webnovel

Rescue Mission

Jungkook's Pov

Nandito kami sa conference room at pinag uusapan namin ang pagrerescue sa anak ni Rose.

"Agent Silver gusto kong pamunuan mo ang rescue mission na ito at kayo Agent Maroon at Agent Blue sasama din kayo. Kayong tatlong magagaling na elites lang ang pinagkakatiwalaan ko. Alam ko na mapagkakatiwalaan ko kayo. Mag iingat kayo kasi ang ibang tauhan na nagbabantay duon ay mga tauhan ni Josh. Magagaling sila pero alam ko na kayang kaya nyo sila." sabi ni Lisa sa tatlong elites.

"Makakaasa ka sa amin Lisa." sabi ni Agent Blue.

"Ikaw Jk at Agent Gold ang sasama sa akin. Ang team B naman ay sina Agent Maroon, Agent Blue at V ang magkakasama. Sa second floor ang team B at sa third floor naman kami. Kung sino ang makakakita agad sa bata ay unahing ilabas at siguraduhin may kasama kayo para sa kaligtasan ng bata. Naintindihan ba?" sabi ni Agent Silver.

"Copy!" sabay sabay naming sabi.

"Agent Pink at Jimin kayo bahala sa paggaguide sa kanila. At ikaw naman Rose dalhin mo ang mga first aid kit ano man ang mangyari. Hindi tayo pede magdala ng ambulance sa malapit baka makatunog sila. Pigilan mong lumapit Rose at pagkatiwalaan mo sila. Hanggat maaari gumalaw kayo nang hindi nila nalalaman hanggang sa makalabas para iwas sa barilan. Malaking magiging trauma sa bata ito." sabi ni Lisa. Tumango naman si Rose.

Nagsimula na kaming mag alisan papuntang tagaytay. Nakasakay ako kina Agent Silver at Agent Gold.

"Agent Gold pagkapasok natin kayong dalawa ni Jk, maghanap kayo ng mga ebidensya na magpapatunay ng pagkakasangkot ng pamilya ni Rose sa mga mafia. Ako ang magiging back up nyo. Ikaw Jk, mag iingat ka kahit kasama ka namin. Ayokong mapahamak ka kasi iiyak na naman ang bunso namin. Lahat kaming mga elites bunso ang turing namin kay Lisa kaya ayokong may mangyaring masama sayo." sabi ni Agent Silver.

"Copy Agent Silver!" sabi ko.

"Nandito na tayo. Magsibaba na kayo at pumwesto na. Nag iintay na silang lahat sa labas." sabi ni Agent Gold.

Ang bilis namin makarating iba talaga dumiskarte ang mga elites.

Nakapwesto na kaming team A at team B nang marinig kong magsalita sa earpiece si Jimin.

"Team A at B pagkalipas ng 1 minuto magsimula na kayong pumasok. Sa likod sa may pool paalis ang bantay." sabi ni Jimin.

"Copy!" sabi ni Agent Gold.

Makalipas ang isang minuto umakyat kami sa bakod.

"Napatay na namin ang mga cctv." sabi ni Jimin.

Umakyat kami sa may terrace sa second floor. Duon pupwesto ang team B at hahanapin ang anak ni Rose. May 3 kaming nakasalubong na mga bantay at agad binaril namin ito gamit ang silencer.

"Team A akyat na kayo kami nang bahala dito." sabi ni Agent Maroon.

"Sige aakyat na kami hanggat maaari wag nyong hahayaang marinig kayo nila. At itago nyo ang mga katawan nila ng maige." sabi ni Agent Silver.

Tumango sila at nagsimula na kaming umakyat.

"Team A may 5 bantay sa 3rd floor. At may tatlong kwarto din ito." sabi ni Jennie.

