webnovel

Miracle

Jungkook's Pov

Hindi namin alam kung paano namin nalagpasan ang lahat. Nang makita kong nagflat line si Lisa natulala ako. Ang iniisip ko panaginip lang to. Hindi ko alam kung gaano karaming luha ang lumabas sakin. Sobra ang sakit na naramdaman ko. Kahit ang mga kaibigan namin walang nagawa kundi ang lumuha.

Ang kambal namin walang tigil din sa pag iyak. Kahit anong gawin namin, napadede na sila, napaltan na ng diaper at chineck up na ni Rose pero ayaw nilang tumigil sa pag iyak. Nang kargahin ko sila saka lang sila tumatahan kaso saglit lang iiyak na naman. Parang nararamdaman nila na nahihirapan lumaban ang mama nila.

Pero talagang miracles do come true. Nakasurvive si Lisa ng 3 araw. Kinailangan pa namin syang ipump sa bibig para makahinga pero ngaun maayos na syang nakakahinga. Yung dati nyang tinurukan ng antidote, nakasurvive lang ng 2 araw kaya ang akala namin wala na kaming pag asa pero namatay pala iyon dahil sa mahina ang resistensya.

Sa ngaun nasa ICU na si Lisa. Masaya akong nakikitang lumalaban si Lisa. Hinihintay na lang namin syang magising. Mas gugustuhin ko na hintayin sya gumising na may pag asa kaysa sa makita syang walang buhay. Alam kong sobrang nahihirapan ang asawa ko, kaya pangako ko sa kanya na gagawin ko lahat para matupad ang mga pangarap nya. Pangarap nya na magkaroon ng masayang pamilya.

Saglit lang ako kung pumasok sa ICU. Ako lang ang pinapayagan bukod sa mga doktor. 3 beses sa isang araw lang ako nakakapasok at hanggang 1 oras lang. Maselan pa kasi ang kondisyon ni Lisa. Ok lang naman sakin basta wag lumala ang asawa ko. Kaya kong hindi pumasok at tignan lang sya sa labas. Pero sabi ng doktor makakatulong ako para lumaban at magising si Lisa. Kausapin ko daw ng kausapin.

Ngaun oras na ng dalaw ko. Nagsuot muna ako ng personal protective equipments tulad ng gloves at gowns para sa safety ni Lisa. Pumasok na ako sa ICU at umupo sa gilid ni Lisa. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Mahal gising ka na ha. Naghihintay na kami ng kambal sayo. Pero kung nahihirapan ka pa at gusto mo pa matulog eh matulog ka pa para lumakas ka. Pero mahal gigising ka ha. Hihintayin ka naming magising. Alam mo ba ayaw sumama ng kambal sa iba nating kaibigan. Kay V at Jimin lang sila nasama. Kapag kinukuha sila ng iba nag iiiyak sila." kwento ko kay Lisa. Tumayo ako at inayos ko ang higaan nya. Hinaplos ko din ang buhok nya.

Habang pinupunasan ko sya napansin ko na lumuluha na naman ang asawa ko. Pinahiran ko ang luha nya at binulungan sya.

"Mahal palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng kambal at hihintayin ka naming gumising ha pero wag mo kaming paghintayin ng matagal. Andito lang kami lagi para sayo. Mahal na mahal kita." bulong ko sa kanya.

Hindi ko namamalayan na tapos na ang isang oras ko. Araw araw ko syang kinukwentuhan ng mga nangyayari sa  amin. Oras na pala para magpaalam.

"Mahal magpalakas ka ha. Babalik ulit ako bukas para bisitahin ka ulit. Pasensya na hindi kita masamahan kasi maselan pa kalagayan mo. Babalik ako ulit. Mahal na mahal kita." pagpapaalam ko sa kanya. Hinalikan ko muna ang noo nya bago lumabas ng ICU.

Pumunta muna ako sa chapel at nagpasalamat bago pumunta sa kwarto ni Lisa sa headquarters. Duon ako natutulog kasama ang kambal pati na nila Jimin at V. Pasaway kasi tong si V ayaw sa clinic, nababato daw sya dun. Pasaway talagang alien na to parang hindi inoperahan. Pinayagan naman sya kasi nasa headquarters pa din. Nadatnan ko na kinakausap ni V ang kambal. Si Jimin naman nakain.

"Oh andyan ka na pala Jk. Kamusta si Sis. may pagbabago ba?" tanong ni V. Lumapit muna ako sa kambal at hinalikan ang mga ito bago ako naupo sa tabi ni V.

"Ganun pa din." sabi ko.

"Atleast kahit papaano stable na sya at mukhang nagreresponse naman sya sa mga sinasabi mo. Nagpapalakas lang yun." sabi ni Jimin

"Kamusta ang kambal ko?" tanong ko. Tapos binuhat ko si Lala para padedehin.

Ganyan ang gawain namin ng mga sumunod na mga linggo. Ika isang buwan at ikalimang araw na ni Lisa nang ito ay macomatose. Oras na ng pagbisita ko. Iniwan ko ulit ang kambal kina V at Jimin. Ang mga tanders muna ang tumutulong sa akin sa mga kompanya ko.

