webnovel

Fighting for Rose

Lisa's Pov

Galit na galit ako sa nangyayari kay Rose. Galit na galit ako lalo na kay Blake na nagawang halayin ang kaibigan ko. Isinusumpa ko, pagbabayarin ko silang lahat na nagkasala.

Nandito ako sa room namin ni Jennie sa tech department. Kasama ko ang kambal at si Jennie. Sinusubukan namin ilocate ang kinaroroonan ng anak ni Rose.

"Lisa nahanap mo na ba?" tanong ni Jennie.

"Oo nahanap ko na. Nasa tagaytay lang. I hack mo nga ang cctv nila. Tignan natin kung may nagbabantay. Medyo malabo sakin kung may bantay o wala." sabi ko.

Narinig kong umiyak ang kambal.

Malamang gutom na ang mga anak ko sobrang busy ko kasi sa pagpaplano ng mga gagawin namin.

"Padedehin mo na si Lala at kakargahin ko muna si Leo. Asan ba ang asawa mo?" tanong ni Jennie.

"Pinasama ko kina Namjoon at Suga. Ngayon kasi nila bibilhin ang shares ng isang shareholder sa SDR Hospital." sabi ko.

"Eh sina Jin at Jhope asan sila?" tanong ulit ni Jennie.

"Ganun din. Pinasama ko naman si Jimin." sagot ko.

"Tumawag nga pala kanina si Jisoo. Pabalik na daw sila ni V. Nakausap na daw nila yung spy natin." sabi ni Jennie.

"Mabuti naman sana maganda maging resulta. Asan nga pala si Rose?" tanong ko kay Jennie.

"Ayun pinatulog ko muna. Sobrang nadrain yung babaeng yun. Kaloka! May pamangkin pa pala ako bukod sayo." sabi ni Jennie.

"Mahirap talaga ang nangyari sa kanya. Buti na lang kahit paano matatag ang kaibigan natin. Dahil kung ibang tao yan at ganyan ang nangyari sa kanila ay baka nagpakamatay pa sila." sabi ko.

"Anong balak mo bakit binili mo shares ng mga shareholders ng ospital ng kuya nya." tanong ni Jennie.

"Simple lang katulad nung sa ex ni Jisoo. Lilimasin ko lang at ipapangalan ko ang ospital kay Rose. Actually pwede ko na lang hanapan na lang ng butas ang kuya nya, kaso baka makinabang pa sila sa ospital. Pero kapag nakapangalan na kay Rose eh wala na silang magagawa." sabi ko.

"Paano ung parte ng pamilya ni Rose?" tanong ulit ni Jennie.

"Madali lang yun hahaha. You'll see." sabi ko.

Habang nagbebreastfeed ako ay nagring ang cp ko.

"Yes hello?" sagot ko.

"Mahal tapos na kami. Nabili na namin yung shares ni Mr. Santos. Kamusta ang mga bata?" tanong ni Jk.

"Eto nadede na naman. Ang tatakaw ng kambal. Cge umuwi na kayo at may ipapagawa pa ako sa inyo. Bye love u." sabi ko.

"Sige bye bye love you din." sabi ni Jk tapos nag end na sya ng call.

Lumapit sakin si Jennie at ibinigay ang cellphone nya. Nagtataka man ako ay sinagot ko din ang tawag.

"Hello Lisa ikaw na ba yan?" si Jimin pala to.

"Oo ako na nga. Bakit napatawag ka? May problema ba?" tanong ko kay Jimin.

"Oo eh ayaw pumirma. Nagsisisigaw nga eh. Ano ba dapat naming gawin sa kanya?" tanong ni Jimin.

"May dala kayong ipad di ba? Tatawag ako at magvivideocall tapos iharap mo kay Mr. Chua ang ipad. Ako ang kakausap." sabi ko.

Binigay ko ang cp kay Jennie. Ibinaba ko na si Lala sa crib tutal tulog na. Pagtapos dumede tutulog. Masyadong nagpapalaki ang mga anak ko. Si Leo naman eh tulog din habang hawak hawak ni Jennie.

Sinimulan ko na tumawag kina Jimin. At dun nakita ko na nag iintay si Mr. Chua.

"Hello Mr. Chua. Ako nga pala si Lisa Manoban ang gustong bumili ng shares mo sa SDR hospital." pagpapakilala ko.

"Sino ka naman at bakit ko sayo ibebenta ang shares ko!" sigaw ni Mr. Chua.

"Well hindi mo nga ako kilala Mr. Chua pero ako kilalang kilala kita. Bibigayan lang naman kita ng deal. Una kapag binenta mo ang shares sa akin ay ipakikilala kita kay Mr. Alfonso. Alam ko naman na gustong gusto mo syang makausap at makatransaksyon. Pero kung hindi mo ibebenta sa akin ang shares mo ay sasabihin ko sa asawa mo na ang kinakabit mo ngayon ay ang sekretarya mo." sabi ko. Nakita ko naman na nagulat si Mr. Chua.

