webnovel

Broken Hearts

Jungkook's Pov

Nagmulat ako ng mata ko. Alam kong nasa ospital kami ng headquarters. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Nakita ko sa kabilang kama si Jimin. Tapos natutulog naman sa sofa si Jin at Suga.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jhope na may dala dalang pagkain. Nanlaki ang mata nya dahil sa nakitang gising na ako.

"Jk gising ka na!" sigaw ni Jhope. Nakita ko naman na nagmulat na din ng mata si Jin, Suga at Jimin.

"Pwede bang pakitulungan akong umupo at pahingi na din ako ng tubig." sabi ko. Inalalayan naman ako ni Suga at Jin na umupo.

"Kamusta si Lisa at V?" tanong ko.

"Si V, maayos naman ang naging operasyon. Nasa ICU silang dalawa ni Namjoon." sagot ni Suga.

"Eh ang asawa ko?" tanong ko. Napansin ko na nag iiwas sila ng tingin sakin. Nararamdaman ko na masama ang nangyayari sa asawa ko.

"Sabihin nyo nakaligtas ba sa magdamag ang asawa ko? Humihinga pa ba sya?" tanong ko. Yumuko lang silang lahat. Tumulo na ang mga luha ko.

"Alam ko ang kundisyon ng asawa ko. Naipaliwanag nya na sa akin ang posibilidad na mangyari sa kanya. Gusto ko lang malaman sa inyo kung humihinga pa ang asawa ko. Parang awa nyo na dalhin nyo ako sa kanya." sabi ko habang walang tigil ang pagtulo ng luha ko.

"Oo nahinga pa si Lisa. Naka survive sya ng isang araw. Nasa kabilang kwarto sya binabantayan ni Jennie at Jisoo. Wag ka mag alala dadalhin ka namin sa kanya." sabi ni Jin.

"Salamat." sabi ko.

Oo alam ko ang kalagayan ni Lisa. Ginagawa nya pa lang iyon, sinasabi nya sa akin ang mga epekto ng virus na yun. Lason sya na unti unting pumapatay sa natuturukan nito. Sinabihan na ako nito na kung sakasakali asahan na nya na malala ang magiging kondisyon nv taong naturukan nito. Kaya nga hinihiling ko lang na malabanan nya ang virus.

Nilagay nila ako sa wheelchair at dinala sa kwarto ni Lisa. Nadatnan ko dun na nag uusap usap sina Jennie, Jisoo at 2 doktor. Napatingin naman sila sakin.

"Jhope pakidala ako sa tabi ng asawa ko." utos ko kay Jhope. Hinawakan ko agad ang kamay nya nang makarating kami sa kama nya. Hindi ko mapigilan ang luha ko habang hinahalikan ko ang kamay nya.

Yumuko ako dahil hindi ko na mapigilan na mapahagulgol sa nangyayari sa amin. Kailangan ba namin sapitin ang mga bagay na to bago kami lumigaya? Masama ba kami kaya pinarurusahan nya kami? Hindi ko mapigilan ang pag iyak kasi alam ko hindi deserve ng asawa ko ang magdusa ng ganito. Naramdaman ko na may humaplos sa ulo ko. Nag angat ako ng tingin

"Mahal ok ka na ba? Masakit pa sugat mo?" tanong sakin ni Lisa tapos ngumiti sya. Ngumiti din ako sa kanya. Pinahiran ko muna ang luha ko. Ganyan naman si Lisa inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili nya.

"Ayos lang ako mahal, kayang kaya ko na ito. Ikaw ba? Salamat at lumaban ka na malagpasan mo ang isang araw. At sana wag ka susuko sa susunod na mga araw pa. Maaasahan ko ba yun mahal?" tanong ko kay Lisa. Tumango naman sya. Maya't maya pa rin ang paghalik ko sa kamay nya. Gusto ko malaman nya na mahal na mahal ko sya.

"Tulungan nyo naman ako umupo. At gusto ko rin makita ang kambal ko maaari ba?" sabi ni Lisa. Tinulungan naman sya ni Jennie at Jhope. Pinilit kong tumayo at tumabi sa kanya.