Sa bukana palang ng hagdan may dalawang tauhan na nagbabantay. Hindi namin mabaril dahil galing ito sa likuran namin. Mano manong nakipaglaban sina Agent Silver at Agent Gold. Medyo mabilis sila at malikot kaya hindi ko sila matulungang maasinta ang mga kalaban.

Napansin ko na may isang paparating na bantay kaya agad kong binaril ito. Mabuti na lang at nabaril ko mukhang may radyo at titimbrehan nya ang mga kasamahan nya.

Natapos nang makipaglaban ang dalawang agent na kasama ko. Isa isa naming pinasok ang mga ito sa isang kwarto. Sa bathroom pala namin sila maitatago. Lumabas kami at pumasok sa isang kwarto. Naghanap agad kami ni Agent Gold ng ehidensya at si Agent Silver ang nagbabantay sa pinto.

"Jk may nahanap ka na ba? Mukhang wala dito eh." sabi ni Agent Gold.

"Tama ka Agent Gold. Lumipat na tayo sa kabilang kwarto mukhang wala dito ang hinahanap natin." sabi ko.

Lumabas kami at pagbukas ng pinto nakita namin ang dalawa pang bantay. Agad kong binaril ang isa. Binaril naman ni Agent Silver ang isa pa. Hinila namin ang dalawang nabaril namin sa loob ng kwarto at iniwan sila duon. Nasa harapan kami ng isang kwarto nang mapansin namin na may pin code ang lock nito. Mukhang mahahalagang gamit ang nandito dahil may lock. Sinubukan ni Agent Silver tanggalin ang lock.

"Tawagan nyo sila Agent Pink o Jimin. Hindi ko mabuksan ang pinto." sabi ni Agent Silver. At tinawagan ni Agent Gold si Agent Pink.

"Ilagay mo daw yung binigay sayo ni Agent Pink na device. Para mahack nya daw." sabi ni Agent Gold kay Agent Silver.

Nag antay kami na mabuksan ang pinto. Ngunit hindi makuha ni agent Pink ang pin code.

"Ano ba Agent Pink ang tagal mo baka may umakyat na dito!" pabulong na sigaw ni Agent Gold.

"Ang hirap hindi ko makita ang pin code nyan. Bwisit! Kainis!" sabi ni Agent Pink

"Himala Agent Pink humihina ka na yata hahaha." sabi ni Agent Silver.

"Bwisit ka magtigil ka!" sigaw ni Agent Pink.

"Ang iingay nyo! Mukhang pareparehas kayong kinakalawang. Sya nga pala nakuha na namin ang bata. Lumabas na kami agad baka maabutan kami ng ibang tauhan." sabi ni Agent Blue.

"Sira ulo ka Agent Blue! Ikaw kaya dito." sabi ni Agent Pink.

"Pwede ba tigilan nyo ang bangayan dyan. Jk may binigay akong maliit na device di ba? Pakilagay mo sa  pinaglagyan ng device nyo at tanggalin ang una nyong kinabit na device. Agent Pink wag ka na manggigil dyan ako na gagawa." sabi ng asawa ko. At ginawa ko ang sinabi ng asawa ko.

"Di mo talaga kami matiis Agent Black hahaha." sabi ni Agent Maroon.

"Paano kasi nasamin pa ang asawa ni bunso kaya di yan makakatiis." sabi ni Agent Silver.

"Ganyan kagaling si bunso, kasi kahit may alagang kambal nakamonitor pa sa atin." sabi ni Agent Blue.

"Magtigil na kayo, kaya napipikon na si Agent Pink sa inyo eh. Team A pindutin nyo ang 608593 yan ang pin. Bilisan nyo!" sabi ng asawa ko at sinunod agad namin.

Agad naman kaming naghanap ni Agent Gold. May mga papeles akong napansin at isa isang pinagpipicturan ang mga ito. Si Agent Gold naman ay nakatutok sa laptop na nasa lamesa. Library at Office ata ito ng ama ni Rose.

"Agent Pink ano ang password ng laptop?" tanong ni Agent Gold.

