webnovel

Blackpink Revenge

Lisa's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw. Iminulat ko ang mga mata ko at nasilayan ko ang napagandang lalaking nakilala ko hahaha. Oa ko naman. Pero teka ang sakit ng katawan ko lalo na sa private part ko. Gusto ko sanang magbanyo kaso hindi ako makatayo.

"Mahal gising." sabi ko habang tinatapik si Jk.

"Good morning mahal. Bakit may problema ba?" tanong nya.

"Ang sakit kasi ng buong katawan ko at ng ano ko. Naiihi ako kaso hindi ko kayang tumayo." sabi ko.

"Cge buhatin na kita. Magbabad ka muna sa bathtub na may maligamgam na tubig para maibsan yang sakit." sabi nya.

"Ok cge. Salamat mahal." sabi ko.

"Magluluto na ako ng breakfast natin. Saan mo gusto kumain dito o sa baba?" tanong ng asawa ko.

"Sa baba na lang at may gagawin din ako." sabi ko.

Lumipas ang ilang minuto, naibsan na ang sakit ng nararamdaman ko. Nagbihis ako at bumaba sa kusina. Nang makita ko si Jk na nagluluto at nakatalikod sakin, niyakap ko ito.

"Maupo ka na mahal. Akong bahala sa iyo ngaung araw na to mahal kong reyna." sabi nya.

"Cheesy mo mahal. Cge na nga uupo na ako." sabi ko.

Nagkwentuhan kami ni Jk habang nakain. Sabi nila maganda daw itong bonding para mapanatag kami sa isat isa at para magkaroon din kami ng good communication.

"Anong naisipan mo mahal at ginawa mo yun kagabi tapos nakalingerie ka pa. Sino namililit sayo at pasasalamatan ko hahaha." sabi ni Jk.

"Bwisit ka hiyang hiya nga ako sa ginawa ko. Kung di lang ako tinakot ni Jisoo na baka iwan mo ako dahil mahirap daw sayo ang magpigil, hindi ko pa sana maiisipang gawin yun. Nahihiya kasi ako." paliwanag ko.

"Ikaw naman mahal wag ka mahiya sakin. Alam mo gusto ko yung lagi kang magkukwento ng nararamdaman mo para malaman ko kung pano kita matutulungan. Gusto kong magpasalamat kay Jisoo sa nangyari. Pero ito ang tatandaan mo mahal, kahit hindi pa natin gawin yun eh hinding hindi kita iiwan. Tandaan mo yan." sabi ni Jk.

Tumango ako bilang pagsang ayon sa sinabi nya. Napakaswerte ko sa asawa ko dahil napaka understanding nya. Di tulad ng ibang mga lalaki dyan.

"Sya nga pala mahal tumawag kanikanina lang si Jennie pinapupunta nya tayo sa bahay ni Jisoo. Sabihin ko daw sayo na may dumating na impakta at may resbak pa. Nandun din daw si boss." sabi nya.

"Ah ganun ba, hayaan mo silang maghintay hahaha." sabi ko naman. Naku mukhang exciting ang magaganap. Gusto kong makita ang pagmumukha nung mag asawa.

"Ano ba ginawa mo mahal? Bilisan mo na at nag iintay sila." sabi ni Jk.

"Wag ka mag alala malapit lang naman ang bahay ni Jisoo." sabi ko naman sa kanya.

Natapos kami kumain at nagpunta na sa kotse para pumunta sa bahay ni Jisoo. Narating namin agad ang bahay ni Jisoo. Nakita ko sa bintana na nakatingin silang lahat sa amin.

"Mahal bakit lamborghini pa ang dala natin eh ang lapit lang pala ng bahay ni Jisoo?" tanong ni Jk.

"Sinadya ko yan, mamaya malalaman mo kung bakit." sabi ko.

Pumasok kami ng bahay. Napansin ko na nanggagalaiti na yung mag asawa. Mukhang may tension na nangyayari sa bahay ni Jisoo. Umupo kami ni Jk sa tabi ni Jisoo.

"Yes anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Pinagbibintangan kasi nya si Jisoo na may kasalanan sa pagkabagsak ng lahat ng ari arian nila. Pati ako dinamay. Ang ginawa ko lang naman ay pina ban ko lang sila sa mall ko. Maliit lang na bagay lang yun diba?" sabi ni Jennie.

"So nasaid na pala lahat. Isang araw lang pala kala ko pa naman matatagalan. Yan ba ang sinasabi nyang mayaman sya? Ang matapobre pa eh mas mayaman pa sayo si Jisoo. Buti na lang Jisoo hindi nya alam na mayaman ka. Kundi naloko ka pa nya. Mukhang pera lang pala yang ex mo." sabi ko.

"Wait ikaw ang bumili ng mga ari arian namin!?" gulat na tanong nya.

"Well yes. Wala namang mangyayari kung itatago ko pa. At hindi lang yun napag alaman ko kasi na baon sa utang ang Solid Company kaya nabili ko agad. Sya nga pala Jisoo ikaw na ang mamamahala sa kompanyang yon." sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila. Lalo na yung mag asawang nanakit sa kaibigan ko.