"Alis na kami Agent Black. Babalik ako  mamaya para monitoring sayo." sabi ni Agent Aquamarine. Pagkatapos lumabas na sila ng kwarto.

"Pupuntahan ko lang ang kambal at dadalahin ko dito." sabi ni Jennie at tumango naman ako.

"Jennie, thank you ha." sabi ni Lisa.

"Ikaw pa ba eh mahal na mahal kita" sabi ni Jennie halata mo sa boses na naiiyak ito.

"Kami din Lisa, lalabas muna kami ni pa Jin para bumili ng pagkain. Ikaw Jhope sama ka?" tanong ni Jisoo.

"Hindi na sa labas lang ako baka may kailangan sila Jk. Cge labas muna kami." sabi ni Jhope.

Kaming dalawa na lang ni Lisa sa kwarto. Pinupog ko ng halik si Lisa. Sa noo, sa pisngi, sa mata, at sa labi. Napahagikgik naman si Lisa.

"Ikaw talaga ang hilig mong manghalik. Nakakarami ka na ah." sabi ni Lisa habang natawa.

"Syempre namiss kita. Bakit ayaw mo ba? Eto ang arte mo pakipot ka pa hahaha." sabi ko.

Puro kami kwento at tawanan ni Lisa. Maya maya bigla na lang sumeryoso ang mukha na at biglang lumuha.

"Salamat Jk sa pag uunawa mo sakin at sa pagmamahal mo. Kung sakali mang may mangyari sa akin, alagaan mo ang kambal ha." sabi ni Lisa. Di ko rin napigilan na lumuha. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinarap sa akin.

"Hindi ko ata kakayanin na mawala ka sa buhay ko mahal. Kapag nawala ka mamamatay din ako." sabi ko.

"Pero Jk ang kambal. Please lang magpatuloy ka at alagaan sila." sabi nya.

"Lisa, wag mo sakin hilingin yan at hindi ko tutuparin kaya kung ayaw mo akong mamatay din eh lumaban ka. Pilitin mong mabuhay. Wag kang sumuko kasi hindi ako nasuko sayo. Gusto pa kitang makasama. Yung buo tayong pamilya at mga kaibigan natin." sabi ko. Tahimik lang sya na lumuluha.

Pinilit kong tumayo at lumabas. Kasi pagnagtagal pa ako eh baka hindi ko mapigilan na humagulgol. Alam ko panghihinaan si Lisa pagnagkataon. Lumabas ako ng pinto at nakita ko si Jhope na nakaupo.

"Jk bakit ka tumayo. Saan ka pupunta?" pagtataka ni Jhope.

"Magpapahangin lang. Pakibantayan muna asawa ko. Sabihin mo babalik ako agad." sabi ko sabay talikod sa kanya.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapansin ko ang isang chapel di kalayuan sa kwarto namin. Pumasok ako sa loob. Di ko na napigilan na humagulgol. Iyak ako ang iyak. Guato kong mailabas lahat ng nasa loob ko para pag harap kay Lisa ipapakita ko na matatag ako.

"Panginoon nagmamakaawa ako aa inyo iligtas mo ang asawa ko. Buong buhay nya ngaun lang sya sumaya. Pagbigyan nyo po sana ang hiling na na magkaroon ng masayang pamilya. Paano mangyayari yun kung kukunin mo na sya sa amin. Panginoon alam ko may mga kasalanan kaming nagawa pero sapat na ba yun para parusahan kami lalo na si Lisa? Siya ang pinakamabait na taong nakilala ko kaya naman bakit kailangan nya magdusa ng ganito. Parang awa nyo na ako na lang huhuhu!" iyak ako ng iyak habang kinakausap ang imahe na nasa harap ko.

Yumuko ako at hinayaan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong makita ako ni Lisa sa ganitong sitwasyon. Habang nakayuko ako ay may tumapik sa balikat ko at may gumulo ng buhok ko. Nag angat ako ng ulo at nakita ko si Jimin at V na nakaupo sa wheelchair at ngumiti sila sa akin. Pinabayaan nila akong mag iiiyak. Niyakap nila ako. Nakaramdam ako ng ginhawa kasi alam ko nandyan sila. Kahit anong mangyari dadamayan nila ako. Tumigil na ako sa pag iyak at ngumiti sa kanila.

