webnovel

Training

Jungkook's Pov

Pinagbihis kami ni Lisa ng sports wear. Magtetraining daw kami para sa kaligtasan namin. Sa totoo lang alam kong malayong malayo ako sa karanasan nya sa pakikipaglaban pero gusto kong kahit papaano kapag kinailangan nya ako makakasabay ako sa kanya.

"Kaya ba natin to V? Baka dapat iwan natin si Jk. Tutal naman eh gusto nyang lumapit kay Lisa." sabi ni Jimin.

"Hahaha naduwag ka na naman." sabi ni V.

"Wag ka mag alala Jimin basic muna ang ituturo ko sa inyo. Tapos pag hindi ka pwede sa field eh ilalagay ka sa tech. At kung hindi naman eh pagiging spy na lang." sabi ni Lisa.

"Yun naman pala eh. Tara na hahaha." sabi ni Jimin.

Pumasok kami sa training room.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng babae.

"Bakit bawal na ba akong pumunta dito?" sabi ni Lisa.

"Ang kapal ng mukha mo. Umalis ka na di ba bakit ka pa bumalik?" sabi nung babae.

"Violet, Violet, bakit kailangan ko ba sabihin sayo lahat ng lakad ko? Bakit hindi mo tanong kay boss kung bakit nila ako pinababalik. Wala ka ba dito kahapon?" sabi ni Lisa.

"Dami mong dada!" sabi nung babae. Sabay hagis ng suot nyang jacket.

Hinagis din ni Lisa ang jacket nya. At pumasok sa loob ng boxing ring. Ganun din ang ginawa nung babae.

"Lisa anong gagawin mo?" sabi ko.

"Maupo muna kayo. Manood kayo kayong mabuti para may idea kayo sa pakikipaglaban. Rules kasi dito pag hinagisan ka ng bagay ibig sabihin hinahamon ka." sabi ni Lisa.

"Anong rules at anong mapapala ko pag nanalo ako?" Tanong ni Lisa sa babae.

"Dating gawi. Pagnanalo ka sayo ulit ang training room." sabi ng babae.

Nagsuot na sila ng gloves at kung ano anong safety gear.

Ting!!!! Hudyat na ito na simula na ang laban. Lumapit ang babae at sinipa si Lisa. Naiwasan ni Lisa ang babae. Panay atake lang ng babae. Si Lisa iwas lang ng iwas. Mukhang alam ko na ang strategy nya hahaha pinapagod muna ang kalaban. Umatake ulit ang babae ng isang sipa. Lumusot si Lisa sa ilalim nung babae. Ang bilis ng kilos ni Lisa. Paglusot nya biglang sinipa din nya ung babae. Tumalsik ang babae. Ngumiti si Lisa.

"Madaya ka." sabi nung babae.

"Anong madaya dun. Kaya ka hindi umaangat ng rank eh. Alam mo kulang mo? Pakikinig at strategy. Tapos mahina ka pa. Kulang ka pa sa training. Kaya bakit ka magtuturo kung ikaw hindi mo kaya." sabi ni Lisa.

"Dami mong dada." sabi nung babae. Tapos sumugod ulit.

Tinatawanan lang ni Lisa yung babae. Naaasar na yung babae. Panay na nga sigaw ng kung ano ano ang babae. Sumugod si Lisa, nakahanap sya ng butas. Sinuntok nya ang babae ng malakas sa tyan. Napasuka ng dugo ang babae. Hindi pa nakuntento si Lisa nung tumayo ang babae at umatake, ibinalibag ni Lisa ang babae. Hindi na nakatayo ang babae. Pinulsuhan ito ni Lisa.

"Dalhin nyo na sa clinic to para malunasan. Wag kayong mag alala buhay pa to." sabi ni Lisa.

"Mukhang nagtimpi ka pa nito." sabi ni Jennie na bagong dating. Pinupulsuhan nya ang babae. Chineck up nya na rin ito. Pagkatapos dinala ang babae sa clinic.

"Pasensya na kayo kung naiwan ko kayo ng mga nakaraang linggo. Simula ngayon hanggat nandito ako, ay ako ang magtetrain sa iyo. Pag wala naman ako sisiguraduhin ko na may papalit sakin." sabi ni Lisa.

"Thank you Agent Black!" sabay sabay na sabi ng mga batang agent.

Pinaupo kami sa gilid ng mga batang estudyante.

"Para sa mga baguhan nating estudyante, kailangan tapat ka sa sarili mo. Bago ka pumasok sa lugar na to dapat alam mo na ang kakayahan at limitasyon mo. Hindi yung puro yabang lang ang kaya nyo. Kahit ganun lahat kayo dapat malaman ang basic. Dahil dapat marunong kayo ng self defense para pag may umatake sa inyo malulusutan nyo." paliwanag ni Jennie.

"Kapag naidentify na namin ang mga skills nyo, ilalagay namin kayo sa dapat na kalagyan nyo. Meron sa field at tech department. Meron din naman sa spy at asset. Tapos meron din sa medical department. Lagi nyong tatandaan hindi importante kung san ka nakatalaga. Its a matter of team work. Determinasyon at tyaga ang kailangan para tumaas ang rank nyo. Naintindihan nyo ba?" tanong ni Lisa.

"Yes Agent Black!" sabi ng mga bata.

"Sige simula na ng rankings. Sa mga baguhan basic muna tayo." sabi ni Lisa.

Si Jennie ang umasikaso sa datihang estudyante. Si Lisa sa mga baguhan. Natapos na mga batang estudyante, kami na ang susunod.

"Sige ikaw muna Jimin ang mauuna. Sige basic boxing muna tayo." sabi ni Lisa.

Natapos si Jimin sa ability test nya. Bagsak sya sa physical test. Nang pinaupo sya sa tech department, pumasa sya. Sa spy dep. naman bagsak. Akala ko madali lang ang department na yun hindi pala. At sa medical, pumasa sya.

Si V naman pasado sa field, pasado sa tech department, pasado sa spy and asset naman pasado din. Pero pagdating sa medical bagsak sya. Medyo mahilig sa adventure si V.

Nang ako naman ang sumalang, eh pareho kami ni V ng result. Kaya pala hinahanap hanap ng mga bata si Lisa kahit strikto sya eh matututo ka talaga. Lalo tuloy akong humahanga sa kanya. Nakakapagod ang araw na to, mamaya matutulog agad ako.