webnovel

Blackpink

Lisa's Pov

Lumipas ang mga araw namin na mapayapa. Nakakapagtaka kasi hindi pa sila kumikilos. Alam ko na naghahanda sila na lusubin kami pero mas handa kami sa kanila.

Naging busy kaming mag asawa sa mga kanya kanya naming gawain. Minsan nga hindi kami nagkita ng dalawang araw dahil sa pagiging busy ko sa pagtapos sa antidote na naiwan ni Errol. Si Jk naman busy sa mga negosyo nila pati na sa trainings. Nag aaral pa din kami. Sa bahay nga lang. Pagmay test lang kami nalabas papuntang school. Bantay sarado pa kami. Mahirap na baka masalisihan kami.

Nandito ako ngayon sa headquarters nagmemeeting kami ng mga elite. Ang Bts naman ay pumunta ng school, dahil may importante din silang meeting ng mga board of members kasi nagkaroon ng aksidente sa school.

"Lisa tapos na ang meeting. Bakit tulala ka na naman dyan?" tanong ni Jennie.

"Tapos na pala. Dami ko na naman iniisip. Alam nyo naman na pag nasa labas ang BTS hindi ako mapakali. Ayokong mapahamak sila lalo na ang asawa ko." sabi ko.

"Naks naman Agent Black inlove na inlove ka na sa asawa mo hahaha. So kamusta ang loving loving nyo? Malamang hindi ka na virgin. Ano masakit ba?" tanong ni Jisoo.

Hindi ako makasagot sa kanila. Sa totoo lang virgin pa ako. Gusto ko na rin naman kaso nahihiya ako na sabihin sa kanya. Hanggang kiss pa lang kami.

"Aaaahhhhh!" sigaw ni Jennie.

"Hoy ano ka ba naman Agent Black bakit ka naman nasigaw." tanong ni Jisoo.

"Eh kasi virgin pa si Lisa oh. Di nga makatingin sa atin." sabi ni Jennie.

"Totoo ba Lisa? Wala pang nangyayari sa inyo ng asawa mo?" tanong ni Jisoo. Umiling namam ako.

"Naku talagang babae ka. Mag asawa na kayo kaya natural na yun. Sabi ko na nga ba eh. Malamang nagpapakagentleman na naman ang asawa mo. Alam mo ba kung gaano kahirap sa asawa mo ang magpigil?" sabi ni Jisoo.

"Dami mo alam Jisoo? Nakaexperience ka na ba?" tanong ni Jennie kay Jisoo.

"Malamang kaya nga ako nagpapayo dito kay Lisa eh. Wait di ko gusto mga tingin nyo. Virgin pa ako. Hindi ko sinusuko ang bataan kaya nga ako iniwan ng boyfriend ko dati. Sabi nya mahirap daw sa kanya magpigil." paliwanag ni Jisoo.

"Aaaahh yun naman pala. Akala namin nagawa nyo na ng ex mo. Eh anong gagawin ko nahihiya ako na magsabi sa kanya na ready na ako." sabi ko.

"Akong bahala. Shopping tayo may bibilihin ako para sayo. Sisiguraduhin ko na may mangyayari na sa inyo." sabi ni Jisoo.

"Cge tawagan na din natin si Rosie. Namimiss ko na din yung kakulitan nun. Wow! Magrereunion ang Blackpink hahaha." sabi ko.

"Oo nga noh. Namiss ko na din tawagin tayong blackpink." sabi ni Jennie.

Blackpink ang tinawag nila kasi kami ni Jennie ang nagtuturo ng sayaw sa grupo kaya naman pinangalan nila samin. At isa pa ang astig ng blackpink .

Makalipas ang dalawang oras, nandito na kami sa mall.

"Ate Jisoo ano ba bibilhin natin." tanong ni Rosie.

"Insan bibilhan natin si Lisa ng lingerie. Para naman magkapamangkin na tayo hahaha." sabi ni Jisoo.

"Totoo Lisa? Wala pang nangyayari sa inyo? Akong bahala sa iyo. Remember im a doctor." sabi ni Rosie.

Pumasok kami sa isang lingerie store.

Pili ng pili silang tatlo.

"Sabihin nyo nga ang totoo. Ako ba bibilhan nyo oh para sa inyo yang mga yan." sabi ko. Pano kasi puro sizes nila ang pinakukuha.

"May napili ka na ba Lisa?" tanong ni Jennie.

"Yung satin na green na lang na nighties. Grabe naman kasi yang mga hawak nyo. Bibili pa kayo, eh halos wala nang maitatakip yan eh. Halos luluwa na ang kaluluwa ko dyan eh hahaha." sabi ko sa kanila.