"Ok ka na ba Jk? Wag kang susuko kailangan ka pa ng kambal mo at lalo na si Lisa." sabi ni Jimin. Tumango naman ako.

"Alam mo kung gaano kayo kahalaga sa amin. Nandito lang kami palagi pag kailangan mo ng kausap. Langya ka wag mong sabihing susuko ka? Sayang yung pagpapakahero ko hahaha." sabi ni V. Nagtawanan naman kami.

"Sinabi ko bang saluhin mo yung bala.  Hmm pero thank you talaga V, salamat sa pagsagip sakin. Salamat at nandyan kayo palagi sa amin." sabi ko.

"Walang anuman. Nandito lang kami palagi kakayanin natin itong problema na to. Problema lang yan, gwapo naman tayo hahaha!" sabi ni V.

"Siraulo kang alien ka anong konek sa problema at gwapo. Halika na nga Jk iwan na natin tong alien na to. Baka hinahanap ka na ng asawa mo " sabi ni Jimin at tumango naman ako.

"Uy wag nyo ako iwan. Sasapakin kita chim chim." sabi ni V.

Bumalik kami sa kwarto ni Lisa. Pagpasok namin nadatnan ko na kumpleto ang mga kaibigan namin. Kami na lang ang kulang. Nandun din ang anak ni Rose at ang kambal. Hinalikan ko sa noo si Lisa.

"Saan ka ba galing mahal? Hinahanap ka na ni Lala oh. Gusto atang magpakarga sayo." sabi ni Lisa.

"Dyan lang may ginawa lang ako. Akina nga si baby Lala ko." kinuha ko si Lala at pinupog ko ito ng halik. Humagikgik naman ito. Si Leo naman nasa bisig ng mama nya at tahimik lang na nakatitig sa mama nya.

Masaya kaming nagkukwentuhan lalo pa nandito si alien. Tapos inaasar si Jin at Jisoo. Maya maya biglang umiyak si Lala at Leo na ipinagtaka namin. Kasi sobra ang pag iyak nila.

"Rose pakibalik si Lala at Leo sa kwarto ni Jennie. Sama mo na din ang anak mo. Paki usap bilisan mo." nagtataka man pero sumunod si Rose. Sumama si Jin at Jisoo. Pagkalabas nila humingi ng plangganita si Lisa. Nang maibigay na ni Jennie saka biglang sumuka ng dugo si Lisa. Nataranta naman ang lahat. Wala akong nagawa kundi hagudin ang likod nya.

"Mahal hindi ko na kaya! Pagod na ako. Huhuhu!" iyak na ng iyak si Lisa.

"Gaga ka Lisa sasampalin talaga kita pagsumuko ka!" sigaw ni Jennie habang nag iiiyak ito.

Inihiga namin si Lisa at nilinisan ang mukha na may talsik pa ng dugo.

"Mahal lumaban ka ha. Wag ka susuko. Pagsumuko ka susunod ako sayo. Mag aantay pa kami ng kambal sa paggaling mo." sabi ko.

Naupo ako sa harap nya at hinawakan ko ang kamay nya. Unti unting pumikit si Lisa. Nagulat kami nang magflat ang linya na nagmomonitor sa puso nya. Natulala ako.

"Tumawag kayo ng doktor! Bilisan nyo!" sigaw ni V.

"Lisa! Wag mo akong iwan huhuhu! Gusto mong masampal talaga! Huhuhu." sabi ni Jennie.

Natauhan naman ako at umiyak ng malakas habang nakalapat ang ulo sa higaan ni Lisa nanghihina ako.

"Lisa wag mo akong iiwan! Parang awa mo na! Huhuhu!" sigaw ko. Hinimas himas naman ni Jimin ang ulo ko.

Dumating ang doktor at sinubukan isalba si Lisa. Tahimik kami na nasa kwarto na iyon. Kaya pala nag iiiyak ang kambal ko kanina. Please lang God iligtas mo po si Lisa.