon nakita namin na nakaupo sila Rose at ang anak nya at si Jisoo. Nagsiupo na kami at nagsimulang kumain. Gutom na kasi ako hahaha.

"Thank you Lisa at sa inyong lahat sa pagsagip sa anak ko. Sya nga pala ang anak ko si Princess Dahlia. Baby sila ang mga tito at tita mo mga friends ni mama at ang dalawang baby sina Leo at Lala ay mga baby ni tita Lisa at tito Jk mo." paliwanag ni Rose sa anak nya na 5 taong gulang.

"Hello po my name is Princess Dahlia." sabi nung anak ni Rose.

"Hello ako si Ninang Lisa mo. Eto naman si Ninong Jk mo at ang mga babies namin na sila Lala and Leo. How are you sweetie? Are you happy being with your mom?" tanong ko.

"Im fine po. Happy po ako kasi may mommy na po ako. Nakakulong lang po ako sa room eh." sabi nung bata.

"Thats not gonna happen baby. Your mommy will always stay with you. At nandito kami lahat para sayo. Kung may kailangan ka sabihin mo.lang samin. Lalo na sakin na tita ninang mo. Okay?" sabi ni Jisoo.

"Okay po. Ninang Lisa can i play with your baby. I want to play barbie." sabi ni Princess.

"Baby hindi pa pwede kasi baby pa sila Lala at Leo. Hindi pa sila makakahawak ng barbie. But pwede mo sila kausapin." sabi ni Rose.

"Tayo na lang maglaro mamaya Princess ha. Ako nga pala si tito Jimin at eto nga pala si tito V." pagpapakilala ni Jimin.

"Hello po." sabi nung bata.

"Rosie bilihan mo ng mga gamit si Princess at lahat ng kailangan nya. Eto ang card ko gamitin mo muna." sabi ko.

"Naku wag na Lisa nakabili na si ate Jisoo at Jennie. Hindi rin naman kami pwede pang lumabas. At isa pa ang laki na ng naitulong mo sa aming mag ina." sabi ni Rose.

"Okay lang yun. Kung may kailangan pa kayong mag ina magsabi lang kayo ha." sabi ko.

"Wag ka na mag alala Lisa. Anong ginagawa ng mall ko hahaha. Kaya ko na bilhan yung mag ina ng mga gamit." sabi naman ni Jennie.

"Okay sige, tara na nga lang magsikain na tayo. Gutom na ako eh." sabi ko.

Masaya kaming kumain ng lunch habang nagkukwentuhan. Mabait at mukhang matalino ang anak ni Rose.

"Lisa handa ka na ba humarap sa board meeting mamaya sa ospital?"

"Ako pa? Mamaya na yung 5pm di ba? Rosie at iiwan ko muna sayo ang mga babies ko. Papupuntahin ko dito ang ibang elites. Samahan mo na rin sya Jimin. At kayo V at Jk ang tatayong representative ng mga nabili kong shares. Si Jisoo ang lawyer at si Jennie ang mga mata sa paligid." paliwanag ko.

"Copy!" sabay sabay nilang sabi.

Natapos ang kainan. Maghahanda na ako sa ikalawang hakbang ko para kay Rose. Wag ka mag alala Errol uunti untiin ko ang mga galamay ni Josh. At uunahin ko yang Blake na yan.