"Bitch! Sa totoo lang ikaw talaga ang kinatatakutan kong magalit. Sa isang iglap, yung matapobre naging pulubi na agad. Hahaha!" sabi ni Jennie habang tawa sya ng tawa.

"Hindi na ba natin mapag uusapan pa ito? Ako na ang humihingi ng tawad sa iyo." sabi ni Mayor, ama nung matapobreng babae.

"Well pag iisipan ko kung magsasabi si Jisoo. Ang ayaw ko sa lahat yung inaagrabyado ang kaibigan ko at hinahamak. Oh ngayon ex ni Jisoo, nagpakasal ka sa kanya kasi akala mo mahirap si Jisoo ano? Tignan mo ang buong mansion na to. Pagmamay ari lang naman ni Jisoo ito. Yung kompanya ng pamilya mo pinag iisipan ko pa na ipangalan na sa kanya. Ah meron pang isa, eto na ang susi ng lambo, Jisoo. Thank you daw sabi ni Jk. Success!" sabi ko. Inihagis ko ang susi ng Lamborghini kay Jisoo.

"What? Lamborghini Diablo? Ang tagal ko na gusto nyan eh. Insan pa drive naman minsan hehehe." sabi ni Rosie.

"Jisoo pwede ka bang makausap. Kung gusto mo magfafile na ako ng annullment. Napilitan lang naman ako dahil sa mga magulang ko. Ikaw talaga mahal ko." sabi nung ex. Lumapit ito kay Jisoo at lumuhod pa.

"Walanghiya kang lalaki ka!" sigaw nung matapobreng babae. Pinaghahampas nya ito.

Tawa kami ng tawa nila Jennie, at Rosie. Samantalang si Boss at Jk tahimik lang.

"Ngaun nakita mo na ba ang sinasabi ko na pagsisisihan mo? Ex ni Jisoo? Mukha kang pera. Nagawa mong lokohin si Jisoo. Buti nga nasa mood pa ako at yan lang ang ginawa ko sa iyo. At ikaw babae pasalamat ka sa putikan ka lang bumagsak pano pa kaya kung sa kalaboso ang tirahan mo ngayon. Pasalamat ka sa ama mong mayor, natuwa pa ako at kahit paano may ginawang maganda sa nasasakupan nya." sabi ko.

"Patawarin nyo na ang anak ko. Parang awa nyo na ibalik mo ang mga ari arian ng asawa ko. Ipinangako ko sa kanya bago sya mamatay na aalagaan ko yung mga yun. Parang awa mo na." pagmamakaawa ni Mayor.

"Una sa lahat Mayor nabili ko yung ari arian mo dahil nakasanla na sya sa isang pinagkakautangan ng anak mo. Mukhang hindi mo alam na ang anak mo ang umuubos ng kayamanan nyo. Sa ngaun cge papayagan ko kayo mayor tumira sa mansion nyo kasama yung dalawa nyo pang anak. Pagnakita ko na maganda ang nagagawa mo sa bayan ay unti unti ko ring ibebenta sayo ang mga ito at ibabayad mo ang mga pera sa mga charities na sasabihin ko. Pero sa dalawang iyan ayokong makikita sila sa lugar na ito. Banned na sila. Hindi sila pwedeng tumira sayo Mayor." sabi ko. Nanlaki ang mata ni Mayor. So tama ako, hindi nga alam nung ama ang ginagawa ng anak.

"Tiisin mo Mayor ang anak mo na yan. Tutal nde nya inisip ang mga magulang nya at ang mga pinaghirapan nyong mag asawa. Bilang ex ng isang ito may puso pa naman ako. Alam ko blocklisted ka na sa lahat ng kompanya. Kung nakamkam lahat ng ari arian nyo, di malabong na blocklisted ka na. Wag kayong mag alala bibigyan ko kayo ng trabaho aa kompanya." sabi ni Jisoo.

"Paano mo nalaman hahaha!" sabi ko.

"Kilala kita una pa lang alam ko ikaw ang may kagagawan ng lahat. Cge bibigyan ko kayo ng trabaho. Pumunta kayo sa company ng lunes." sabi ni Jisoo

Umalis ng nakangiti ang mag asawang nanloko kay Jisoo. Si mayor sinabihan ko na kokontakin ko na lang sya para pag usapan namin ang tungkol sa mga kondisyon ko.

"Insan pinatawad mo na sila?" tanong ni Rosie.

"Oo nga naman Jisoo pahirapan mo naman." sabi ni Jennie.

"Bakit sa palagay nyo ano ba bibigay kong trabaho? Wag kayong mag alala maganda ibibigay kong trabaho sa kanila hahaha! Naisip ko lang naman na ilagay sila sa cleaning department. Hahaha makikita ng mga trabahador nila na ang amo nila ay isa nang janitor hahaha!" sabi ni Jisoo.

"Bitch!" sabay sabay naming sabi nila Jennie at Rosie. Nagyakapan kami. Tumingin ako ng nakangiti kina Jk at Boss na panay iling.