webnovel

V

Lisa Pov

Natapos din ang lahat. Nakulong din si Takamura. Medyo natagalan pa nga na sunduin namin ang mga magulang ni Jk at ang ibang BTS. Pinaalis namin ng bansa ang mga magulang ni Jk dahil sa iba pang panganib. Pakiramdam ko kasi may iba pang mangyayari.

Nagtataka talaga ako kung bakit nasa bahay ni Takamura si Josh. May kaugnayan ba sila? Napuyat ako ng kakaresearch mula sa mga business ni Takamura illegal man o hindi pero wala talaga akong mahanap na magkukunekta sa dalawa.

Balik na kami sa school. Marami din kaming nalagpasang lessons pero sisiw lang napasa namin lahat ng test. Nandito ako sa rooftop ng school, nag iisip at nagmumuni muni.

"Ang lalim naman ng iniisip mo sis." tanong ni V. Sa kakaisip ko, hindi ko namamalayan na nakalapit na pala sya sa akin.

"Medyo lang naman. Teka bakit ka nga pala nandito? Di ba may meeting kayo?" tanong ko kay V.

"Tumakas ako sa meeting hahaha. Ang boring dun. Maiba ako ng usapan, kamusta ka na sis at ano iniisip mo? Di ba sabi ko sayo anytime pwede mo ako kausapin na parang kuya mo." sabi ni V.

Pinagkatitigan ko si V. Nakikita ko ang pagiging seryoso sa mga mata nya. Napabuntong hininga lang ako.

"Alam mo ba pagkatapos ng mission natin sa bahay ni Takamura, nakita ko si Josh sa bintana sa 2nd floor. Iniisip ko kung bakit sya nandun at ano ang ugnayan nya kay Takamura. Gusto ko sana syang sugurin kaso naisip ko na delikado. Gusto ko syang pagbayarin sa ginawa nya sa kakambal ko. Kung gaano nya pinahirapan si Errol gusto ko ganun din ang gagawin ko sa kanya." sabi ko. Hindi ko namamalayan na naluha na pala ako.

"Hindi deserved ng kakambal ko ang nangyari. Hanggang ngaun sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko sya natulungan. Marami na akong natulungan bilang secret agent pero ang kakambal ko hindi ko naipagtanggol. Ang dami kong what if sa isip ko. What if bumalik ako sa kakambal ko? Sigurado patay na ako. Mahina kami ng mga oras na yun dahil sa dami ng tama namin sa katawan. Alam mo ba V yung naramdaman ko nung binabalatan ng buhay ang kakambal ko? Feeling ko ako yung mamamatay. Lahat ng sigaw nya, lahat ng pagmamakaawa nya, wala akong magawa huhuhu..." paliwanag ko. Napahagulgol ako nung naalala ko yung pangyayari na yun.

"Alam mo sis, kung ako si Errol ganun din ang gagawin ko. Pupuntahan pa rin kita kahit nasaan ka pa. Kung kinakailangan kong ibigay ang buhay ko makalaya ka lang, gagawin ko. Yun ang tinatawag na unconditional love. At yun ang nararamdaman sayo ng kakambal mo. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi nyo ginusto yun. Alam ko kung nasaan man si Errol binabantayan ka nya. Sigurado akong nalulungkot sya pagnalulungkot ka. " sabi ni V.

"Ang daya nya kami na nga lang dalawa iniwan pa nya ako. Nahanap nga namin ang isat isa pero bakit ganon. Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Hindi na ba matatapos tong pasakit sakin. Hindi naman ako masama eh pero bakit parang pinarurusahan ako." sabi ko.

"Sis, habang may buhay may pag asa. Siguro may tamang panahon para dyan. Alam ko na lahat ng sakit na nararamdaman mo eh mapapalitan ng ligaya." sabi ni V.

Tumahan ako sa pag iyak. Tama pala ang sabi ni Jk kay V. Magulo, makulit at parang alien kasi weird sya pero pag nagseryoso grabe.

"Tingin mo ba liligaya pa ako?" tanong ko.

"Oo naman. Lahat ng tao may pag asa na lumigaya. Bakit hindi ka ba masaya sa pakikipagkaibigan sa amin at di ka ba masaya sa boyfriend mong si Jk?" tanong naman nya.

"Masaya kaso nag aalala ako sa inyo dahil baka mapahamak kayo. Lalo pa alam ko kumikilos na si Josh. Kung nakaya nyang gawin sa kakambal ko yun, inaalala ko baka gawin din sa inyo. Hindi ko kaya na mapahamak kayo dahil sakin lalo na si Jk." sabi ko.

"Alam mo masaya kami kasi napapasaya mo si Jk. Marami na ding hirap at pasakit ang pinagdaanan nya. Gusto din namin syang lumigaya. At ikaw lang makakapagbigay non. Kagustuhan namin lahat na mapalapit sayo. At kung ano mang mangyari harapin natin ng sama sama." paliwanag ni V.

"Isa lang hihilingin ko kung sakali na mawala ako paki alalayan ng mabuti si Jk. Thank you pala dahil gumaang ang loob ko. Thank you kuya V." sabi ko.

Ngumiti sa akin si V at niyakap ko sya. Nawala man si Errol sakin, napalitan naman ng 7 lalaki na nagpapahalaga sa akin.

Nagulat kami ng bumukas ang pinto ng rooftop. Nakatingin sa amin si Jk at Jade.

"Oh di ba tama ako! Yan bang klase ng girlfriend ang gusto mo? Napakalandi! Di na ako magtataka kung lahat kayo eh tinutuhog na ng babaeng yan." sigaw ni Jade.

"Jk." malumanay kong tawag sa kanya.