webnovel

Romantic Night

Jungkook's Pov

Natapos ang meeting namin ng Bts sa school. Nandito pa din kami sa conference room. Nakaalis na ung ibang mga board members namin. Nasolusyunan naman namin ang nangyaring aksidente.

"Kamusta kayo ni Lisa. Nakapag usap na ba kayo?" tanong ni Namjoon.

"Hindi pa nga eh. Busy sya kanina kaya hindi ko sya nakausap ng maayos. Naintindihan ko naman sya kasi kailangan nya matapos ang antidote. Kaya lang nalulungkot ako di na kami nakakapag usap." sabi ko.

"Mahirap nga yan. Pero alam mo naman ang pinasok mo Jk. Di biro ang trabaho ni Lisa. Lalo pa iniisip non na mga buhay at kalayaan natin ang nakataya kaya nagpupursige yun na matapos yung gamot." sabi ni Suga.

"Oo alam ko ang pinasok ko at wala akong pinagsisisihan. Sa inyo ako nag aalala. Nadadamay ko pa kayo." sabi ko.

"Ano ka ba naman Jk, di ba sinabi namin sayo na lagi kaming nandito para sa inyo ni Lisa. Magkakaibigan tayo at ang magkakaibigan eh walang iwanan kahit ano man ang mangyari." sabi ni Jin.

"Ang mabuti pa bigyan mo na kami ng pamangkin hahaha." sabi ni Jhope.

"Naku pagnagbuntis si Lisa wag mo papupuntahin sa bahay nyo si Jhorse hahaha." sabi ni V.

"Bwisit kang alien ka. Panira ka talaga" sabi ni Jhope kay V.

"Paano mabubuntis si Lisa eh wala pa namang nangyayari. Ayoko naman na biglain sya." sabi ko.

"Eh baka naman nag iintay lang yun na gumawa ka ng moves. Sa ugali ni Lisa kahit cool yun, eh mahiyain naman sya." sabi ni Jimin.

"Sabagay, tara na uwi na tayo. Pero bago tayo umuwi may bibilhin muna ako." sabi ko. Bibili muna ako ng flowers para sa asawa ko at pasalubong na chocolates. Ang hilig pa naman nun sa chocolates.

Nauna na ang mga tanders sa isang van kasama yung dalawang elites. Tapos kaming tatlong magugulo sa kabilang van. May kasama din kaming dalawang elites.

"Agent Brown pwede ba tayong dumaan sa flower shop at sa chocolate stores. May alam ka ba kung saan makakabili?" tanong ko.

"Agent Brown di ba may nadaanan tayo sa malapit sa compound. Tamang tama yan Jungkook, malamang pagod na pagod yung si Agent Black. Dalawang araw yun di natulog kasama sina Agent Pink at Agent Gold. Swerte ka pare kahit ganun si Agent Black, nakakatakot, masungit at matapang yun, pero kahit di ka close sa kanya ililigtas at ililigtas ka nya at kapag kinailangan mo ng tulong magugulat ka na lang nasolve na problema mo." sabi Agent Green.

"Oo nga. Naalala ko pa nung kailangan kong paoperahan yung asawa ko. Nagkulang ang pera ko sa laki ng bills namin. Di ako makapagtrabaho tapos may mga bayarin pa sa bahay at ospital. Nagulat na lang ako ng sabihing bayad na kami sa ospital. Sinabi na lang ni Agent White o mas kilala nyo bilang Errol, na si Lisa ang nagbayad at ayaw nya ipaalam. Kaya nga napakaloyal ko sa kanya." paliwanag pa ni Agent Brown.

Alam kong napakaswerte ko sa asawa ko. Kaya nga ayaw ko na syang pakawalan at inasawa ko na hahaha.

"Brad kasi naman dinadaan mo sa santong dasalan eh kung sa santong paspasan na kaya. Paano na yung pamangkin ko, gusto ko na ng may maiispoiled. Aalagaan ko ang magiging pamangkin ko sayo hahaha." sabi ni V.

"Aalagaan o naghahanap ka ng makakalaro hahaha. Pustahan tayo palagi mong kalaro ang magiging anak ni Jk. Naku baka turuan mo pa ng pagka alien mo hahaha." sabi ni Jimin. Binatukan naman ni V si Jimin.

"Oh Jungkook nandito na tayo. Pumasok na kayo sa store tapos magbabantay kami sa labas." sabi ni Agent Green.

"Sige po salamat po" sabi ko.

Nakabili na kami ng ibibigay ko kay Lisa at umuwi na agad kami. Hindi na ako dumaan sa bahay ni Errol kasi pagod na ako. Mukhang wala pa si Lisa kasi napakatahimik ng bahay.

Umakyat ako sa kwarto namin. Magpapahinga na muna ako. Medyo inaantok ako. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko sa nakita ko.

May mga nakakalat na petals ng rosas sa salas ng kwarto namin tapos sa table may champagne. Natanaw ko din ang kama may mga petals din. May harang kasi sa mismong kama namin at sliding door pa ito.

Sa sobrang pagkamangha ko di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Biglang lumabas si Lisa sa gilid sa kwarto. Napamura ako sa nakita ko. Si Lisa naka red lingerie.

Makailang beses ako napamura dahil sa suot ni Lisa. Lumapit sya sa akin at yumakap sa leeg ko.

"Lisa ano to? Sigurado ka ba ginagawa mo? Alam mo ba ang pwedeng mangyari. Nakahanda ka na ba?" sunod sunod na tanong ko kay Lisa.

"Ang dami mong tanong mahal. Hindi ko naman gagawin to kung di ako sigurado. Alam ko naman na matagal mo nang hinihintay to. Ayaw mo ba?" tanong nya. Idinikit ko ang noo ko sa noo nya.

"Gustong gusto mahal. Kung alam mo lang kung gaano ang pagtitimpi ko. Wala nang atrasan to. I love you." sabi ko.

"I love you too." sabi naman nya.

Hinalikan ko ang labi ni Lisa. Naging mapusok ang halik namin. Binuhat ko si Lisa papunta sa kama. Dahan dahan ko syang inihiga sa kama. Pumatong ako sa kanya at hinalikan ko ang kanyang labi. Dahan dahang bumaba ang mga labi ko sa leeg nya.

"Akin ka lang Lisa." sabi ko.

"Sayong sayo lang ako mahal ko." sagot naman nya.

Nangyari na nga ang pinaka aasam ko. Mukhang napagod ko ata si Lisa. Ilang ulit naming ginawa yon kaya malamang pagod na pagod sya.

Pinagmasdan ko si Lisa. Napakaganda nya at napakaamo ng mukha. Maswerte ako at maganda at mabait ang napangasawa ko. Wala na akong mahihiling pa kundi ang matapos na ang gulo ng buhay namin.

Niyakap ko si Lisa. Unti unti na ring bumigat ang talukap ng mata ko. Masarap sa pakiramdam ang matutulog ka at gigising ka ng katabi mo ang asawa mo.

"Mahal na mahal kita Lisa. Lahat gagawin ko maging maligaya ka lang." sabi ko at unti unti na rin akong nakatulog.