webnovel

Walang Kwentang Club

Jungkook's Pov

Natapos ang problema namin kay Rose. Nakakulong na ang kuya nya, mama at ang papa nya. Hindi pa din kami pinapayagan ni Boss ang head ng mga agent na umalis sa compound ng mga agent. May nagpadala kasi ng death threat. Ang mga tanders nasa kani kanilang mga kompanya nila. May mga kasama naman silang mga agent bawat isa. Kami nila V at Jimin tambay sa bahay hahaha. Sa bahay na lang kami nag oopisina. Mga tamad kasi kami hahaha. Maayos naman ang kompanya namin bawat isa.

"Asan ba asawa mo Jk bakit tayo ang nag aalaga sa kambal?" tanong ni Jimin.

"Nandun sa laboratoryo tinatapos yung sinimulan ni Errol na gamot." sabi ko.

"Jk pakain muna. Nagutom ako sa kakabasa ng mga papeles ko." sabi ni V.

"Pano naman kasi, yang si Alien inuna ang maglaro kaysa sa trabaho. Pasalamat ka maayos pa din ang kompanya mo at may matatapat kang empleyado kahit ganyan ka hahaha." sabi ni Jimin.

"Sa laki ba naman ng pasweldo ko aangal pa ba sila?" paliwanag ni V.

Buti na lang bago umalis ang asawa ko ay nagluto na ng tanghalian ko ay mali namin pala. Lagi namang nandito tong 2 na to para lang makikain. Habang pinapadede ko si Lala ay tumunog ang cellphone naming tatlo. Ibig sabihin may group chat kami.

Walang kwentang club:

J-horse: Wala si Jin sa opisina? Asan ka @PinkyJin!!!!!!!!!. May papipirmahan ako sayo.

PinkyJin: busy ako 😜😜😜

J-horse: Sabi ko wag ka aalis eh. 😤

Chim-chim: Pinaasa ka na naman hahaha.

PinkyJin: Guys!!!!!! Sinagot na ako ni Jisoobabe ko. Hanapin mo kung nasan ako Jhorse. (tapos may sinend na picture nila ni Jisoo sa beach)

Chim-chim:@PinkyJin oh kala ko ba busy ka. Congrats!

AlienV: sige jhorse maghanap hanap ka na kung sang beach yan hahaha.

DestroyerMon: magpapakain na si Jin. Congrats!

Kookie: ang iingay nyo nagigising ang kambal ko 😟 Congrats @PinkyJin

MinSugar: antok na ako😴😴😴 congrats

J-horse: may bago pa ba sayo? Sanay na kami @MinSugar. Congrats @PinkyJin

Kookie: @alienV!!!! bat mo inubos ang ice cream ko?

Chim-chim: Hala sumimangot na naman si Leo. Hala ka alien.

PinkyJin: ikaw @Chim-chim kelan mo balak ligawan si Rose?

MinSugar: torpe kasi..... 😴😴😴

Chim-chim: baka mabigla eh

DestroyerMon: di ka gumaya kay alien dumadamoves kay Jennie.

Jhorse: @Chim-chim paturo ka kay Jk hahaha.

Kookie: bat ako?

DestroyerMon: ang bilis mo kasi. Kita mo asawa agad 🤣🤣🤣

Kookie: syempre saan ka pa makakahanap ng tulad ng asawa ko. Mabait at maganda pa 😄😄😄

DestroyerMon: nang iingit pa. 😭😭

Chim-chim: bakit si jhope din naman may Violet ah.

J-horse: wag mong sirain araw ko chimchim. Ewan ko ba bat habol ng habol yung agent na yun.

DestroyerMon: gwapo ka daw eh

AlienV: Jk may ulam pa kayo?

Kookie: tangna alien ubos na pagkain namin sayo. Palitan mo lahat yun. Pati ikaw chim chim. Lagi kayong nakikikain dito sa bahay ko.

Chim-chim: masarap kumain sa bahay mo eh 😁😁😁

AlienV: pede utang? 😅😅😅

Kookie: ang yayaman nyo tapos utang? Hala magrocery na kayo.

AlienV: oo na 😘😘😘

PinkyJin: @Chim-chim may nanliligaw daw na agent kay Rose mo sabi ni Jisoobabe ko.

Chim-chim: tsk! Bat ngayon mo lang sinabi. Makaalis na nga.

