webnovel

Hardship

Jungkook's Pov

Nandito kami sa kwarto ni Lisa sa headquarters. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lisa. Hindi ko alam na ganun kabigat ang dinadala nya.

"Jennie magtapat ka nga sa amin. Alam mo ba ang nangyayari sa pamilya mo at kay Lisa? Bakit ganon nyo ituring si Lisa." tanong ni V.

"Kaya pala ganun kailap si Lisa. Alam nyo kahit hindi maganda nangyayari sa atin, hindi ako nagsisisi na naging kaibigan natin si Lisa. Sobra ang pinagdadaanan nya. Hindi nya deserve yung ganyang pangyayari sa buhay nya." sabi ni Jimin.

Hinalikan ko si Lisa sa noo. Wala pa rin syang malay.

"Promise hindi ko alam kung anong nangyayari sa daddy ko at kay Lisa. Ang alam ko lang nung malaman ni Lisa na si Errol ang kakambal nya nakiusap si daddy kay Errol na wag sasabihin kay mommy, may sakit sa puso kasi si mommy. Pumayag si Lisa, kasi si Errol ang nakiusap. Pero ang tungkol sa pagpapakasal ay hindi ko alam. Pati pakikiusap ni Lisa sa daddy ko, hindi ko din alam huhuhu."sabi ni Jennie.

Iyak ng iyak si Jennie. Nararamdaman naman namin na nagsasabi sya ng totoo. Marami pa kaming napag usapan nina Jennie. Ngaun unti unti ko nang nakikilala si Lisa.

"Tumigil ka na sa kakaiyak Jennie. Kukutusan kita dyan eh." nagulat kami ng magsalita si Lisa. Bumangon ito at umupo.

"Sorry huhuhu..." sabi ni Jennie.

"Alam ko wala kang alam kaya wag ka maguilty. Lahat tayo biktima." sabi ni Lisa.

"Sis ok ka na ba?" tanong ni V.

"Oo, ok na ako. Makikiusap muna ako sa inyo. Gusto ko munang makausap si Jk mag isa." sabi ni Lisa.

"Oo naman. Cge labas muna kami." sabi ni Jimin.

Nakalabas na sila V. Sumandal ako sa headboard ng kama tapos inakbayan ko si Lisa.

"Anong pag uusapan natin mahal ko." tanong ko.

"Alam ko narinig mo lahat ng sinabi ko sa kanila. Gusto kong malaman mo na handa na akong sagutin lahat ng tanong mo. Pakiusap lang wag mo akong iiwan. Ikaw na lang ang kaisa isang nagparamdam sakin na mahalaga ako." sabi ni Lisa.

"Hindi mangyayari yun. Hindi ako lalayo sayo. Matagal ko nang sinasabi sayo na tanggap kita maging sino ka man. Ngaun sa nalaman ko, nakilala kita unti unti. Gusto ko simula ngayon hayaan mo akong maging parte ng buhay mo. Gagawa tayo ng magagandang alaala kasama mga kaibigan natin." sabi ko.

"Salamat Jk. Salamat at dumating kayo sa buhay ko." sabi ni Lisa.

"Sabi ko naman sayo pakasal na tayo." sabi ko.

"Seryoso ka ba talaga? Baka patulan ko yang sinasabi mo. Isa pa hindi pa tayo nakakagraduate. Sa totoo lang kaya ako nag aaral kasi pagtapos nito balak kong mamuhay ng normal." sabi ni Lisa.

"Mabuti naman, at hindi kita hahayaan na maging agent na lang habang buhay. Bibigyan kita ng negosyo kaysa maging agent pa. Pero mas gusto ko sa bahay ka na lang at mag aalaga ng mga anak natin." sabi ko.

"Naman eh, bakit napunta na sa anak. Hindi pa nga tayo kasal eh. At tsaka hindi ba napakabilis ng pangyayari? Baka naman pagtagal tagal magsawa ka din sakin." sabi ni Lisa

"Sa susunod na natin pag usapan ang pagbuo ng pamilya. Ang unahin natin ay ang nangyayari ngayun. Ano bang magiging plano mo? May balak ka bang bawiin ang agency na ito? Yung problema mo dun sa nagpupumilit magpakasal sayo? Sa pumatay kay Errol?" tanong ko.

"Wala naman na ako balak kunin tong agency. Kaibigan sya ng mga magulang ko kaya itinuturing ko na rin syang ama. Naiintindihan ko rin na ginawa nya yung mga bagay dahil ayaw nya mapahamak ang anak nya. Lahat ng sinabi ko bugso lang ng damdamin ko dahil hindi ko matanggap ang sinapit ng kakambal ko. Hindi ko matanggap na namatay sya ng wala akong magawa." sabi ni Lisa.

"Alam mo ikaw na ata ang pinakamabait na nakilala ko. Very open minded ka din. Kaya lalo kitang minamahal eh. Pakasal na tayo ha. Baka maagaw ka pa aakin ng iba. Lalo na yung habol ng habol sayo. Tapos meron pang isa yung nagsabi ng mahal ka nya. Yun bang kasama ng nakaaway mo." sabi ko.

"Ah yun bang si Mark. Wala yun, pinagkakalat nya na gf nya ako. Kahit binasted ko na yun. Masyado lang papansin ang mga yun." sabi ni Lisa.

"Tara na umpisahan na nating magplano. Unahin natin ang kasal natin. Hahaha." sabi ko.

"Jk naman eh." sabi nya.

Sa totoo lang seryoso ako sa sinasabi kong pagpapakasal. Gusto kong magkaroon si Lisa ng pamilya. Gusto kong maranasan nya na maging maligaya. Hinding hindi ko na sya pababayaang mag isa pa.