"Hindi pwede yan. Eto, sa ayaw at sa gusto mo yan ang susuotin mo." sabi ni Jisoo. Hala katakot naman tong si Jisoo.

Tawanan kami ng tawanan, kwentuhan kung pano ko gagawin ang supresa ko sa asawa ko. Ang kukulit nitong mga kaibigan ko.

"Halika na tapos na tayong mamili. Kain muna tayo bago umuwi." sabi ni Rosie.

Pumasok kami sa isang restaurant. Nagulat na lang kami nang biglang lumapit si Jisoo sa isang couple na nakaupo sa isang table.

"So eto pala ang pinagkakaabalahan mo. Ang malas mo naman ano. Sa lahat lahat ng lugar dito pa kayo napunta at nahuli kita." sabi ni Jisoo.

Nakikinig lang kaming tatlo kay Jisoo.

"Sino ka bang babae ka? Babe ano to? Nakakahiya pinagtitinginan tayo. Kakakasal lang natin tapos may ganito na." sabi nung babae.

"Jisoo." sabi nung lalaki.

"So Jisoo na lang tawag mo sa akin. Buti na lang nakilala na kita bago pa lumalim ang feelings ko sayo. At isa pa malas mong babae ka, nakasal ka sa lalaking to. Ang tanga mo nagpauto ka sa lalaking ito." sabi ni Jisoo.

"Pwede ba miss umalis ka na. Hindi mo ba ako kilala? Makapangyarihan kami dito sa lugar na to. Baka magsisi ka." sabi pa nung babae.

"Jisoo saka na lang tayo mag usap." sabi nung lalaki.

"Malamang hindi ka namin kilalang babae ka. At isa pa ikaw lalaki dont worry hindi maghahabol tong pinsan ko sayo. Ang dami pang lalaki dyan. At wala nang next time. Ngaun pa lang tapos na kayo. Hayaan mo next time na magkita kayo si insan naman ang  magpapakilala ng pinalit nya sayo." sabi ni Rosie.

"Well miss, Ako lang naman si Agatha dela Torre. Anak ng mayor dito. Mayaman kami." sabi pa nung babae.

"Tama na Agatha. Lawyer yang si Jisoo." awat nung lalaki.

"Eh ano naman ngayon. Malamang lawyer yan na mahirap. Tignan mo nga ang suot nila ang chicheap." sabi pa nung babae.

"Napipikon na ako dito Jisoo ah. Eh ano naman ngayon kung ganito suot namin. Ang matapobre ng babaeng ito. Sorry Jisoo papatulan ko na to. Kami ba kilala mo? Well malamang hindi. Ako lang naman si Jennie Kim ang may ari ng mall na to. Simula ngayon i baban ko na kayo sa mall ko." sabi ni Jennie. At kinuha ni Jennie ang cp nya at tinawagan ang secretary nya. Pinapupunta nya ito kung san kami naroon. Agad namang dumating yung secretary ni Jennie.

"Miss Kim bakit po?" tanong nung secretary ni Jennie.

"Gusto ko i ban nyo sila sa mall na ito. Pati na ang pamilya nila." sabi ni Jennie.

"Yes Miss Kim!" sabi nung secretary.

"Sige gawin mo na. Tumawag ka na ng security." sabi ni Jennie.

Ginawa naman ng secretary. Napansin ko tahimik lang si Jisoo at nagtititigan sila nung lalaki. Maya maya dumating ang security at bumati kay Jennie.

"Makakarating to sa daddy ko. Hindi nyo ba alam anak ako ni Mayor?" sabi nung babae.

"Mam wala po kaming magagawa si Ms. Kim po ang may ari nitong mall." sabi ni Jennie.

Bago i escort ng security ang dalawa kinausap ko naman ang ex ni Jisoo.

"Wait a minute. Parang wala kang pinagsisisihang lalaki ka. Ganyan na kakapal mukha mo?" sabi ko sa lalaki. Tinitigan ako ng masama ng ex ni Jisoo.

"Ang ayaw ko sa lahat yung niloloko ng kung sino ang kaibigan ko. Mali ka ng niloko. Simula ngayon sa putikan ka na mamamalagi." sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nung lalaki.

"You'll see." sabi ko. At ngumiti ako ng nakakaloko.

Dinala na ng security ang dalawa. Nagpupumiglas pa nga yung babae pero wala silang magawa.

"Tara na muna sa bahay dun muna kayo magsleep over. Pwera lang sayo Lisa." sabi ni Jennie. Tumango naman ako.

Umuwi na kami. Inihatid ko muna sila bago ako umuwi. Sana ok lang si Jisoo.