"Pinagbabantaan mo ba ako? Hindi ko ibebenta sayo ang shares ko!" sigaw nya.

"Sige ok lang kung ayaw mo. Siguraduhin mo lang may ipapaliwanag ka sa asawa mo tungkol sa mga pictures na ipapadala ko. Jimin paki abot sa kanya yung brown envelope na binigay ko." sabi ko.

Ibinigay ni Jimin ang envelope at laking gulat ni Mr. Chua sa kanyang nakita.

"Bakit may mga kuha kayo na ganito!" sigaw na naman nya. Sakit na sa tenga  kakasigaw tong matandang to.

"Simple lang Mr. Chua kung ayaw mo madamay sa gulo ng ceo ninyo eh pumirma ka na. Hindi mo gugustuhin na makalaban ako. Baka hindi lang yan ang gawin ko na pagkuha ng pictures mo. Kaya kong kalkalin ang buhay mo Mr. Chua." sabi ko

"Sige pipirma na ako pero pano ako makakasigurado na hindi ka gagawa ng ikakasira ng pamilya ko." sabi nya.

May isang salita ako Mr. Chua. Ibibigay ko sayo lahat ng kopya nyan pati na ang Usb na hawak ng isa sa kasama ko dyan. Kahit sa mga hotel na napicturan ko ipabubura ko iyon. Walang mahahanap na ebidensya ang asawa mo. Pero paglagpas ng araw na ito at gumawa ka ng kahit ano ay labas na ako dyan. Tip ko lang sayo nagpapaimbestiga na ang asawa mo. Walang nakuhang kahit ano ang imbestigador ng asawa mo dahil inunahan ko na sila. Kaya kung ako sayo wag mo akong kakalabanin pa. Masama ako magalit." sabi ko.

Pinatay ko na ang tawag. Hinayaan ko nang makipag usap sila Jimin sa kanya.

"Lisa nag iintay na sina V at Jisoo sa conference room. Nandun na din ang asawa mo." sabi ni Jennie.

"Cge na tara na nga. Gisingin mo na si Rose at nang makapag usap tayo." sabi ko.

Nilagay ko ang mga anak ko sa stroller na pang kambal tapos lumabas na ako at pumunta ng conference room. Pagdating ko dun sakto din ang dating nila Jimin, Jin at Jhope. Pagkaupong pagkaupo ko nagsalita si Jhope.

"Grabe ang bangis mo Lisa sa pakikipagdeal. Kung nakita mo lang ang mukha ni Mr. Chua at ng sekretarya nya hahaha matutuwa kayo, putlang putla sila." kwento ni Jhope.

"Ang bilis mo makakuha ng mga ebidensya Lisa." sabi ni Jin.

"Siyempre kailangan bago kayo pumunta sa labanan, dapat may bala kayo. Alangan naman puro daldal lang tayo." sabi ko

"Ano nang susunod na hakbang?" tanong ni Jisoo.

"Jisoo ikaw na ang bahala sa mga files na mga ito. At lahat ng shares pakilagay na sa pangalan ko muna. Dahil baka humabol pa ang pamilya ni Rose. Saka na natin ililipat lahat sa pangalan nya kapag natapos na lahat ang problema natin." sabi ko.

"Ililipat mo lahat sa pangalan ko? Paano ang pera mo? Hindi ko matatanggap yan Lisa." sabi ni Rose.

"Saka mo na isipin yan kapag kumikita na ang ospital mo. Deserve mo lahat yan Rose. Alalahanin mo ang anak mo. Magsimula ka ulit ng buhay mo kasama ang anak mo. Alam kong hindi ka na makakabalik bilang agent. Passion mo naman ang paggagamot kaya makakaya mong ihandle yan." sabi ko.

"Salamat Lisa di ko alam gagawin ko kung wala ka. Salamat sa inyo." sabi ni Rose.

"Ano ka ba parang kapatid ko na kayo. Wag mong alalahanin ang pera at isa pa pera ni Errol yang lahat. Gusto ko mapunta ang pera nya sa maayos." sabi ko.

"Wow pede bang ampunin mo din ako hahaha." sabi ni Jhope.

"Ang laki mo na papaampon ka pang kabayo ka hahaha." sabi ni V.

"Kasi naman ang sarap mo maging kapatid Lisa namimigay ka ng pera. Pautang nga hahaha." sabi ni Jin.

"Ang yaman yaman mo uutang ka pa." sabi naman ni Jk.

"Tara na nga pagplanuhan na natin yung iba pang gagawin. Puro kayo biro eh." sabi naman ni Suga.

Nag usap kami tungkol sa mga gagawin. Uumpisahan namin ang pagrescue sa anak ni Rose. Sana maging ok ang lahat.