Papalapit na ako sa ICU nang napansin ko na nagkakagulo sila. Nadatnan ko sina Jennie, Rose at Jisoo sa labas ng ICU. Nilapitan ko sila.

"Anong nangyayari?" tanong ko. Ayokong isipin na may masamang nangyayari sa asawa ko. Napansin kong umiiyak sila. Wag naman sana.

"Jk.... Jk gising na si Lisa! Gising na sya!" masayang sigaw ni Jennie.

"Talaga! Salamat naman sa Diyos at gising na sya. Pero bakit sila nagkakagulo?" tanong ko.

"First time kasi ito na may survivor. Nagtatanong na sila kay Lisa ng mga nararamdaman nito. Magiging sagot na ito sa ibang taong matuturukan nito." sabi ni Jisoo.

"Eh di ba wala na ang grupo ni Josh?" tanong ko.

"Napag alaman kasi ng agency na bago mamatay ang grupong pentagon ay naipagbili nila ang formula sa ibang grupo. Kaya ayun ang inaalam pa namin." sabi pa ni Jisoo.

"Nasasabik na akong makita si Lisa." sabi ni Rose.

"Ako din!" sabay na sabi ni Jennie at Jisoo.

Napangiti naman ako. Masaya ako at napapaligiran ng mabubuting tao ang asawa ko. Mas masaya ako kasi gising na si Lisa.

"Uy si Jk abot tenga ang ngiti hahaha." pang aasar ni Jennie.

"Syempre naman gising na ang mahal ko." sabi ko sa kanya.

Nag aantay kami sa labas. Inaantay ko kung kelan ako papapasukin.

"Jk pasok ka na, hinihintay ka na ng asawa mo." sabi ni Agent Aquamarine. Tapos isa isa nang naglabasan ang mga doktor.

Nagpaalam muna ako kina Jisoo bago ako pumasok. Pagpasok ko nadatnan kong nakaupo na si Lisa sa kama at nakangiti.

"Mahal nagbalik na ako. Pinilit kong gumising para sa inyo ng kambal." sabi ni Lisa.

Lumapit ako sa kanya at di ko napigilan na halikan sya. Tumulo ang luha ko sa sobrang saya. Naputol ang halikan namin ng paluin nya ako.

"Ano ka ba naman mahal bakit mo ako hinalikan? Nakakahiya." sabi ni Lisa.

"Huh? Anong nakakahiya dun eh asawa naman kita." sabi ko. Napansin ko na kinagat ni Lisa ang ibabang labi nya.

"Kasi hindi pa ako nagtotoothbrush eh, halik ka nang halik dyan. Nakakahiya isang buwan na akong tulog." nahihiyang sabi ni Lisa.

"Ayos lang sakin yun kahit anong amoy o lasa ng bibig mo ang importante sakin buhay ka at makakasama ka na namin ng kambal." sabi ko.

"Excited na akong makita ang kambal.  Namimiss ko na sila. Mamaya ililipat na ako sa private room, dun mo na papuntahin ang kambal." masayang sabi nya. Tumango naman ako.

"Syanga pala nasa labas ang tatlo mong kaibigan. Gusto ka daw nila makita." sabi ko.

"Sige papasukin mo sila." sabi ni Lisa.

"Okay sunduin ko muna ang kambal. Magkita na lang tayo sa private room mo. Papapasukin ko muna sila para may bantay ka." sabi ko. Tumango lang si Lisa. Hinalikan ko muna ito sa labi bago umalis.

"Pasok na kayo. Inaantay na kayo ni Lisa." Ngumiti sila sa sinabi ko at nag unahan sila sa pagpasok.

Naglakad ako ng nakangiti papunta sa kwarto namin ni Lisa. Nadatnan ko ang buong Bts duon. Natulala sila na nakatingin sakin.

"Hoy bakit kayo nakatulala dyan?" tanong ko.

"Nakangiti ka Jk? Totoo ba yan?" tanong ni Namjoon.

"Wag mong sabihin na gising na sya!" sabi ni Jhope. At tumango ako. Lumapit sakin si V at inakbayan ako.

"Sabi ko naman sayo eh. Gigising ang asawa mo. Astig kaya yun. Pati virus kinalaban. Cool!" sabi ni V.

"Saan ba pwedeng maghanap ng katulad ni Lisa?" tanong ni Jhope.

"Si Violet hinahanap ka na hahaha!" sabi ni Suga.

"Yuck! Magpapari na lang ako." sabi ni Jhope.

"Makayuck ka naman hahaha bagay naman kayo ah." pang aasar ni Jin.

"Teka nga pala kung gising na si Lisa eh bakit nandito ka?" tanong ni Jimin.

"Susunduin ko ang kambal. Gusto nya kasi silang makita." sabi ko.

"Ano pa hinihintay nyo sugurin na natin si Lisa! Namimiss ko na rin kulitin ang baby sis ko." sabi ni V.

Inayos namin ang mga gamit ng  kambal at binihisan ang mga ito. Pinagmasdan ko ang mga anak ko at ngumiti. Pangako mga anak ito na ang simula ng masayang buhay natin kasama ang mommy nyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan tayo ng milagro.