"Princess Dahlia. Yan ang password." sabi ni Agent Pink.

Sinaksak ni Agent Gold ang usb at hinintay naming madownload lahat bago kami umalis.

Lumabas na kami ng kwarto maingat kaming bumaba ng second floor kung saan kami dumaan kanina. Nang nakarating kami sa terrace bababa na sana kami kaso nagsalita si Jennie.

"Magtago muna kayo. May nag iikot na bantay. Hindi nyo pwedeng barilin kasi mukhang nakikipag usap sya sa iba nyang kasama." sabi ni Agent Pink.

Nagtago muna kami at nag antay ng go signal kung bababa na kami.

"Ok na pwede na kayong bumaba. Nakapasok na sya." sabi pa ni Agent Pink.

Dali dali kaming bumaba at maingat na umakyat ng bakod. Sa wakas nakalabas na kami. Nakakakaba at exciting ang pagsama sa mission ng mga agents. Sumakay kami ng kotse at nagsimulang umalis pero bago kami makaalis nakarinig kami ng alarm mula sa mansion na pinasok namin kanina.

"Hahaha mukhang ngayon lang nila nalaman na napasok sila. Mahihina pa rin talaga sila." sabi ni Agent Gold.

"Ok roll call na tayo. Team B?" tanong ni Agent Silver.

"Mission accomplished!" sabi ng team B.

"Team Tech?" tanong ulit ni Agent Silver.

"Mission accomplished!" sabi ng team Tech. Pinaiksi nga pala yang technology.

"Team A?" tanong ulit ni Agent Silver.

"Mission accomplished!" sabay namin sabi ni Agent Gold.

"Good tara na balik na tayo sa headquarters. Kamusta ang bata at si Rose?" tanong ni Agent Gold.

"Ok na sila. Syempre nag iyakan ang mag ina. Ngayon tulog na sila. Nakasakay sila sa amin. Naiyak din si Agent Pink kanina kaya mainit ang ulo nya kanina at hindi makuha ang pin." sabi ni Agent Maroon.

"Bwisit ka Agent Maroon! Lagot ka sakin mamaya." pagbabanta ni Agent Pink.

"Hala ka lagot magagalit na naman yung tigre hahaha." sabi ni Agent Blue.

Nagtatawanan naman kami kasi mukhang pikon na pikon na si Agent Pink. Narinig pa naming nanggigil sya bago patayin ang mga ear at mouthpiece namin.

"Masaya akong narescue na ang bata. Ano na kaya ang susunod na plano ni Agent Black?" sabi ni Agent Gold.

"Naku malilintikan sila talaga. Magkaugali yang kambal na yan eh kapag may kinalaban ka na mahalaga sa buhay nila eh hindi yan titigil hanggat hindi nila nakikitang nagdudusa ang kalaban." sabi ni Agent Silver.

"Tama ka dun hanggang ngayon nag iiiyak pa yung ex ko sakin hahaha. Nakatikim sya ng galit ni Lisa. Pero nagpapasalamat kami sayo Jk kasi atleast nagbago na si Lisa. I mean in a good way. Alam ko na naiibsan ang sakit sa dibdib nya sa pagkawala ni Errol ng dahil sayo at pati na ang kambal nyo." sabi ni Agent Gold.

"Gagawin ko lahat para kay Lisa at sa kambal namin. Simula pa lang una naming pagkikita naramdaman ko na kailangan ko syang protektahan sa abot ng aking makakaya. Wala eh nahulog agad ako sa kanya." paliwanag ko.

"Boy ang sama ng pagkakapana sayo ni kupido hahaha." sabi ni Agent Silver.

Hindi na ako makapaghintay na matapos ang gulo na ito at mabuhay kami ng masaya kasama ng mga kaibigan namin.

(Si Agent Gold ay si Jisoo, si Agent Pink si Jennie at si Agent Black ay si Lisa.)