AlienV: Ang sama ng mukha ni Chim-chim 🤣🤣🤣. Maggogrocery na ako Jk, bye bye.

Kookie: siraulo magkatabi lang tayo nagpaalam ka pa dito sa gc. Alien talaga to.

J-horse: bilihan mo din ako Cupcake

DestroyerMon: ako din ice cream.

MinSugar: ako din kape 😴😴😴

Chim-chim: ako din pizza.

Kookie: chocolate cake ko....

PinkyJin: ako din pink mallows.

AlienV: magbayad kayo! Maliban lang kay kookie. Madami ako utang sa kanya hahaha.

Kookie: 😏😏😏

PinkyJin: guys nakita ni Jisoobabe ang group chat natin. Pinagtatawanan na ako dahil PinkyJin ang name ko. Bye bye na. 😫😫😫

Hay naku salamat naman at natigil na ang convo naming walang kwenta hahaha. Ganyan naman kami palagi.

Mag aalas 9 na ng gabi, wala pa din si Lisa. Buti na lang at mababait ang kambal hindi iyakin. Nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan. Mukhang nakauwi na ang asawa ko. Pagbukas ng pinto nagulat ako biglang tumakbo sakin si Lisa at yumakap. Hinayaan ko munang umiyak ng umiyak, nang makita ko na medyo humina na ang kanyang pag iyak saka ko sya tinanong.

"Oh bakit naman nag iiiyak ang asawa ko? May problema ka ba mahal?" tanong ko sa kanya.

"Nabigo na naman ako huhuhu. I failed so many times. Hindi ko alam kung makakaya kong tapusin ang antidote na yun. Kung kasing talino lang ako ni Errol sana tapos ko na yun. Anong gagawin ko? Nawawalan na ako ng pag asa. Huhuhu!" pagpapaliwanag ni Lisa.

"Mahal kaya mo yan. Isipin mong mabuti kung saan ka nagkamali. Tapos ang pinakamaige mong gawin muna ay magrelax. Kumalma ka muna. Masyado ka kasing napepressure kaya hindi ka makapag isip ng maayos." sabi ko.

"Tingin mo matatapos ko yun? Nag aalala lang kasi ako. Hindi pwedeng sumugod tayo dun ng hindi pa tapos yun. Paano kung may maturukan ng gamot na iyon ang isa sa atin. Hindi ako mapapalagay." sabi nya.

"Ikaw talaga mahal. Sobrang stress lang yan. Kaya mo yan. Ikaw pa ba. Bilib na bilib nga ako sa asawa ko eh." sabi ko.

"Binobola mo lang ako eh. Ano namang ka bilib bilib sakin?" tanong ulit nya.

"Aba madami noh. Syempre unang una napakabait mo. Responsable, tapos magaling na agent. Hali ka nga mamasahiin na lang kita para mawala ang stress mo." sabi ko.

Hinawakan ako ni Lisa sa pisngi ko at pinagkatitigan.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos at binigay ka nya sakin. Hindi ko alam kung deserving ba ako sa pagmamahal mo. Bakit sobra mong bait. Lagi mo akong inuunawa. Kahit nagiging pabigat na ako sayo, hindi ka pa din umaangal." sabi nya.

"Dahil mahal kita. Kaya kitang unawain dahil sobrang mahal kita. At lagi mong tatandaan hinding hindi ka magiging pabigat sa akin. Naintindihan mo?" sabi ko.

"Tara na sa kwarto mahal nanggigigil ako sayo hahaha. Sundan na kaya natin ang kambal?" hinampas naman ako ni Lisa dahil sa sinabi ko.

"Loko ka talaga ang liliit pa ng kambal." sabi nya.

"Eh ano naman, kaya naman natin buhayin sila ah. Mayaman ako at mayaman ka." sabi ko.

"Baliw. Halika na nga pagod na ako. Gusto ko na rin magpahinga. Kung gusto mo sabay na lang tayo maligo." sabi nya.

Bigla naman kaming nakarinig ng iyak ng mga bata.

"Tsk! Ang galing talaga ng kambal. Parang nakakaramdam. Bitin na naman ako nito." sabi ko.

"Wag ka mag alala mahal mamaya pagtulog ng kambal sasayawan pa kita hahaha." sabi nya.

"Promise mo yan ah." sabi ko. Yes! Magiging maganda na naman ang gabi ko.